Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.
HINDI maiwasan ni Seungcheol ang magtaka nang nakatanggap siya ng text mula kay Seokmin na naglalaman ng ospital na kinaroroonan ni Jihoon. Nagtataka lang naman siya kung paano naunang nalaman ni Seokmin ang tungkol kay Jihoon kaysa sa kanya. Hindi ba dapat siya ang unang makaalam ng mga bagay-bagay tungkol dito? He briefly wondered if Jihoon and Seokmin had gotten that close behind his back. Medyo nailang siya sa iniisip. It bothered him thinking how much they've gotten close without him knowing. Gaano na ba sila ka-close ngayon? Bakit parang ang bilis naman yata?
Seungcheol would've denied this creeping feeling before. But now he can't. Masasabi niyang medyo nagseselos siya ng konti.
Wala na rin namang punto kung idedeny pa niya ang nararamdaman. He's extremely fond of Jihoon already, he admits that to himself. Sinabi na nga niyang gusto niya ito tama? Wala nang silbi ang pagkukunwaring hindi siya naapektuhan sa maliit na bagay na 'to. He tried not to think about that bitter echoes in his chest. Si Seokmin ang pinagseselosan niya rito. Kahit na gaano pa sila ka-close ni Jihoon ngayon, kaibigan niya pa rin ang tao ng ilang taon. Way longer than he's known Jihoon. Hindi maaaring mamayani sa kanya ang pait na nararamdaman para sa kaibigan. That's wrong, but he can't help it spreading across his chest no matter how much he chides himself. Hinayaan niya na lang itong mamuo sa dibdib niya sa paniniwalang mawawala din ito sa oras na makita niya si Jihoon.
Jihoon is the only assurance he needs. Assurance for what? Seungcheol's not sure what kind of assurance he wanted at this point. Kahit ano. Kahit 'yong mga simpleng ngiti lang ni Jihoon sa kanya na nagsasabing "Ikaw lang ang nagpapangiti sa'kin ng ganito". He'll take everything.
Seungcheol shook his head, feeling silly for being so childish.
"Sa'yo lang."
That thought alone had him sprinting inside the hospital Seokmin texted and swerving his way inside. Saglit siyang nagtanong sa reception bago nagmamadaling umakyat sa floor na sinabi. Nang bumukas ang elevator, bumungad sa kanya ang gulat na mukha ni Jeonghan.
He looked just as surprised as he is. "Jeonghan? Anong ginagawa mo rito?"
"Y-You're . . . " Jeonghan clicked his tongue then dragged him back into the elevator. "You're going with me."
Iwinaksi niya ang kanyang kamay mula sa hawak ni Jeonghan at mabilis na lumabas bago pa man magtagumpay si Jeonghan sa ginagawa niya. "Hindi pwede. Kailangan kong makita si Jihoon. Room 198 hindi ba?"
"Seungcheol! Makinig ka sa'kin!" sigaw ni Jeonghan tsaka hinawakan ang magkabila niyang mga balikat. "May kailangan kang malaman tungkol kay Jihoon!"