Bestfriend 17 [New Student]
Charm's POV
Nagsimula ang Monday ko na maingay.
Hindi ko alam bakit nagkakagulo sa grounds pero pinili kong hindi pansinin ang kaguluhan.
Sayang lang sa oras. Nang makarating ako sa classroom, 'yung kaguluhan pa din sa grounds ang pinaguusapan ng classmates ko.
"Nakita mo ba 'yung gwapo kanina? Grabe! Kinikilig ako." Sabi ni Bea na parang kinikiliti siya.
"Feeling ko nga magiging akin siya eh." Nagfeeling naman itong si Lori.
"Sana dito siya sa section A para makakadamoves ako sa kanya." Aba, ito namang si Meera galawang malandi.
Uso na ba ngayon ang babae ang nanliligaw at hindi ang lalaki? Hindi na ba Maria Clara ang mga babae ngayon?
"Bakla, tiningnan ako ni bebe kanina." Sumali naman itong si Carl sa umaga at Carly sa gabi sa usapan nila Bea, Lori at Meera.
"Ilusyunada!" Sabay-sabay silang sumigaw kay Carl.
Nakakapagod makainig sa kanila. Bakit kaya wala pa si Diane?
Kaya naman sumandal muna ako sa desk ko dahil wala ako magawa.
Nagising na lang ako bigla ng niyugyog ako ng isang tao.
"Charm. Gising na, nandito na si Sir Gab." Tumingin ako sa babaeng yumuyugyog sa akin. Si Diane lang pala.
Nang tumayo ako, nakita kong nakatingin sa akin si Sir Gab.
"Sorry, Sir." I mouthed it to Sir.
"Okay, Good morning, class!" Pagbati sa amin ni Sir.
Sumagot naman ang buong klase sa kanya at pinaupo niya kami.
"Napansin niyo ba na may kaguluhan sa grounds kanina?" Tanong ni Sir.
Pati ba naman si Sir paguusapan 'yang chika na 'yan.
"Dahil iyan sa may new student tayo dito sa Walker University. Ang new student ay anak din ni Mr. and Mrs. Walker. Dito na siya magaaral from now on." Tapos lumilinga-linga si Sir sa paligid na tila may hinahanap ito.
Biglang pumasok ang isang gwapong lalaki mula sa pinto ng aming section.
Makikita mo sa classmates ko na nangningning ang mga mata nila.
"This is our new student and from now on this will be his new section. Please introduce yourself, Mr. Walker." Itinuro niya ang bagong student sa school.
Naglakad ang lalaking nagligtas sa akin sa ospital — si Daryl.
Nang marating niya ang harap. "Hello everyone. My name is Daryl Luis Walker. I am a the older brother of Steve. So you're probably thinking why I am still in 4th year. I was sick back then that's why I enrolled late. I hope we can be friends." Ngumiti naman si Daryl na super sweet.
"Aw, bebe, ako bahala sa'yo. I will take care of you!" Biglang sigaw ni Carl.
"Daryl, may kamukha ka yata." Nagsalita din bigla si Meera. "Kamukha mo ang next boyfriend ko."
"Enough, guys. Let Daryl seat for a moment." Pagsasaway ni Sir Gab sa mga students.
"Can I seat there?" Turo ni Daryl sa gawi ni Diane.
"But it is already taken, Mr. Walker." Sabi naman ni Sir.
"Sir, I can transfer to another seat." Nagulat naman ako sa naging sagot ni Diane.
BINABASA MO ANG
Hey! Bestfriend?
RomansaIt's so hard to pretend to be friends with someone special, when you look at that person, all you see is everything you want to have. And the hardest thing to do is to watch the one you love, love someone else. When you love secretly, you should be...