Bestfriend 4 [Step 1]

482 16 2
                                    

Bestfriend 4 [Step 1]

Charm's POV

Nagising ako sa tawag ni Steve. Pero hindi ko na siya nasagot kasi inaantok pa talaga ako.

Sumunod sa tawag niya ay 'yung text niya. Ayon na lang binasa ko.


From: Panget Steve

Taba. Mukhang matatalo ka sa pustahan ha. 😏


At bigla akong napatayo sa kama ko. Nagsimula na akong kumilos. Kinuha ko agad 'yung bath robe ko tapos twalya ko.

Kuskos dito. Kuskos doon.

Mga 8 minutes lang ako naligo. Ang typical kong ligo ay mga 10-15 minutes. Pero iba ngayon eh. Bawal ako matalo. Sayang allowance.

Pagkatapos ko maligo, napatingin ako sa oras.

5:20 AM

Kaya pa. Kaya kumain na ako ng breakfast. Naghahanda naman si Mama every morning pero bumabalik lang siya sa pagtulog pagkatapos niya magluto ng breakfast.

Ang sarap ng breakfast ko ngayon. Pancakes.

Ang galing talaga ni Mama magluto kaya proud na proud ako sa kanya eh.

Lumabas ako sa bahay ng mga 5:30 AM at eksaktong paglabas ko ay pagdating ng sasakyan ni Steve.

Nice. Hindi ako late.

Tuluyan akong lumabas sa gate namin ng nakangisi dahil tie kami.

"Sinong mallate ha?" Tanong ko kay Steve pagkalabas pa lang niya sa sasakyan niya.

"Bakit bilis mo kumilos?" Tanong niya.

"Well." Nagmayabang pa ako sabay pumasok na ako sa sasakyan niya.

"Dapat pala hindi na kita tinawagan para talo ka." Sabi niya habang pumapasok ulit siya sa kotse niya.

Pinaandar na niya ang makina at lumabas sa village namin. Siyempre, natulog pa din ako sa kotse niya. Ang oras ng klase namin ay 6:30 AM.

Medyo maaga pa kami nito. Siguro matutulog na lang din muna ako sa room.

Sa bawat year level ay may 10 sections. Siyempre sa section 1, doon 'yung mga honor students. Doon kami sa class na 'yon ni Steve.

Hindi ako kasama sa honor students pero si Steve, oo. At walang bahid ng kadayaan 'yon kahit eskwelahan niya iyon.

Sadyang napakatalino ni Steve pati napakagaling din sa larangan ng sports. Pero ang gusto niya talaga ay basketball.

Kaya naman crush siya ng bahay.

6:07 AM na kami nakadating sa school. Pinark na niya ang kotse niya sa parking lot na meron dito sa Walker Academy.

Nauna na akong pumasok sa room dahil baka magkaroon ng World War 3 kapag sabay kami pumasok.

I mean, alam ng buong campus na bestfriend lang ako pero may ibang pagtingin sila sa akin.

Parang sa bawat tingin nila ay pinapatay ka na sa isip nila.

Hindi ko naman kasalanan na close kami.

Naupo na ako doon sa upuan ko. Seatmate ko si Diane. Medyo close din kami kasi magkasundo kami sa maraming bagay tulad ng pagkahilig sa libro.

"Hi, Charm. Aga mo yata ngayon." Bati niya sa akin.

"Ah. Sinundo kasi ako ni Steve sa bahay kaya napaaga ako." Sabi ko sa kanya.

"Ikaw ha. May development na kayo." Pangaasar niya sa akin.

Hey! Bestfriend?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon