Bestfriend 13 [Imagination]

282 7 0
                                    

Bestfriend 13 [Imagination]

Charm's POV

Masakit para sa akin marinig mula sa kanya ang mga salitang iyon.

Nahanap na daw niya ang babae para sa kanya. Babaeng magpapasaya sa kanya at babaeng nagpatibok ng puso niya.

Masakit isipin na hindi ako iyon. Hindi ako kasi bestfriend lang ako.

Ako lang pala nagiisip na one day magiging kami din. Ako lang pala.

"Beks. Buhay ka pa ba?" Tanong sa akin ni Dianne.

"Ha? Oo naman." Nagbalik ako sa realidad.

"Ano ginawa mo kahapon? Bakit nawala ka? Cutting ka ba?" Tanong agad sa akin ni Diane.

"Nagpasama lang si Steve, bumili ng panliligaw stuffs niya." Sabi ko at kinuha ko na ang notebook ko sa Math kasi nga may quiz kami.

"Ay, taray! Martyr ang peg natin ah?" Sabi ni Diane sa akin.

Binuklat ko 'yung notebook ko para magreview. Pinili ko na lang manahimik kasi hindi ko na rin alam sasabihin ko.

Martyr na ba talaga ang tawag doon? Hindi ba pwedeng nagmamahal lang ng walang hinhintay na kapalit?

Biglang nagsalita si Diane. "Alam mo masasaktan ka lang sa ginagawa mo. Bumitaw ka na hangga't maaga pa. Save yourself!"

Pero bigla rin namang lumapit si Steve sa gawi namin na nagpaayos kay Dianne. "Oy, ano test natin mamaya sa Math?"

"Probability lang." Ayon sabi ko sa kanya.

"Sabay tayo review." Aya niya sa akin.

Tumingin si Diane sa akin na parang sinasabi niya ito na naman po tayo.

"May bibilhin pala ako saglit sa canteen eh." Palusot ko.

"Samahan na kita." Sabi naman ni Steve sa akin na napakalapit na niya.

"Ay, ayaw ko na pala." Hindi ko rin pala maipapalayo sa akin kaya huwag na lang.

Ay, ako mismo naguguluhan sa sarili ko eh.

Kanina lang, gusto ko siya. Ngayon, pinapalayo ko na siya.

Hay. Ano ba talaga?

***

Natapos kaming sabay magreview ni Steve. Halos kasama ko siya buong araw. Hindi ko na nga nakasama si Diane eh.

Pero nakakapagusap pa din kami. Napaka kasi nito ni Steve eh. Hindi na lumayo.

"Charm, lunch?" Yaya niya sa akin.

"Ano oa ba magagawa ko?" Bulong ko.

"Ano sabi mo?" Tanong ni Steve sa akin bigla.

"Wala! Tara na, excited na ako kumain." Tapos hinila ko na siya.

Hay, Steve. Hindi talaga kita matanggihan sa kahit anong bagay.

Ano bang meron ka at napapaganito mo ako?

***

Si Steve na bumili ng pagkain ko. Sabi niya sa akin, super namimiss niya daw ako. Nakakainis. Hindi ko alam kung saan ako huhugot ng pagkakilig eh.

"Sige lang, asa lang, girl." Bigla namang tumabi ito sa akin si Diane na may hawak na tray.

"Ano ka ba? Malay mo na-realize na niya talaga na ako pala talaga?" Idealistic ko talagang tao.

"Alam mo ba kung anong tawag sa inyo kapag naging kayo na?" Tanong sa akin ni Diane at kumagat sa chicken niya.

"Boyfriend and girlfriend?" Diba, ayon naman talaga?

"Gaga, hindi!" Tapos tinuktukan niya ako sa ulo.

"Aray ha! Masakit 'yon. Eh, ano ba tawag?"

Tumingin siya sa kawalan at sinabing, "Imagination." At may kasama pang kamay.

"Wow ha. Ang sakit mo magsalita. Porket 'di ka nilakad ni Steve kay Louie." Kaynis.

"Hoy, iba na crush ko. Hindi na si Louie." Sabi nito sa akin.

"Eh, sino naman ang bago mong boylet?" Tanong ko sa kanya.

"Secret."

"Oh, ayan na pala ang ka-imagination mo."

"Che, ingget ka." Sabi ko sa kanya.

"Oy, nandito ka pala, Diane." Bati ni Steve kay Diane.

Inabot na ni Steve 'yung tray ko. Tapos inayos 'yung mga kubyertos ko.

Sa ganitong lagay, para ko siyang boyfriend kasi kulang na lang subuan na lang niya ako.

Tumingin ako kay Diane at ngumisi para ipagmalaki sa kanya na sa akin na si Steve.

Tapos inirapan lang ako ni Diane at sumubo ulit ng pagkain.

"Kain ka na, Charm. Alam kong gutom ka na. May quiz pa tayo mamaya sa Math. Kailangan ng brain mo ang pagkain." Asikaso naman sa akin ni Steve.

"Thank you, Steve. Ikaw din, kain ka na." Super saya ko.

"Puro veggies kinuha ko sa'yo kasi pansin ko namamayat ka na eh." Tapos sumubo na siya.

Tapos bigla namang naubo itong si Diane.

Aish, panira ng moment.

"Okay ka lang ba, Diane? Hinay-hinay lang kasi." Tapos tumawa si Steve.

Tapos bumulong si Diane sa akin. "Lasang bestfriend zone 'yung pagkain ko, kaloka."

Tapos tinapik ko na siya. "Makakahanap ka din ng para sa'yo."

Habang kumakain kami biglang napatigil si Steve kumain. Tumingin siya sa may likod namin.

Halos ready na nga siya umalis kung makikita niyo sa pwesto at gawi niya ngayon.

"Oh, bakit ka tumigil? Konti na lang, ubusin mo na." Sabi ko sa kanya.

"Charm, sandali lang." Tapos umalis na siya bigla.

Nagulat ako sa bigla niyang pag-alis. Sinundan ng mga mata kung saan siya pupunta hanggang sa makita ko siya na papunta sa babaeng nagpapasiya talaga sa kanya.

Si Cherry.

Grabe talaga ako mag-ilusyon. Dapat kanina palang nakinig na ako kay Diane.

Ayon nakikita ko na naman 'yung mahal ko kasama 'yung babaeng mahal niya.

Humarap ako sa pagkain ko tapos sumubo ako.

Pinigilan ko ang mga luha na pumatak sa aking mukha.

"Tama ka nga, Diane. Imagination nga ang tawag sa ganon."

-
(A/N): Hallooooo, sino diyan ang gising pa? Short update para sa inyo. Sana magustuhan niyo! Kasama ni Charm si Dianne diyan sa picture sa meida! Fei as Diane. Goodmornight. :)

Hey! Bestfriend?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon