Bestfriend 27 [Partners]

28 1 0
                                    

Bestfriend 27 [Partners]

Charm's POV

"Please discuss your project, Miss Perez. Get one member from your group to help you explain your telescope." Sabi sa akin ni Miss.

"Sino kukunin ko?" Bulong ko sa grupo ko.

"Ako na lang kaya?" Presenta ni Diane.

"Miss Perez, take Mr. Walker with you." Tawag ng teacher namin.

"There are two Walkers here." Ani naman ni Daryl. Totoo nga naman.

"Steve Walker." Pagliliwanag ng teacher namin. "Start now, Miss Perez and Mister Walker."

"Good morning, classmates! This is our project, our simple telescope. What is a telescope? A telescope is...." Pagsisimula ko sa aming presentation.

"This is made of used tripod, PVC pipe and mirrors." Sabi ni Steve habang tinuturo niya ang gawa ng grupo namin.

Ipinakita niya kung paano ito ginagamit at kung paano imanipulate.

"Okay, that was great! Your project is amazing." Palakpak ni Miss sa amin.

Nagulat ako kaya napatalon ako sa saya dahil nagustuhan ng teacher namin ang project namin. Pero mas ikinagulat ko nang bigla niya akong ibinuhat at inikot sa harap ng klase.

"Yes, Charm! Wooo!" Sabi niya habang buhat-buhat ako.

Hindi ako masyado makagalaw dahil nahihiya ako. Nahihiya nga ba talaga ako o kinikilig na ako?

Patuloy niya pa rin akong iniikot. "Ano, Steve, okay na."

Bigla niya akong ibinaba. "Ay, sorry. Natuwa lang ako." Titig na titig siya sa akin at mukhang masaya nga siya.

Bigla na lang kaming nakarinig ng isang malakas na tunog mula sa pintuan.

Napatingin kami kung sino ang gumawa.

"Nagwalk out si Cherry." Sabi ni Bea.

"Okay, tama na 'yan, pwede na kayo magrecess. Goodbye, class." At umalis na ang teacher namin.

Bigla rin namang umalis sa harapan ko ng walang pasabi si Steve.

Ano ba ineexpect ko? Na magsstay siya sa akin dito kahit na nagwalk out ang girlfriend niya?

Bakit, ano nga ba ako? Bestfriend lang, hindi ba?

"Bestfriend ka lang kasi, Charm." Tapos napatungo ako.

"Sa akin, hindi ka lang basta bestfriend." Nagulat naman ako sa biglang nagsalita. Napatingin ako sa kanya, si Daryl lang pala.

"Tara na, recess na. Kain tayo." Yaya ko sa kanya.


***


Matapos ang recess ay agad naman kaming pumasok sa sunod naming klase.

Biglang tumahimik ang klase nang pumito ang aming MAPEH teacher. "Class, I have a surprise for you."

Dali-dali namang nagtanong si Carl aka Carly. "Sir, anong pasabog 'yan?"

"Listen! May event bukas ang arts and productions club at napili ang section niyo para magperform din sa event." Announcement ni Sir.

"Bukas na talaga, Sir?" Tanong ni Meera.

"Yes." Sagot ni Sir.

"Paano ba kami magpapasabog, Sir?" Tanong naman ni Carly.

"Ganito 'yan. Pili kayo ng partner niyo ang buong subjects niyo ngayon ay magprapractice kayo. Nagets ba?" Tanong ni Sir.

Sabay-sabay kaming sumigaw ng, "Nuggets!"

"Partner tayo, Bea!" Sigaw naman ni Lori.

"Hep hep! May twist ang pagpili ng partner natin. Ang mga lalaki ang mamimili kung sino ang magiging kapartner nila. Maghihintay lang ang babae kung sino ang magaaya sa kanila. The Filipino style! Sige, simulan niyo na." Tapia lumabas na ng room si Sir.

"Boys, ayain niyo na ako. Available ang dyosa!" Sabi ni Carly.

Napatingin naman ako kay Steve dahil sanay ako na partner kami sa lahat ng bagay.

Tumingin ako sa kanya at ngumiti. Tumingin na rin naman siya sa akin. Magsasalita pa lang ako pero bigla lumayo ang tingin niya sa akin.

Bakit malungkot ang mukha niya habang tumitingin aiya palayo sa akin? May problema kaya siya?

Hindi maintindihan kung ano 'yon. Hihintayin ko pa ba siya na ayain ako?

"Cee, partners?" Tanong sa akin ni Daryl.

"Darly, sanay kasi kami ni Steve na kami partners. Lagi kaming partners sa lahat ng bagay. Okay lang ba na magwait muna ako sa kanya?"

Nahihiya ako kay Daryl dahil parang nirereject ko siya pero hindi ganon 'yon. Gusto ko lang naman na yayain ako ni Steve.

"Okay. But if not, can we be partners?" Tanong niya ulit.

"Hala. Baka maubusan ka pa ng yayain. Magyaya ka na lang ng iba." Sabi ko sa kanya.

"Papa, may partner ka na?" Tanong ni Carly.

Pero bigla lang umiwas si Daryl sa kanya.

"Hmp! Taray talaga ni Papa! Bet ko pa man din siya." Narinig kong komento niya kay Daryl.

Napailing na lang ako ulo ko dahil kay Carly. Akala ko lalaking-lalaki 'to eh. Mali pala ako.

Hinanap ko si Steve kung nasaan siya. Pero nakita ko siyang nakatayo kasama si Cherry habang kumakanta silang dalawa.

Aray!

Mukhang okay na naman sila ulit. Mukhang echapwera na naman ako. Mukhang nakalimutan na ulit ako.

"Diane, sino partner mo?" Tanong ko nang bigla siya napadaan kung nasaan ako.

"Si Louie." Sagot ni Diane.

"Eh, si Steve kaya may partner na?" Simpleng tanong ko.

"Si gf. Sino pa ba?"

"Ay, weh?"

"Dapat kasi tinanggap mo na ang alok ni Daryl." Huh? Paano niya nalaman na inalok ako ni Daryl? Tapos umalis na siya sa gawi ko.

"Bakit kasi umasa pa akong yayain niya ako?" Sabi ko sa sarili ko.

Pumunta ako sa isang sulok at naghanap ng pwedeng kantahin. Hindi ko alam kung pwede magperform ng solo pero ayon na lang ang gagawin ko.

"Kaya ko pa! Kaya ko pang makita siyang may kasamang iba." Sabi ko at naramdaman ko na may tumulo na luha sa mata ko.

Agad ko 'tong pinunasan at naghanap ng pwede makanta. Hindi naman ako kagalingan kumanta kaya simple na lang ang pipiliin ko.

Nagulat naman ako na biglang may nagsalita sa tabi ko. "Sabi ko naman sa'yo, ako na lang eh."

Napatingin ako. Sino pa ba? Si Daryl lang naman palagi sumasagip sa akin eh.

"Partners na tayo ha? Huwag ka na malungkot. Nandito naman ako eh. Gagalingan natin para makita ni Steve na dapat ikaw ang pinili niya."

"Baliw ka talaga." Napatawa naman ako kaagad sa sinabi niya.

"Practice na tayo." Hila niya sa akin.

-

(A/N): So, I'm back??? HAHA Yes, I am back. Sorry sa pagiging inactive. Maraming naganap na pagaadjust sa new school ko. Idagdag na natin ang mga kailangan ko ipasa. Enjoooooy!!

Next update: Next Saturday or Sunday.

Hey! Bestfriend?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon