Bestfriend 16 [Saturday]
Charm's POV
Nagising ako sa alarm ng phone ko. Anong oras na nga ba? Tumingin ako sa phone ko.
6:32 AM
Tinatamad pa akong kumilos. 10 AM pa naman ang opening ng shop kaya naman nahiga muna ako.
Hindi ko alam kung ano gagawin ko pero humiga muna ako.
Gusto ko sana manuod ng kdrama kaso isang oras pala bawat episode. Baka mabitin lang ako.
Kaya ang ginawa ko na lang ay nagpalit ng damit at napagdesisyunan ko na magjogging sa park.
Gising na kaya si Mama?
Bago ako umalis ay pumunta muna ako sa kwarto ni Mama at nakita ko pa siyang tulog.
Kaya naman napagdesisyunan ko nang gumawa na lamang ng breakfast.
Tumingin ako sa refrigerator kung ano pwede mailuto. Merong bacon at eggs dito. Since prito lang naman ang kaya ko ay ayon na lang.
Sinulan ko na ang pagluluto sa bacon. Habang nagluluto ako bacon. Nagsalang na din ako ng bigas sa rice cooker. Matapos ko magluto ang bacon. Sinunod ko na ang eggs.
Hinanda ko na mga plato ang mga kubyertos sa lamesa namin.
Sana gising na si Mama. Okay na 'yung food namin eh.
Umakyat na pagkatapos ko maghanda ng umagahan para gisingin si Mama.
Kumatok muna ako bago ako pumasok. "Mama. Kain na tayo."
Tinitigan ko si Mama habang natutulog kasi 'di pa rin siya nagigising. Ang ganda pala talaga ni Mama.
Bigla siyang namulat dahan-dahan. "Oh, Charm, bakit ka nandito?"
Napangiti ako. "Kain na po tayo. Nagluto po ako ng breakfast."
Ngumiti din si Mama. "Sige, susunod ako."
Bumaba naman na ako sa kwarto ni Mama.
Maya-maya ay dumating na din siya at kumain na kami ng breakfast. Nagkwentuhan ng konti tungkol sa mga ganap namin.
Hindi na rin natuloy ang pagjjog kasi naman napahaba ang kwentuhan naming magnanay.
Nagpaalam na ako kay Mama para maliligo na ako kasi papasok nga ako sa coffee shop.
Matapos kong maligo for 15 minutes ay nagpasya na akong umalis at nagpaalam na kay Mama.
***
Matapos ko maglakad ng 30 minutes ay narating ko na din ang coffee shop ni Tita Carmen, 'yung tita nga ni Steve.
Nakita ko si Shai dito. "Hi, Shai! Kamusta ka na?"
"Hi, Ate Charmieee!" Sigaw naman sa akin ni Shai na parang namiss ako. At niyakap pa ako ng mahigpit.
"Miss ka na ni Ate Charm, ha. Ang tagal kitang 'di nakita." Sabi ko naman sa kanya at niyakap ko din siya.
Kumalas na kami sa pagkakayakap. "Dami po kasi ginagawa sa school eh. Next Saturday po babalik ako dito para magbonding tayo."
Tapos lumabas na si Tita Carmen sa kitchen. "Oh, nandito ka na pala." Bati sa akin ni Tita.
"Nagkita na din pala kayo ni Shai. Hindi ka ba hinahanap ng mommy mo?" Tanong ni Tita Carmen kay Shai.
"Nagpaalam po ako, Tita. Sinabi ko po na gusto ko po makita si Kuya D eh." Huh? Sino naman si Kuya D?
BINABASA MO ANG
Hey! Bestfriend?
RomanceIt's so hard to pretend to be friends with someone special, when you look at that person, all you see is everything you want to have. And the hardest thing to do is to watch the one you love, love someone else. When you love secretly, you should be...
