Bestfriend 2 [Bestfriend's Support]

608 24 7
                                    

Bestfriend 2 [Bestfriend's Support]

Charm's POV

Maaga akong nagising dahil sa ring ng ring 'yung phone ko. Sino ba ito?

Sa una nitong nagrring, hindi ko pinapansin kasi iniisip ko mapapagod din 'yon. Atsaka napakaaga pa para may tumawag sa akin.

Pangalawang ring na. Naloloka na ako, ha. Nawawala na yata antok ko. Inis.

Sa pangatlong ring nito ay tumayo na ako, nawala na rin kasi antok ko sa napakalakas kong ring tone. Sino ba kasi itong tumatawag?

Papi Steve calling...

Okay, hindi ako nagpangalan niyan. Palagi niyang pinapalitan ng Papi Steve 'yan. Panget lang naman nakalagay diyan eh. Napaka-conceited lang talaga ni Steve. Palagi niyang sinasabi ng gwapo daw siya, papi at habulin ng babae. 

Alam kong habulin siya nang babae dahil nawitness ko lahat ng iyon. Minsan nagugulat na lang ako nililigawan na siya ng babae. Minsan may surprise pa ang mga babae sa kanya sa grounds o kaya naman sa garden.

Bakit nga ba 'to tumatawag? Ayon sinagot ko na 'yung tawag.

"Bakit napatagal mong sumagot?!" Wow, siya pa unang nagsalita sa amin tapos galit pa.

"Wow naman. Anong oras pa lang po tapos tumatawag ka na sa akin?" Balik ko sa kanya.

"Eh, miss na kita eh. Tara, kain tayo sa labas." Yaya niya sa akin. Ayon naman pala may pangbawi naman po pala.

"Kakakita lang natin kahapon tapos magkikita na naman tayo ngayon. Magsawa ka naman." Siyempre, pabebe muna ako, diba?

"Ehhhh! Dali na. Ako naman magttreat. Kahit saang gusto mo." Pagpupumilit niya. Naiimagine ko mukha niya ngayon. Natatawa na ako.

"Hay, nako. Sige na nga. Kawawa ka naman eh." Ay, kulang pa pagpapabebe ko eh. Nako naman. Next time mas tatagalan ko pa para mas matagal suyuan namin. Char!

"Ayooon. Sunduin kita mamaya diyan sa bahay niyo ng mga 3 pm. Bawal malate, ha?"

"Ang kapal ng mukha mo magsabi sa akin. Ikaw nga 'tong napakabagal kumilos. Akala mo babae ka." Ibinalik ko naman sa kanya ang asar niya kanina sa akin.

Pero totoo, napakabagal niyan kumilos. Dinaig pa ako. Minsan nga kapag aalis kami, sasabihin niya 7 am kami aalis pero makakaalis kami 10 am na. Hindi ko alam kung anong ritwal ang ginagawa niyan sa pagliligo eh.

"One more thing, Charm." Sabi niya bago ko ibaba na sana.

"Ano na naman?" Iritado kong sabi.

"Magtoothbrush ka na. Abot dito hanggang sa bahay namin 'yung amoy eh. Ang tindi, mamamatay na yata ako." Pang-asar niya bigla.

"Hindi na ako sasama sa'yo. Bahala ka magisa mo." At binaba ko na ito.

Bwiset 'yon! Kaya ba siya tumawag para asarin ako? Atsaka imposible naman na umabot doon, 'no. Alam kong 'di pa ako nagttoothbrush pero napaka ano niya.

Palagi niya akong inaasar, hindi ko alam kung bakit.

Kaya naman dali-dali akong pumunta sa cr. Kinuha ko ang aking toothbrush at kinukos ng maigi ang aking mga ngipin para naman wala na siya masabi.

Siyempre, ginawa ko din 'yung iba kong morning routine na paghihilamos ng mukha. Pati na din ang pagjjog ng sandali sa park malapit sa amin.

Pagkatapos kong gawin ang lahat ng 'yon ay nagbreakfast na ako.

"Mama. Ang dami namang nakahanda dito. Ano meron?" Tanong ko sa aking Mama.

"Ha? Wala lang, inspired lang ako magluto." Reply naman ni Mama na may ngiti.

Hey! Bestfriend?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon