DAEGU TALE 04:
S I S U P O T A T S I P A N D A K
NAUNA akong nagising dulot na rin nang may gumalaw sa tabi ko.
Nang ibuka ko ang mga mata ko, nagulat ako nang makitang nasa tabi ko si Jihoon at nakakapit sa braso ko habang tulog pa. Huminga ako ng malalim kasi akala ko kung ano nang gumalaw. Hindi pa naman ako sanay nang may katabi sa higaan. Makaraan ang ilang segundo, saka ko pa naalala na umuwi nga pala ako ng Daegu kasama si Jihoon. Explains why I hear birds instead of city cars outside the house.
Hindi muna ako gumalaw ng ilang sandali at nakiramdam.
Hindi pa masyadong maliwanag ang paligid at base sa lamig at papawalang dilim, mukhang kakaakyat lang ng araw. Iginalaw ko ng konti ang ulo ko para tingnan si Jihoon sa tabi ko. Gusto kong matawa nang makitang ang higpit ng kapit niya sa braso ko na para bang batang takot mawalay sa nanay niya.
Hindi mo 'ko nanay Jihoon, naku naman. Kahit sa pagtulog tsumatsansing e.
Hindi ko na napigilan ang sarili ko at inamoy ang ulo niya.
Yup. He smells like me. Since he used my shampoo. Pero kahit ganunpaman, natutuwa ako sa ginagawa kong pagdiin-diin ng ilong ko sa anit niya. Ang sarap ng pakiramdam ng buhok niya sa ilong ko. Isang beses lang 'to pramis! Hindi na 'to mauulit! Natutuwa lang kasi ako sa kanya.
All the cuteness from Lee Jihoon that I managed to overlook all this time came rushing back to me now.
Parang gusto ko yata siyang yakapin ngayon na at 'wag pakawalan. Ahhh! Nanggigigil ako!
Pero pinigilan ko ang sarili ko. Ayoko namang magising siya at mag-akalang minamanyak ko siya.
"Uhhh."
Kahit na mukhang ako 'tong minamanyak niya habang natutulog.
I was about to pry my arm off his hold when I heard sniffing.
Tas nasundan pa ulit ng isa pang singhot.
"Jihoon?"
Singhot.
Teka umiiyak ba 'to? Iniangat ko ang mukha niya at nakitang umiiyak nga siya pero hanggang ngayon, tulog pa.
"Jigoon? Oy . . . ba't ka umiiyak? Ji?"
Ibinuka niya ang kanyang mga mata tsaka mas lalong lumakas ang iyak niya nang makita ako.
Wow . . . Lee Jihoon. Crying. Umiiyak siya. Umiiyak siya ngayon sa harap ko. Hindi kapani-paniwala.
"O-Oy, J-Jigoon, anong problema?"
"S-Seungcheol."
"O-Oh."
May ibinulong siya sa'kin pero hindi ko masyadong marinig dahil sa mga iyak niya. Oy kinakabahan na ako ah! Ano bang napanaginipan nito?
"Jigoonie. Oy. Okay ka lang?"
"Mmm. I'm f-fine. Just . . ." Pinahiran niya ang kanyang mga luha. "Had a bad dream. S-Sorry."
Pinagmasdan ko siya ng ilang segundo bago siya tuluyang tumahan at bumangon.
"Saan ka?"
"Papahangin lang."
Tumayo siya tsaka lumabas sa balcony ng kwarto. Sinundan ko naman siya agad at naabutang pinapatuyo ang mga luha niya gamit ang kanyang mga kamay. He looked at me when he was done and smiled.
"Supot. Promise me one thing."
"Ano 'yon?"
"No matter what happens, I'll remain your blackmailer."
Kumunot ang noo ko tsaka nagsalita sa mahinang boses. "Bakit, ikaw naman talaga ah? Ikaw naman talaga ang naglakas-loob mamblackmail sa'kin e. Walang magbabago kahit anuman ang mangyari."
Napangiti siya, medyo mamula-mula pa ang kanyang mukha sa kaiiyak. "Mm. At tatandaan mo rin na wala akong pinagsisisihan sa mga ginawa ko. Kasi nakilala kita ng lubos. I knew you, through this ridiculous way no matter how ridiculous this is. I have no regrets."
