Bestfriend 25 [Quiz]

51 3 1
                                        

Bestfriend 25 [Quiz]

Charm's POV

Mabilis natapos araw na 'to sa amin. Wala masyadong pumasok na teacher sa amin. Nagmadali pa kaming kamain ng break kanina, wala naman palang susunod na teacher after ng break.

Sayang! Mas nakasama ko sana ng matagal si Steve. #malandimoves

Buong araw ako hindi pinansin ni Daryl. Dahilan niya? Hindi ko pa rin alam. Hindi niya nga ako kinakausap eh.

Pumunta ako sa library after classes para makapagaral sandali. #responsiblestudent

"Charm. Saan ka pupunta?" Tanong sa akin ni Steve.

"May pupuntahan lang ako sandali." Sabi ko sa kanya.

"Hatid na kita pauwi." Yaya ni Steve sa akin at ready na siyang umalis.

Kakagat na sana ako kaso kailangan ko pala magaral. Acads before landi. Pero seryoso, medyo nagdalawang isip ako.

"Hindi na. Punta pa akong library eh." Pagtanggi ko sa kanya.

Nakita ko na siyang lumakad palabas ng room namin. "Sige, ingat ka ha. Susunduin ko na si Cherry sa airport eh."

"Ah, sige! Ingat ka." Sabi ko sa kanya.

"Wala na, hindi na ako mahal na prinsesa." Malungkot kong sabi.

"Princess, huh?" Nagulat ako ng biglang may nagsalita.

Akala ko ako na lang magisa pero hindi pala. Tumaas bigla balahibo ko.

"Daryl, akala ko nakaalis ka na." Marahan kong sagot sa kanya. Unsure sa dapat kong gesture.

Okay na ba kami? Bati na kami? Pinapansin na niya ako?

"Akala mo lang 'yon. Bakit ka ba lapit ng lapit sa taong prinsesa ka lang tuwing wala ang tunay niyang prinsesa."

Jackpot! Nadali ni Daryl.

Napatingin ako sa sahig ng room namin. "Hindi ganon 'yon."

"Eh, ano 'yon?" Tanong niya sa akin.

Hindi na ako nakasagot pa. Nanatili akong tahimik. Hinawakan niya ang kamay ko at naglakad kami palabas ng room namin.

"Saan mo ako dadalhin?" Tanong ko sa kanya.

Hindi niya ako nilingon bagkus tuloy-tuloy lang siya sa paglalakad namin. Ayaw ko ng magsalita pa. Baka matarayan na naman ako nitonoong nasa mall kami eh.

Pero matapos ang aming pagmamartsa sa EDSA, charing. Matapos ang aming paglalakad, narating namin ang library.

"Let's study together. I heard may quiz tayo sa Chemistry bukas. Turuan mo naman ako. I wasn't able to attemd our Chemistry class." Sabi niya sa akin.

"Ah. Ayon lang ba? Sige ba. Sabay tayo mag-aral." Ngumiti ako sa kanya at ganoon din naman siya.

Pumasok kami sa loob ng library at naglog ng pangalan namin doon.

"Good afternoon po, Sir Daryl." Bati sa kanya ng librarian.

Oo nga pala. May ari pala ng school ang kasama ko.

"Good afternoon." Nagsmile si Daryl sa kanya.

Kumuha kaagad kami ng pwede naming upuan.

Inilabas ko na ang notebook ko pati at mga ballpen ko pati na rin papel.

"Maglabas ka rin ng papel mo. Sabay tayo." Sabi ko sa kanya.

Ginawa naman niya ang utos ko. "I'm ready."

Hey! Bestfriend?Mga kuwentong kahuhumalingan mo. Tumuklas ngayon