Bestfriend 19 [Kenane]

156 7 4
                                    

(A/N): Bago magsimula ang chapter na ito ay magjojoke muna ako. Yeeeey!

Kenane? Ayan ba ang kabaligtaran ng kaliwa?

Kenane? Ito ba 'yung aso na ginagamit din for security? Kenane dog.

Kenane? Meron tayo niyan sa ngipin.

Libre tawa sa comment! Thank you sa support, guys. Mahal ko kayo. 😹😹

-

Bestfriend 19 [Kenane]

Diane's POV

Binilisan ko ang pag-ayos ko ng mga gamit ko. Sinigurado kong mabilis ang pagkilos ko.

"Charm. Una na muna ako ha. Tumawag kasi si ano-ah si Mommy sa akin." Pagsisinungaling ko kay Charm.

Hindi naman talaga si Mommy ang dahilan kung bakit ako nagmamadali eh. Hindi rin tunawag si Mommy.

Iba ang imemeet ko ngayon.

Tumakbo kaagad ako upang makasakay sa sasakyan na black.

Sinigurado kong walang nakakita sa akin na pumasok ako dito sa sasakyan na ito.

Araw-araw ko itong ginagawa at ingat na ingat ako tuwing ginagawa ko ito.

Pagpasok ko sa sasakyan ay biglang may humalik na lalaki sa pisnge ko.

"Ano ba, Kenji, baka may makakita sa atin." Pagsasaway ko sa kanya.

Matagal ng kami ni Kenji. Hindi ko lang masabi kay Charm dahil alam kong aasarin niya ako.

Hindi na si Louie ang crush ko dahil si Kenji na.

Nagulat na lang ako isang araw ay bigla niya akong chinat. Noong una ay hindi naman ako nagbigay malisya dahil classmates kami at tropa siya ng crush ko na si Louie.

Nang napadalas na ang pakikipagchat niya sa akin, nakaramdam naman na ako ng kakaiba. Alam ko na kung saan ito patungo.

Isang araw na lang ay umamin siya sa akin. Noong una ay hindi ako naniniwala sa kanya dahil napakagwapo ni Kenji. Silang magkakaibigan nila Steve, Kenji at Louie ang sikat dito sa school. Lamang lang si Steve ng tatlong ligo.

Mas trip ko talaga si Louie kasi ewan ko nga ba. Basta mas trip ko siya noon.

Noong napatunayan ko naman na totoo na gusto niya ako at wala siyang ibang hinaharot na babae ay bumigay din naman ako.

Ang gwapo kaya niya!!

Hindi si Kenji ang dahilan kung bakit lagong pasikreto akong sumasakay sa sasakyan niya.

Dahil ito sa akin kasi ayaw mo muna malaman ng buong school o ninoman ang tungkol sa amin.

Alam ko na rin kasi angmangyayari eh. Ibabash ako. Sasabihin nila na 'di naman talaga ako maganda which is true. Hindi talaga ako kagandahan.

Si Charm, siya ang totoong maganda. Saklap nga lang niya ay hindi siya gusto ng bestfriend niya.

Siguro halos magiisang buwan na kami ni Ken. At halos isang buwan na din namin ito tinatago.

Ken sighed. "I just want to express my love for you. Pati ba naman ito bawal? Kahit nasa loob ka na ng heavy tinted na sasakyan ko?"

Hindi ko maiwasang kiligin kasi first time ko lang din naman ito maexperience.

"Babe. Hindi pa ako handa. Your fangirls might bash me." Sinabi ko sa kanya ang totoo.

"I don't care about them. Ikaw at ako lang."

Hey! Bestfriend?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon