62.

2.3K 166 227
                                    

INCOMING CALL

Wonwoo Hyung

ACCEPT     |     DECLINE


"H-Hello hyung, hehe."

"Pumunta kayo. Hindi ba? Sa Frat party?"

"H-Hyung . . . ano . . ."

"Ginawa niyo pang distraction si Jun?"

"H-Hyung teka! Hindi namin alam na 'yon ang gagawin ni Jun hyung! H-Hindi namin alam peksman! Kung alam ko lang, ako mismo pipigil sa kanya."

"Ang tigas ng ulo niyo!"

"H-Hyung chill! Pero hindi ba ang sabi ng doktor okay na si hyung? Narinig namin mismo 'yon. Tsaka kasama niya naman ako, hindi ko hahayaang may masamang mangyari sa kanya." 

". . . tsk."

"Hyung. May problema?"

"Under observation pa lang si Jihoon. 'Di 'yan dapat lumalabas."

"Ibigay na lang natin 'to sa kanya hyung. Mukha namang . . . mukha namang naeenjoy niya e."

"Anong nangyayari?"

"Ay! Hyung hyung hyung, alam mo ba?!"

"Ang alin?"

"Hyung! Ehhhhh!"

"Ano? Anong nangyari? May nangyari kay Jihoon?"

"Hyung, hyung, hyung kakilig! Hihihihi. Hindi na virgin, hyung!"

"HA?! SI JIHOON?!"

"Ay—ay hindi! Ang ibig kong sabihin, hindi na virgin 'yong lips niya. Haha! Hinalikan na siya ni Seungcheol hyung! WOOOO!"

"Ano?"

"Mamarkahan ko na ang kalendaryo ko, omo! November . . . 16 . . . Jihoonie hyung's . . . pers kess . . ."

". . ."

"Sa garden hyung, omo, ang cute nilaaaaaa. Hindi ko ata kakayanin 'to. 'Y-'Yong puso ko hyung, ganito ba 'pag kinikilig kang sagad?! Halos sasabog na puso mo?!"

"Ano nang ginagawa nila ngayon?"

"Sumasayaw ata? Ewan ko parang ang random lang ng mga galaw nila e. Awww, chu kwyot!!"

"Seokmin. Sa tingin mo, in love ba si Jihoon?"

"Kay Seungcheol hyung? Sa tingin ko? Kasi hindi naman niya hahayaang halikan siya ni Cheol hyung 'di ba kung wala siyang nararamdaman para sa kanya?"

". . . sa tingin mo ba, gumagana ang pinaplano niya? Eh si Seungcheol, sa tingin mo mahal niya rin si Jihoon?"

"Oo? Hindi lang halata kasi in denial 'to sa una, pero kapag natanggap na niya ang feelings niya, d'yan lalabas ang totoo. At sa tingin ko, unti-unti nang nahuhulog si Seungcheol hyung kay Jihoon."

". . ."

"Hyung alam ko kung ano ang iniisip mo."

"I hope Jihoon knows what he's doing."

". . . nag-aalala rin ako sa kanila e. Ship ko pa naman sila. Gusto ko silang makitang magtagal. Ngayon ko lang ulit nakitang ngumiti si Jihoon hyung ng ganito. Nakakatulong ng malaki si Seungcheol hyung sa kanya. Nararamdaman kong nag-lo-loosen up na siya ngayon hindi kagaya noon na halos lahat ng bagay na ginagawa niya ay pilit. Marami akong nakitang pagbabago hyung, at alam kong lahat nang 'yon ay dahil kay Seungcheol hyung."

Blackmail / jicheolTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon