Bestfriend 9 [Sick]

342 7 0
                                    

Bestfriend 9 [Sick]

Charm's POV

Cring! Cring! Cring!

"Ugh. Grabe, ang bilis naman mag-5 AM." Tapos parang ang bigat ng feeling ko.

Gusto ko na tumayo pero ang bigat ng katawan ko.

Biglang may kumatok sa pinto ko. "Anak, gising na. 5:10 na."

"Uhh. Ma, ang bigat po ng katawan ko."

At dahan-dahan nagbukas ang aking pinto at nakita ko ang nanay ko papasok ng aking kwarto.

"Okay ka lang ba, anak? Anong nararamdaman mo?" Tanong sa akin ni Mama at dahan-dahang hinaploas ang aking noo.

"Ang bigat po ng katawan ko." Tapos suminghot ako. Ting! May sipon din ako.

"Nako, anak. May sipon ka din. Sa tingin ko ay may lagnat ka dahil medyo mainit din ang katawan ko. Huwag ka muna kayang pumasok ngayon. Text ko si Steve na 'di ka muna papasok." At kinuha niya ang kanyang cellphone sa kama niya.

And shoot! Sinabi ni Mama ang pangalan ni Steve.

"Ay, Ma. Ako na po magtetext." Sabi ko kay Mama.

"Sige, ipagluluto lang kita ng lugaw at kukuha ako ng gamot. Magpahinga ka muna, anak." Ani ni Mama at lumabas na sa aking kwarto.

Hindi ko gusto malaman ni Steve na may sakit ako ngayon kaya naman kunwari ay ako na magtetext sa kanya.

Si Diane. Si Diane ang sasabihan ko.

To: Diane Beks

Diane, baka hindi ako makapasok today. Ang bigat kasi ng pakiramdam ko pati may sipon din ako. Sabi ni Mama ay may lagnaf daw ako kaya naman magpapahinga na muna ako.

Sinend ko muna kasi nahahabaan na ako sa text na sinend.

To: Diane Beks

I-update mo na lang ako sa mga homeworks natin at mga kailangang gawin.

Sent!

Ay, may kulang pa pala!

To: Diane Beks

Ay, may isa pa pala. Huwag mo sana mabanggit kay Steve na may sakit ako.

Clinick ko ulit ang send. Pagkatapos masend ng text ko sa kanya ay agad ko naman itong inilapag sa table sa tabi ng akong kama.

Ang sama pa din ng pakiramdam ko eh. Kaya naman kusang pumikit ang aking mga mata.

...

Panget Steve calling...

Nagising ako sa paulit-ulit na pagvvibrate ng phone ko.

At bigla na lang ito nawala.

Kaya naman napagpasyahan ko na tingnan ang akin phone.

Nagulat ako sa messages na meron ako pati na din calls. 98 calls at 105 messages.

5 messages at 2 missed calls mula kay Diane.

At 100 messages at 96 missed calls mula kay Steve.

Hay. Sinabi ko na nga bang mangyayari 'to.

Sana hindi sinabi ni Diane kung anong meron ako ngayon.

Sabagay kung sinabi man iyon ni Diane ay baka pumunta 'yon dito.

Eh bakit naman siya pupunta dito? Eh, may lagnat lang naman ako, diba? Soz.

Hey! Bestfriend?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon