Bestfriend 1 [Introduction]

688 21 6
                                    

Bestfriend 1 [Introduction]

Charm's POV

"Charm!" Tawag sa akin ng aking bestfriend na si Steve.

"Eh, mahal. Hindi ko afford." Sabi ko kay Steve.

"Isang slice lang, hindi isang buong cake." Aba't napakakulit ng Steve na 'to.

Nandito kami ngayon sa coffee shop ng Tita ni Steve. Part-time job ko.lang 'to kasi student pa rin lang naman ako. Kailangan ko lang ng extra money para sa school. Hindi naman kami ganon kayaman 'di tulad nito ni Steve tapos sa akin pa nagpapalibre ng cake.

"Sige na, Charm. Isang slice lang tapos 'di na ako mangungulit." Isa pang pangungulit niya sa akin.

Hindi na ako nagsalita at patuloy na lang ako sa pagpupunas ng mga tables dito sa coffee shop dahil magsasara na itong shop.

Bakit siya nandito? Ihahatid daw niya ako pauwi. Napakabait, 'no? Kaya ko nga crush 'yan este bestfriend eh.

Oo, may crush ako sa kanya medyo matagal na din. Siguro noong naging high school na kami. Doon siguro 'yon.

Kasi 5 years old pa lang kami friends na kami kasi naman naging kasambahay nanay ko sa kanila. Edi nagkakaroon kami ng pagkakataon para makapaglaro no'n kaya naman naging bestfriend na namin ang bawat isa.

"Chaaaaarm. Please. 90 pesos lang naman oh." Lumapit na siya sa akin at nagmamakaawa na.

"Hay nako. Sige na, kumuha ka na. Isang slice lang ha. Ito napakayaman pero hindi bumili ng kanya." Kailan ko ba ito matitiis?

"Yesssss!" Bigla akong niyakap.

Okaaaaaay. Okaaaaay. Mukha na ba kaming couple? Mukha na ba kaming mag-boyfriend girlfriend? Relationship goals na ba? Char lang. Asa naman ako.

Dali-dali siyang kumuha ng cake at saka naman siya tuloy-tuloy kumain.

"Thank you, Charm. Love mo talaga ako." Oo, love talaga kita. Napaka mo!

Habang siya ay kumakain ng cake ay pinagpatuloy ko ang paglilinis ko sa mga chairs dito at niligpit ang ibang gamit sa baking area.

Maya-maya ay natapos na din siya kumain at hinugasan ko muna ang pibagkainan niya. Pagkatapos no'n ay lumabas na kami at isinara na ang shop ng tuluyan.

Pumasok na kaming dalawa sa kotse niya. Napakayaman diba? Kaloka.

Tahimik kami buong byahe. Siguro kasi pagod din ako sa trabaho ko. Siyempre pag Saturday whole day ako dito kaya naman ay nakakapagod.

Bigla namang may nagsalita, "Charm, may sasabihin ako sa'yo."

Parang ang bigat ng dalahin niya kaya naman medyo pinagaan ko ang mood ng usapan namin kaya sumagot ako ng medyo masaya. "Ano 'yon?"

Sa totoo lang kinakabahan ako sa mga ganitong usapan. Lalo na kapag may nagsasabi ng "May sasabihin ako."

Nakakakaba pag masyadong seryoso.

"Kasi may nagugustuhan akong babae." Ah, ayon lang pala.

"Harot mo. Sino?" Pakisabing ako 'yan.

Aamin ka na ba sa akin? Dali, tayo na kaagad. Wala nang ligaw-ligaw.

"Basta. Atsaka, balak ko na sana soyang ligawan." Yes, liligawan na ako.

"Oh, tapos?" Reply ko sa kanya.

"Gusto ko sanang magpatulong sa'yo ligawan siya." Aray ha.

"Bakit naman ako? Baliw ka. Wala akong alam diyan." Tumingin naman ako sa window ko.

"Kasi babae ka. Alam mo mga gusto ng girls." Sabi niya. "Atsaka bestfriend kita." Patuloy pa niya.

Ahhhh. Bestfriend nga pala ako.

"Oy, Charm, 'wag ka ngang tumulala diyan. Tulungan mo ako, ha?" Tumingin pa siya sa akin na parang sige-na-tulungan-mo-na-ako look.

"Bahala na."

Hey! Bestfriend?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon