Bestfriend 3 [Make Me Say Yes]
Charm's POV
Sa wakas at nakauwi na din kami nitong si Steve. Wala siyang ibang ginawa kundi alukin ako ng kung ano-ano kanina. Lahat ng gusto ko inalok.
Nagsimula siya sa isa sa mga gusto ko — ang mga libro.
"Charm, punta tayong book store." Ani ni Steve sa akin.
"Ay, sige. Gusto ko 'yan." Excited kong sabi sa kanya.
At naglakad kami papuntang National Bookstore.
Sa pagpasok namin, hinila niya ako sa mga libro.
At doon nakita ko ang mga gusto kong bilhin kaso 'di naman kaya ng allowance ko kaya hindi ako makabili.
"Matagal ko na 'tong gusto eh." Pabulong kong sabi habang hawak ko ang librong "The Crown" ni Kiera Cass.
"Pili ka lahat ng gusto mong libro tapos ako na bahala magbayad." Cool na cool na sabi ni Steve.
At siyempre, sinunggaban ko na lahat ng mga librong gusto kong bilhin noon pa.
Kumuha ako noong The Selection Series ni Kiera Cass. Pati 'yung Fangirl na libro. Pati na din 'yung Attachments. Pati 'yung series ng Harry Potter kinuha ko na. Atsaka hindi mawawala ang mga books ni Nicholas Sparks.
Hindi na ako nahiya. Siyempre, sinabi naman ni Steve eh.
"Eto na lahat, Steve. Ang bait mo naman ngayon." Nakasmile kong sabi sa kanya.
"Tara sa counter." Yaya niya sa akin at hinila na niya ako doon.
"Ano nakain mo? Bakit ang bait mo?" Tanong ko. Ang imposibleng ganito siya eh.
"Tulungan mo lang ako sa panliligaw ko, ako na bahala sa lahat ng gusto mong bilhin."
Noong narinig ko 'yun ay kaagad akong umalis sa pila atsaka isa-isang binalik 'yung mga libro.
"Hoy, bakit mo binalik?" Hingal na sabi ni Steve.
"Kaya ka pala mabait kasi may kapalit. Hmp!" At umalis na ako sa bookstore.
Alam ko namang purigido siya eh. Kaya hindi lang 'yung ang ginawang tactic sa akin.
Pati na din ang mga sweaters an gusto kong bilhin ay ginamit niya sa akin para tulungan ko siya.
"Charm, halika." Sabay kuha sa isang sweater na pink. "Parang bagay sa'yo 'to." Sabay tinapat niya sa akin 'yung sweater.
"Lahat naman bagay sa akin eh." Pagbibiro ko sa kanya.
"Gusto mo ba nito?" Tanong ni Steve sa akin.
"Naman. Alam mo namang gusto ko ang mga sweaters, diba?"
"Okay. Pili ka pa isa. Tapos tulungan mo ako mabligaw."
"Ay, ayaw ko na pala niyan." Tapos hinila ko na siya palabas ng department store.
Napakadaya niyang maglaro. Lahat ng kahinaan ko ginagamit niya sa akin. Sobrang natetempt ako sa bawat sinasabi niya sa akin eh.
At hindi pa doon nagtatapos ang pangungulit niya.
Niyaya niya akong CNA.
"Ay, may bagong album 'yung Infinite oh." Hinila niya ako paloob ng CNA.
"Hala, Infinite Only!!!" Sigaw ko sa store.
"Kaya ko 'tong bilhin pati 'yung iba pang album." Nagmayabang siya sa akin.
BINABASA MO ANG
Hey! Bestfriend?
عاطفيةIt's so hard to pretend to be friends with someone special, when you look at that person, all you see is everything you want to have. And the hardest thing to do is to watch the one you love, love someone else. When you love secretly, you should be...
