Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.
✨
Supot ko,
Alam kong sawa ka na sa mga listahan ko. But just this one last time, you grant me a wish. This is what I ask of you, Seungcheol. Please take care of these people for me.
Pandak mo
List of People Choi Seungcheol needs to Take Care of:
1) YOON JEONGHAN
***
"ANGEL, say hi to Tito Seungcheol."
Nahihiyang nagtago ang maliit na bata sa likod ng mga binti ni Jeonghan. Bakas sa mamilog-milog nitong mga mata ang hiya sa lalaki. Ngumiti si Seungcheol sa kanya at hinayaan muna si Jeonghan na aluin ang anak.
"Come on princess, Tito doesn't bite," malumanay na wika ni Jisoo habang hawak-hawak ang kamay ng anak. Ngumiti ito sa bata at hindi napigilan ni Seungcheol na ngumiti rin habang nakatingin sa kanilang tatlo. Bagay na bagay sa kaibigan ang pagiging ama. Natural na maalaga ito sa kahit sinuman kaya it's a no-brainer. Jeonghan on the other hand though . . .
It's a challenge for him for sure. But maybe that's just Seungcheol's teasing senses tingling.
He's got to admit, the couple had matured over the three months after they had Angel. Pati na si Jeonghan ay mukhang tumino na dahil sa pagdating ng anghel na matagal na nilang inaasam dalawa.
"Ang cute niya," puna ni Seungcheol nang bigyan siya ng maliit na wave ng bata bago umakyat sa mga braso ni Jeonghan at ibinaon ang mukha nito sa balikat ng ama. "At Angel ang pangalan niya? She suits it."
"Angel Hong. Hong Jihan ang Korean name. Cute no?" nakangising wika ni Jeonghan tsaka hinalikan sa ulo ang anak.
"Hah. Jihan. Pinagsamang pangalan niyong dalawa ano?" natatawang tanong ni Seungcheol. "Sabi na nga ba."
Tumawa si Jisoo. Jeonghan scoffed at him. "Inggit ka lang kasi maganda ang pangalan namin. Get a life."
Seungcheol laughed. Teasing Jeonghan never gets old.
"Baby, gusto mo ba ng chocolate cake?" mahinang tanong ni Jisoo sa anak.