Bestfriend 15 [Unexpected Visit]

267 9 1
                                    

Bestfriend 15 [Unexpected Visit]

Charm's POV

Agad akong umuwi pagkatapos ng klase. Masyado akong nasaktan sa nakita ko.

Naglakad na lang ako pauwi. Wala lang, feel ko lang maglakad. Friday na naman ngayon eh.

Kapag ganito talagang naglalakad ka, mas na-appreciate mo 'yung ganda ng paligid.

Bawat puno tinitigan ko. Bawat puno may kanya-kanyang shade ng green. Iba't iba din ang tangkad nila.

Napatingin din ako sa langit. Ang ganda ng langit ngayon. Napakapayapa.

Kulay bughaw ito. Napakalinis. Napakasarap tingnan.

Nang makarating na ako sa subdivision namin ay dumaan muna ako sa park kung saan kami palagi naglalaro ni Steve noon.

Umupo ako sa isang bench doon. Buti na lang ay walang tao dito ngayon. Mas masarap tumingin sa paligid. Tahimik.

Bago ako umuwi, gusto ko muna makitang magset ang sun.

Kinuha ko ang phone ko at pati na rin ang earphones ko.

Nagpatugtog ako ng Million Reasons ni Lady Gaga.

Ipinasok ko na ang isang earpod sa aking kanang tenga. Pero ang isa ay hinayaan ko lang na hindi ko ginagamit.

Pinapakiramdaman ko muna ang intro music nito. Napapikit ako sa intro nito.

You're giving me a million reasons to let you go

You're giving me a million reasons to quit the show

You're givin' me a million reasons

Give me a million reasons

Givin' me a million reasons

About a million reasons

If I had highway, I would run for the hills

If you could find a dry way, I'd forever be still

But you're giving me a million reasons

Give me a million reasons

Givin' me a million reasons

About a million reasons

Habang nakikinig ako at inaabangan ang sunset ay nakaramdam ako ng biglang may tumabi sa akin at ipinasak ang isang earpod sa kanyang kaliwang tenga.

Lalaki?!

Nagulat ako sa kanya kaya tumingin ako.

Hala!

Siya 'yung nang-ano sa akin sa clinic. Siya 'yon, hindi ako pwede magkamali.

"Enjoying the view?" Tanong niya sa akin pero nakatingin lang siya sa langit. Parang wala lang sa kanya habang ako gulat na gulat.

"Paano ka napunta dito?" Gulat na gulat kong tanong.

"Am I not allowed to go here?" Sinagot niya ako ng tanong.

So tanungan kami? Pero walang nasasagot?

"Bakit ka napunta dito?" Tanong ko pa din.

Paano siya nakapunta dito? May bahay ba siya rito? Bakit hindi ko pa siya nakikita noon?

"So you are a fan of Lady Gaga?" Ano ba 'yan, wala ba siyang sasagutin sa mga tanong ko.

"Bakit ang feeling close mo sa akin? Hindi nga kita kilala eh." Tapos kinuha ko 'yung isang earpod sa tenga niya.

Hey! Bestfriend?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon