Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.
"TAPOS alam mo ba kung anong ginawa niya?"
"Ano?"
"Binato niya ng tsinelas si Yoongu!! Hahahahaha!"
"At nasapol siya sa mukha."
"HINDI MARUNONG UMILAG LOLO MO KASI MATANDA NA HAHAHAHA."
Napatawa siya ng konti at hinigpitan ang hawak sa phone niya. Nang kumunot medyo ang mukha niya dahil sa pagngiti, ramdam niya ang hapdi at pagod ng kanyang mga mata. Namamaga pa rin ito at kahit na gustuhin man niyang pumikit upang matulog at magpahinga, hindi pa rin naiibsan ng mga ito ang sakit ng mga mata niya. Seungcheol has been crying his tear ducts dry and his eyes sore. He needed someone to talk to. Hoseok seemed to be the perfect person for the job. Hindi nga siya nagkamali. Hindi pa nagtagal ng limang minuto ang tawag ay ngumingiti na siya gaya ngayon dahil sa mga kwento at biro ng kaibigan. He made the right choice at calling him.
Tumagilid si Seungcheol sa higaan habang hawak pa rin ang phone sa kanyang kamay. Ramdam niya ang pangangalay ng kanyang kalamnan dulot na rin ng mahabang pagtaob sa higaan. He's been in that position since last night until now. The strain was impossible, his face contorted into a deep frown. Dahil dito naramdaman niya ulit ang hapdi ng mga mata.
Just how much he did cry every night? Just how much tears he spent wetting Jihoon's pillow underneath his head? Nawawala na ang scent ng nakababata, mura ni Seungcheol sa sarili. He buried his nose deep into the pillow in the pathetic attempt at catching Jihoon's scent. But all he got was the slightly damp material because of his tears and his own sweat and scent.
No trace of Jihoon.
Parang awtomatikong sumikip ang dibdib ng lalaki at muli'y nagbadya na naman ang luha sa kanyang mga mata. His eyes stinging from the newfound warmth and the new batch of fresh tears threatening to spill.
Fuck, mura niya sa sarili tsaka sinubukang kumurap upang pigilan ang mga ito mula sa pagtulo. Every fucking time.
". . . Kailan ka ba babalik, ipapakilala ko nga pala sina Taehyung at Jimin sa'yo naku! Ang cute na mga bata! Masyadong maalagain sa bagong papa nilang si Yoongu."
Seungcheol cleared his throat and tried his best to block out any trace of sadness from his voice. At least one of them is happy. Kaka-adopt lang nina Yoongi at Hoseok ng mga batang aalagaan. Seungcheol can only imagine the joy of the couple because of this. Hindi niya gustong sirain ang kaligayahan nila sa pamamagitan ng pagpapakita ng kahit anong bahid na kalungkutan ngayon.