✨ Daegu Tale / supot days

1.6K 103 66
                                    

daegu tales will compose of snippets or super short scenes of jicheol n'ong nagpunta sila ng daegu ni jihoon. flashbacks 'to kunwari, tsaka super super short lang talaga mwahahars. wala, namiss ko lang 'yong tambalan nila tsaka masyadong maraming mga maiikling scenes akong nacome-up sa time span na 'to. they will be on either cheol's or jihoon's pov para mas feel natin. hueheuhe. please enjoy this~

PS. I AM SO SORRY SEUNGCHEOL, I DEEMED YOU SUPOT I;M SO SORIRYRIEJHR


____________________________


DAEGU TALE 01: 

S U P O T   D A Y S


"HALIKA Jihoon, inumin mo muna 'to."

Nakangiting pag-iimbita ni Hoseok hyung sa'kin tsaka iniabot sa'kin ang isang cup ng cocoa. Bago ko pa man inabot ang cup, napansin ko ang picture na nakatatak sa cup kaya agad ko itong tiningnan ng maigi nang may ngiti sa mga labi ko. Isang bata kasi ang nasa picture, na nakangisi. Ang cute lang. Nang tinitigan ko ito nang mabuti at nakilala ang batang 'yon, mas lalong lumaki ang ngisi ko.

"Oh! Ang cute no?" nakangiting tanong ni Hoseok hyung sa'kin.

"Mmm," tuwang sagot ko tsaka nagsip mula d'on sa cup tsaka dinama ang maligamgam na likido sa lalamunan ko. 

Pagkatapos kong uminom, tinitigan ko ulit ang picture at hindi ko maiwasang mapatawa dahil sa sobrang tuwa. 

It's Seungcheol, in his fetus days. Ang totoy niyang tingnan. 

Supot days. 

Well, come to think of it, hanggang ngayon, nabibilang pa rin sa supot days e. Hindi mawala-wala ang lapad ng ngisi ko habang kinukwento sa'kin ni Hoseok hyung ang tungkol sa cup. May sarili daw silang mga cup na ganyan, na may print ng mga mukha nila noong mga bata pa sila. This cup is Seungcheol's. Pinagamit lang daw niya sa'kin para asarin si Seungcheol 'pag nakita niyang ginagamit ko 'to. Inadjust ko 'yong hawak sa cup para makita agad ni Cheol ang hawak ko 'pag dumaan siya. 

Hoseok hyung already had his a long time ago since he became a member of the Choi-Min family awhile ago. Magkababata raw kasi sila ni Yoongi hyung at bago pa man naging sila, tanggap na tanggap na siya ng pamilya nila.

"'Wag kang mag-alala, Ji, susunod ka rin," tawang saad ni Hoseok hyung tsaka kumindat sa'kin. "Ihanda mo na ang nakakahiya mong fetus picture para maiprint dito." 

I grinned at him at that, looking down at the cup once again to admire Seungcheol's wide and innocent smile.

"Supot days," bulong ko sa sarili ko.

Narinig yata ni Hoseok hyung ang sinabi ko kasi bigla na lang siyang tumawa nang napakalakas.

Nang mapalingon ako sa pintuan sa kusina, nakita ko si Seungcheol na nakaspecs at may hawak na dyaryo sa kamay niya at papasok sa kusina.

"Hello, Seungcheol," bati ko sa kanya tsaka nginitian siya. "Look at what I found. Ilagay mo rin sa ang picture ko rito." 

Napakagat naman ako ng labi upang pigilan ang tawa ko nang makitang agad na nanlaki ang mga mata ni Seungcheol nang mapakita niya ang hawak ko. Mabilis siyang tumakbo papalapit sa'kin para agawin ang cup. "HOY!"

I laughed. Hoseok hyung laughed with me. 

"YAH! HYUNG!" malakas na reklamo niya kay Hoseok hyung na malakas na tumatawa dahil sa reaksyon niya.

I climbed up the stool I was sitting on as fast as I could before Seungcheol can even touch the cup. Itinaas ko pa ang braso ko para hindi niya talaga maabot. "Uh-uh, I'm drinking cocoa."

"Jihoon, akin na 'yan. Akin na 'yan sabi!" sabi niya tas patalon-talon pa habang inaabot ang cup.

Like that would erase his cute face in my mind. At this moment, I feel so high and mighty that no one can smite me. Sa lahat yata ng blackmail material na nalikom ko laban kay Seungcheol, eto yata ang pinaka the best.

Next to his supot-ness of course. The best pa rin 'yon pagiging supot niya. 

"Jihoon seryoso ako akin na 'yan!" Hindi man niya sinasabi pero may bakas ng pagbabanta sa boses niya. Agad din niyang pinandilatan si Hoseok hyung na tawa pa rin nang tawa sa gilid. "Hyung bakit mo pinakita rito?! Eh andami na ngang blackmail materials 'tong isang 'to e!"

"Sorry okay? Ang cute lang kasi! Tsaka boyfriend mo naman si Jihoon e, edi okay lang. 'Di ba ika nga, tanggapin sa best, tanggapin din sa worst?" natatawang sabi ni Hoseok hyung.

Seungcheol glared at me, yet I returned it with the sweetest eyesmile I can muster before crouching down and sitting, leveling his face with mine. 

"You look so cute during your supot days," I whispered to him and then kissed his cheek. "Which is until now, by the way."

Kumurap-kurap ng ilang segundo si Seungcheol bago ko siya nakitang namula dahil sa ginawa ko. "Y-Ya!"

"Ah shet, ang cute niyo," komento ni Hoseok hyung tsaka tumango-tango. "Kadiri kayo ew, maiwan ko na nga kayo. Nasaan na ba ang Yoongi ko?"

Blackmail / jicheolTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon