Bestfriend 7B [Continuation]

340 9 4
                                    

Bestfriend 7B [Continuation]

Charm's POV

"Siyempre, bestfriend ko 'to eh." Pagtutuloy ni Steve. Tapos ginulo niya ang buhok ko.

Aray!

Mahal pala kasi bestfriend. Tagos sa puso eh. Pak na pak eh.

"Ay, sorry po, Sir. Mukha po kasi kayong couple." Sabi naman ng cashier.

Napatingin ako sa sales lady na umaasikaso sa akin. Tapos 'yung mukha niya parang sinasabi sa akin na huwag ako susuko.

Nagsmile na lang ako ng pilit pabalik sa kanya. Wala naman ako dapat ipaglaban pa eh. Simula pa lang wala na agad ako.

Hindi naman ako maganda tulad ni Cherry. Hindi rin ako sexy tulad ni Cherry. Hindi rin naman ako model tulad ni Cherry.

Ang meron lang ako ay 'yung simpleng ako. 'Yon lang, wala na. Wala pa akong alam sa fashion fashion na 'yan. Puro ako tshirt at pants.

Sino magkakagusto sa akin? Wala diba?

Mapapansin ba ako ni Steve? Hindi diba?

Hays.

Kinuha na lang ni Steve 'yung ibang bags pero kinuha ko 'yung iba kasi nakakahiya naman eh.

Binilhan niya din kapatid niyang bata. Oo nga pala, may kapatid siya. Princess Shaira ang name ng kapatid niya.

Napakasweet talaga niya. Napakaideal  niya kaya daming nagkakagusto.

"Oo nga eh. Madaming nagsasabi na mukha daw kaming couple." Sabi naman ni Steve sa cashier.

Nagulat ako sa reply niya doon sa cashier.

"Ano, tara na?" Yaya naman niya sa akin.

Tumango na lang ako sa kanya kasi nagulat pa din ako sa sinabi niya.

Habang naglalakad kami, paulit-ulit nagpplay 'yung last niyang sinabi sa cashier.

"Oo nga eh. Madaming nagsasabi na mukha daw kaming couple."

"Oo nga eh. Madaming nagsasabi na mukha daw kaming couple."

"Oo nga eh. Madaming nagsasabi na mukha daw kaming couple."

"Oo nga eh. Madaming nagsasabi na mukha daw kaming couple."

"Oo nga eh. Madaming nagsasabi na mukha daw kaming couple."

"Oo nga eh. Madaming nagsasabi na mukha daw kaming couple."

"Hoy, Charm. Mukha ka na namang ewan diyan." At nagising nga ako sa katotohanan.

"Ano. Ano kasi. Totoo ba sinabi mo kanina?" Napatanong ako bigla.

"Ano ba sabi ko kanina?"

"'Yung ano. 'Yung last mong sinabi." Sabi ko naman kay Steve.

Tapos lumapit siya sa isang store ng mga relo. "Ano ba huli kong sinabi?"

"Miss, patingin nga no'n." Tapos tinuro naman niya 'yung relong G-Shock na black.

"'Yung huli nga." Sabi ko. Nakakahiya ulitin eh.

Hey! Bestfriend?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon