Bestfriend 7A [Step 2]

365 11 0
                                    

Bestfriend 7A [Step 2]

Charm's POV

Yes, ayos na kami ni Steve. After niya akong i-hug sa school ay dumiretso agad kami sa isang restaurant.

"Charm, ano na naman nasa isip mo?" Biglang tanong sa akin ni Steve.

"Huh?" Bumalik ako bigla sa katinuan.

"Pansin ko palagi kang nawawala sa mundo." Sabi niya habang isinubo niya 'yung sushi.

Oo, nasa isang Japanese restaurant kami. Bet niya daw kumain ng mga maki at sushi ngayon eh. Edi pumayag na lang din ako.

Ganito kasi 'yon. Wala, naiisip ko lang palagi 'yung mga past memories ko kay Steve.

Pag naalala kong may gusto na siyang ligawan. Lagi kong naiisip na mababawasan na ang oras namin magkasama dahil may commitment na siya sa isang babae.

Eh, bestfriend lang ako. Anong laban ko sa girlfriend, diba? Talo na kaagad ako.

"Inaalala ko lang 'yung quiz natin next week." Palusot ko naman kay Steve.

"Kumain ka muna bago mo isipin 'yan. Kaya ka pumapayat eh."

Kaya naman itinigil ko muna ang pag-iisip ko. Kumain na lang muna ako ng tempura.

Habang kumakain ako, hindi ko maiwasan ang hindi tumitig kay Steve. Napaka-gwapo talaga niya. Hindi ako nagtataka kung bakit daming nagkakagusto sa kanya sa school.

Dati rati, napakakulit tapos palagi lang kami naglalaro ngayon manliligaw na siya. Ang tagal na din pala naming magkaibigan.

"Kain na, Charm." Sabi nito ulit.

Matapos naming kumain ay nagpunta muna kami sa iilang stores dito at napunta kami sa isang shop na puro dress ang laman.

"Charm, tara dito." At hinila niya ako sa loob ng shop na 'yon.

"Huwag mo ako hilain." Saway ko sa kanya.

"Bili ka na bagong damit. Papangit na eh. Tapos paulit-ulit pa." Panglalait niya sa akin. Wow ha.

Inirapan ko siya after no'n.

"Ate, bigay mo lahat ng bagay sa kanya. Ipasukat mo sa kanya, hindi niya kasi alam ang mga dress eh. Pants and shirt lang ang alam niyan." Nang-asar na naman siya.

Kung ano-ano mga binigay na dress ng girl sa akin.

Ang daming binigay sa akin. Hindi ko alam mga tawag sa mga dress na 'yon dahil hindi naman ako updated sa mga usong dress ngayon.

Pero mga binigay sa akin dress ay palagi kong nakikitang suot ng mga sexy na babae.

"Ate, hindi po bagay sa akin 'to." Sabi ko naman sa kanya habang nagbibigay siya sa akin ng mga dress.

"Nako. Napakaganda mong bata kaya bagay lahat sa'yo." Sabi naman ng seller dito.

Nahiya naman ako sa mga sinabi niya. Pero sinubukan ko na 'yung unang dress na bigay niya.

 Pero sinubukan ko na 'yung unang dress na bigay niya

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.
Hey! Bestfriend?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon