Bestfriend 24 [Where is Kenji?]

39 2 0
                                    

Bestfriend 24 [Where is Kenji?]

Diane's POV

"Diane, bakit tulala ka na naman?" Tanong sa akin ni Charm.

"Uh, ano 'yon?" Tanong ko din sa kanya.

"Lutang ka talaga. Tinanong kita pero sagot mo tanong din. Iba ka rin eh." Nakita ko siyang kunuha niya ang kanyang notebook.

Tumingin ako sa paligid. Bakit konti lang ang tao? Anong nangyayari?

"Tara na sa laboratory. Doon magtuturo si Miss. Bilisan mo, hinihintay na tayo." Hinila na ako bigla ni Charm.

"Teka, kuha muna ako notebook." Bumalik ako sa classroom para kumuha ng notebook.

"Dalian mo na, bilis!" Tumakbo na kami ni Charm papunta sa lab noong makalabas ako sa room.

Mabilis naming tinakbo ni Charm mula sa room namin papunta sa lab. Grabe, nakakapagod.

Nang makarating kami sa harap ng lab, dahan-dahang kumatok si Charm sa pinto at binuksan ito.

"Come in, Ms. Perez and Ms. Lopez." Sabi ni Miss sa amin.

Agad kaming umupo sa mga natirang chairs.

Umupo si Charm sa tabi ni Steve at ang natira ay sa tabi ni Louie.

Steve | Charm | Me | Louie

"Bakit late kayo?" Tanong ni Steve kay Charm. Napatingin ako kay Steve. May iba ha.

"Eh, basta." Binuklat ni Charm ang kanyang notebook at sumagot kay Steve.

"Where's Kenji?" Mahinang tanong ni Louie. Napatingin naman ako kaagad sa kanya.

"Uh, hindi ko nga alam eh." Anong klaseng girlfriend ako? Hindi ko alam kung nasaan ang boyfriend ko.

Paano ba naman? Nagtext ako sa kanya ng pagkauwi ko na nasa bahay na ako pero hindi siya nagreply. Ano ba nangyari sa bebe ko?

"Nagtext ka na ba sa kanya?" Tanong sa akin ni Louie. Wow, parang comfortable na siya sa akin at parang nagiging ganon na rin ako.

"Oo, noong paguwi ko mula sa pagbili natin ng materials." Sagot ko kay Louie.

"Two days na nakakalipas tapos hindi ka ulit nagtext." Sabi sa akin ni Louie.

"Eh, baka kasi busy siya. Sabi niya kasi emergency daw sa nanay niya." May reason ako, bakit ba?

"Text mo na ngayon na." Utos sa akin ni Louie.

Tumingin ako sa kanya. "Wala akong load eh."

"Guys, please listen. This is important. Kasama 'to sa exam niyo." Saway bigla ng teacher namin. Hindi niya yata alam na kami ang nagkwekwentuhan pero nakakarinig lamg siya ng ingay.

"Diane, ang ingay mo ha. Kayo yata ang sinasaway ni Miss eh." Sabi sa akin ni Charm na nagsusulat habang nagdidiscuss si Miss.

Nagpeace sign lang ako sa kanya.

May kinuha siya mula sa bulsa niya. Phone lang pala niya. "Use my phone. Text mo na siya secretly."

At medyo may diin pa talaga ang secretly niya. Grabe.


To: Santillan

Uhm, Ken, this is Diane. Where are you? Sana okay ka lang.


Humarap ako kay Louie. "At talagang surname niya ang nakalagay dito ha."

"Lahat ng close kong kaibigan, surname lang inilalagay ko sa name nila sa phone ko."

Hey! Bestfriend?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon