Bestfriend 31 [Bothered]

61 4 3
                                    

(A/N): Ang tagal kong nawala kaya gustong-gusto ko bumawi. Kung alam niyo lang, gusto ko na talaga 'to tapusin pero super dami talagang kailangan gawin.

-

Bestfriend 31 [Bothered]

Charm's POV

Hindi na ako mapakali mula noong nalaman ko na ginagamit lang siya ni Cherry.

"He's only my toy."

Walang araw na hindi tumakbo sa isip ko 'yon.

"Hooooy, Charm! Bakit ka na naman tulala?" Alog sa akin ni Diane.

"Ay, sorry. Inaalala ko kasi quiz natin mamaya sa Biology eh." Pagpapalusot ko na lang.

"Nakapagaral ka na ba?" Tanong niya sa akin.

"Hindi nga eh." Pag-amin ko sa kanya.

"Ayan. Ikaw kasi! Aral muna landi." Tumingin siya sa akin na parang nanay na pinangangaralan ako.

"Nag-aaral naman ako."

Kinuha ko agad ang libro ko. Sumilip ng konti. Naglipat ng mga pahina. Pero kahit anong gawin ko walang pumapasok.

"He's only my toy."

"Mababaliw na ako. Tama na!" Napasigaw ako.

"Girl, alam ko. Ang daming kakabisaduhin ano?" Sagot sa akon ni Diane.

"Hindi mo ako naiintindihan."

"Ha? Ano ba nangyayari sa'yo? Same lang naman tayo ng inaaral." Tumingin pa siya sa libro ko.

"Punta muna ako sa banyo." Paalam ko kay Diane dahil hindi ko na kaya.

Palabas pa lamang ako nakita ko na pumasok sina Cherry at Steve.

Aray.

"Babe, tulungan mo ako sa aasignment ko. Hindi ko pa nagagawa." Sabi ni Cherry habang umuupo sa chair nila.

Nagpatuloy ako paglalakad pero hindi yata ako napansin ni Steve. Nakakainis lang.

Lumabas na ako at pumunta sa banyo.

"Late na nga pumasok. Nagpapagawa pa ng assignment. Tss. Gawain ba 'yon ng isang estudyante? Nakakagigil talaga."

Matapos ko gumamit ng banyo ay nagsimula na ang quiz.

Mabilis nagdaan ang mga araw na hirap na hirap ako itago ang mga nararamdaman ko sa lahat.

Itago ang totoong nararamdaman ko kay Steve.

Lalo na ang voice record.

"Cee, tara na. Hop on the bus. Baka iwan na tayo ng bus." Sabi niya sa akin.

Dahil sa pagiging balisa ko, halos malimutan ko na field trip namin ngayon. Ang mga nagpaalala lang sa akin na field trip pala ngayon ay sina Diane at Daryl.

"Charm!!" Kaway sa akin ni Diane pagkasakay ko pa lamang ng bus.

Nasa harapan siya nakaupo.

"Oh, girl. Ang aga ko rito para naman nasa harapan tayo. May pa-games panigurado ang tour guide. Excited na ako! Yes!"

Tumawa na lang ako sa kabaliwan ng babaeng 'to. "Dami mong energy."

"Aba, siyempre naman. Umupo ka na lang dito sa tabi ko." Habang tinatap ang upuang nasa tabi niya.

Lumapit na ako sa kanya. "Gusto ko sana sa may bintana."

"Hayaan mo na ako rito." Maktol niya sa akin.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: May 17, 2018 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Hey! Bestfriend?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon