Bestfriend 14 [Ang Binata]
Charm's POV
Tapos na ang lunch time. Kaya naman nagpasiya na kami ni Dianne na pumasok sa room.
Math class na ang sunod naming class.
Ibig sabihin niyan ay may quiz kami. Ito nga 'yung pinagrereview-an namin ni Steve kanina.
"Good afternoon, class." Sabay ng pagbati ng teacher namin ang pagpasok niya sa room namin.
"Good morning, Sir Vix." Bati ng buong klase sa kanya.
Napatingin naman ako kaagad sa upuan ni Steve.
Bakit wala pa siya rito? Time na, ha? Dapat nandito na siya, may quiz kami eh.
"All present?" Tanong ni Sir Vix.
Sabi naman ni Louie kay Sir. "Sir, wala pa po si Steve dito. Baka po 'di pa po tapos maglunch."
"Nako, hindi siya dapat ganyan. Kahit soya ang may-ari ng school na ito ay dapat sinusunod pa din niya ang rules and regulations." Pangangaral ni Sir.
Inaayos na niya 'yung papers namin.
"Sino ba pwede magtawag kay Steve?" Tanong nito sa amin.
"Ako na lang po, Sir." Presenta ko kaagad kay Sir kasabay ng pagtaas ng kamay ko.
"Pwede namang si Kenji o kaya naman si Louie na lang anv tunawag sa kanya." Pangangatwiran ni Sir.
Pero nagpumilit ako na ako na lang ang maghahanap sa kanya. "Sir, ako na lang po. Bibilisan ko po."
"Ay, sige. Ikaw talagang bata ka." Agad naman akong tumayo pagkapayag ni Sir.
Pero may humila sa akin. "Hayaan mo nang si Kenji o si Louie na ang maghanap sa kanya." Bulong ni Dianne sa akin.
"Bestfriend niya ako. Kailangan niya ako." Sabi ko at tinanggal na ni Dianne ang hawak niya sa akin.
Agad naman akong lumabas sa room namin at tumingin sa cafeteria. Baka kasi kumakain nga siya doon.
Hindi nga siya natapos kumain kanina, diba?
Pagkapunta ko sa cafeteria ay wala siya doon. Wala nang students sa loob ng canteen.
Hindi ako sumuko at tumakbo papuntang iba't ibang hallways ng bawat floor ng mga building.
Kailangan ko maging mabilis dahil may quiz pa kaming ittake.
Wala rin siya sa mga hallways.
Pumunta ako kaagad sa opisina niya or 'yung parang room niya sa school. Hinanap ko siya sa bawat sulok ng kwarto niya doon.
Wala rin siya.
Saan pa ba pwede siya pumunta? Nakakapagod ha. Parang nawala lahat ng nilunch ko kanina.
Tumingin ako sa relo ko.
1:15 PM na.
Grabe. 15 minutes na akong naghahanap sa kanya. Hindi ko pa din siya makita.
Pumunta naman ako sa gym kasi baka naman nagbabasketball lang atsaka tinatamad sa klase.
Pero imposible na tamarin siya, sabay kaming nag-aral eh.
Pero tiningnan ko pa din sa gym kung nandoon siya. Wala din siya doon.
Puro mga freshmen lang nandoon.
"Uhm, nakita niyo ba si Steve?" Tanong ko sa isang babae doon.
Kilala siya dito, famous pa malamang. Hindi lang dahil sa siya ang may-ari nito at dahil papable din siya.
BINABASA MO ANG
Hey! Bestfriend?
Roman d'amourIt's so hard to pretend to be friends with someone special, when you look at that person, all you see is everything you want to have. And the hardest thing to do is to watch the one you love, love someone else. When you love secretly, you should be...