SECOND | Diary
"SORRY, Seungcheol pero hindi ako makakasabay sa'yo umuwi ngayon."
"Oh why?" I-drinibble ni Seungcheol ang dalang bola gamit ang isang kamay habang ang isa naman ay nakahawak sa kanyang phone. He nodded at the vice president, who bowed at him in respect before shuffling past him.
Wala nang tao sa hallway pagka't kanina pa nagsilabasan ang mga estudyante. Tanging ang tunog ng tumatalbog na bola ang naririnig sa halls at ang boses ni Seungcheol.
"May inaasikaso kami ni Jisoo sa Music Room. Para 'to sa school fest next week. Simula ngayong araw matatagalan na ako sa school."
"Hihintayin na lang kita."
"Nah. Mauna ka na. Tsaka nagkasundo na kami ni Jisoo na sabay kaming uuwi," Jeonghan replied from the other line.
"Hm, naku nakakaselos."
Tumawa si Jeonghan. "Shut up. Kung gusto mong pumunta sa apartment, you're free to go. May spare key ka naman 'di ba?"
"Yup." Naglakad siya pababa ng stairs, dala-dala pa rin ang bola nang mapansin niya si Jihoon na nakatayo sa pinakababa ng hagdan. He looked up when he heard Seungcheol's voice, their eyes meeting almost immediately.
Nahinto si Seungcheol, unti-unting kumukunot ang noo habang nakatingin sa walang emosyong si Lee Jihoon. Anong ginagawa ng pandak na 'to rito?
Nasira tuloy ang balak niyang iwasan si Jihoon pang habangbuhay. (Not that they were close in the first place. At minsan lang naman talaga silang magkita.) Pagkatapos niyang i-block ang binata, wala na talaga siyang planong makipag-usap sa kanya.
Seungcheol really thought he had bailed himself out of the entire ordeal. Ilang araw na rin kasi ang nakakalipas simula n'ong blinock niya si Jihoon sa phone pati na sa Buddy Account niya. Isang linggo na rin siguro halos na hindi sila nagkakausap.
BINABASA MO ANG
Blackmail / jicheol
Fanfiction❝date me or else the whole school will know you're . . . um, supot.❞ / mail trilogy #1 / book cover credits to: anecchan!