Nailing ako. Typical Jihoon I know. "Why bring this up so early in the morning? Tsaka bakit ka umiiyak hm?"
Umiling siya. "Wala lang. Bad dream."
"Alam kong masama. Pero tungkol saan?" tanong ko. "You can tell me you know. Sige na, para naman gumaan pakiramdam mo."
"Nagpatuli ka na raw."
"Ha?!"
Tumawa siya tsaka pinahiran ang mga mata niya. "Mawawalan na ako ng supot. Kaya ako umiiyak. K-Kasi binata na ang supot ko."
Then he cried again. Hindi ko alam kung seryoso ba talaga siya o ginogood time niya lang ako. Totohanan kasi 'tong pag-iyak niya e.
Nahihiwagaan ako sa nakikita ko kaya hindi agad akong nakareact. Unti-unti akong lumapit sa kanya tsaka hinimas ang likod niya. "O-Oy tahan na. Hindi na oh. Hindi na ako magpapatuli."
Sabi ko kasi hindi ko na alam ang sasabihin ko.
He bursted in sobby laughter. "Abnoy. Edi hindi tayo magkakaanak?"
"Hindi nga tayo magkakaanak kasi lalaki ka!" sabat ko sa kanya. "Hanggang sa hindi ka pa tutubuan ng matres, hanggang pag-aadopt lang tayo!"
I stopped when I realized my words. Mabilis akong napalingon sa kanya at nakitang nakangisi siya habang nakatungo sa balcony na para bang natutuwa sa sinabi ko.
"Ahm, a-ano joke lang 'yon. Pfft. T-Tsaka ano, nakakabuntis pa naman ang mga supot kasi may mga bay—"
"You know. Ikaw lang ata ang lalaking handang magpakasupot habangbuhay para tumahan lang ako," pagpuputol niya.
Umiwas ako nang tingin nang maramdamang parang umakyat sa ulo ko ang lahat ng dugo sa katawan ko.
I heard him chuckle. "I don't come across guys like that everyday. Siguro 'yong ibang lalaki, magpapatuli agad o bubugbugin na ako 'pag ginawa ko sa kanila ang ginawa ko sa'yo."
Sabagay. Pero ano ba ang dapat kong gawin? Bubugbugin siya kasi may alam siya tungkol sa'kin at ginamit ito laban sa'kin? It's a bummer but I won't go to those lengths. Kahit na inis na inis na ako sa kanya noon. I always thought he was someone who had nothing else to do. Kaya niya ako natripan. Ayokong pinagtitripan oo, pero kung hindi niya ginawa ang lahat nang ginawa niya, baka hindi rin ako nandito sa Daegu kasama ng pamilya ko.
Baka habangbuhay na lang din akong tatakas sa problema ko.
Baka hindi ko nagawa ang mga bagay na nagawa ko dahil kay Jihoon.
Kung hindi dumating si Jihoon, hindi ko rin ata mararamdaman ang mga bagay na nararamdaman ko sa kanya.
So in a way, it was kind of a blessing in the most disgusting disguise there is.
"So thank you Seungcheol," Nakangiting saad niya sa'kin. So far the sweetest he has ever showed me. "Thank you for being my supot."
Despite the nickname, I smiled back. "Ako naman yata ang pinakagwapong supot na nakilala mo e."
"Maybe."
"Thank you, too."
"Para saan? Sa pangangasar sa'yo?"
"Sa pagiging pandak ko," tumawa ako. "Aha!! Akala mo ikaw lang ang marunong Dagul ah!"
"Gago anong dagul?! Sinong Dagul?!"
✨
Jihoon sobbed, tear-stricken, eyes puffed red as he crouched down to the ground, next to a tombstone with the words engraved:
In the memory of Choi Seungcheol.
August 8, 1995 — xx, xx, xxxx
BINABASA MO ANG
Blackmail / jicheol
Fanfiction❝date me or else the whole school will know you're . . . um, supot.❞ / mail trilogy #1 / book cover credits to: anecchan!
