Bestfriend 26 [Project Making]

39 1 0
                                    

Bestfriend 26 [Project Making]

Charm's POV

"Good morning, guys!" Bati naman ni Daryl sa aming lahat. Lumapit siya sa akin habang ginagawa ko 'yung telescope namin.

Nandito na ang buong grupo maliban kay Kenji.

"Nasaan na ba si Kenji?" Tanong ni Daryl. Ang daldal niya ngayon ha.

Busy naman kami ni Diane sa paggagawa ng project. Tumingin ako kay Louie tapos napatingin rin siya sa akin pero kaagad naman siya umiwas. There's something wrong!

"Oo nga, nasaan na nga ba si Kenji, Louie?" Tumingin siya sa akin muli. Pero itinaas niya lang ang balikat niya.

"Text o tawagan ko na lang." Sabi naman ni Steve. Tapos tumayo na siya at sumama ang kanyang girlfriend na buntot ng buntot sa kanya kung saan siya pumunta.

Napairap ako bigla. "Aso talaga."

"Sinong aso?" Tanong ni Daryl sa akin.

"Wala, gusto ko ng aso. Pero ayaw ko 'yung palaging buntot ng buntot sa amo." Tapos tinuloy ko na ulit ang ginagawa ko.

"Ahhhhh." Tapos tumawa siya. "Sige, sabihin ko sa aso na tumigil na bumuntot." Akma siyang tatayo pero hinila ko siya.

"Tumigil ka nga. Maupo ka at tumulong ka rito."

Tumingin ako kay Diane. "Oh, bakit ang tahimik mo?"

Hindi siya tumingin sa akin. Narinig ba niya ako? "Hoy, Diane! Ano na? Buhay ka pa ba?"

Nagulat siya. "Huh?"

"Ang lutang mo. Pahinga ka kaya muna sa paggagawa. Kami muna nila Daryl at Louie. Kaya naman namin eh." Sabi ko sa kanya.

"Hindi, kaya ko pa." Sabi niya.

"Nandito na siya." Biglang sabi ni Steve kasama si aso (jk) at Si Kenji na mukhang puyat at pagod.

"Oh, ayan na pala si Kenji eh."

Tumayo bigla si Diane. "Kukuha lang ako tubig ha."

"Sige."

"Tara na, start na tayo. Hatiin na natin grupo, dalawang grupo. Isang grupo para sa paggawa ng paper works and documentation natin at isang grupo sa paggawa naman nitong actual telescope." Sabi ko.

"Equal dapat hati ah." Komento naman ni Daryl.

"I will help divide the members." Sabi naman ni Louie.

"Okay, thank you, Louie. Tara, simulan na natin." Aya ko sa kanya.

Lumapit lang siya sa akin at ginawa na 'yung list. Mamaya naman ay bumalik na rin si Diane.

"Ang mapupunta sa paggawa ng documents natin ay si Kenji, ako, Diane at si Cherry. Ang mga natira sa paggawa na ng telescope." Announce naman ni Louie.

"Wait, what? Bakit magkahiwalay kami ni Steve?" Maarteng tanong ni Cherry.

Heto na naman po siya!

"Mas mapapabilis kasi ang gagawin natin kung magkahiwalay kayo." Paliwanag ni Louie kay Cherry.

"Agree ako diyan." Sabi ko sa utak ko.

"Hindi pwede 'to. Beb, oh?!" Pagiinarte niya kay beb. Ang pangit ng tawagan parang ewan lang talaga. Parang pinulot sa tabi-tabi.

Louie is always the 'matino guy' sa kanilang tatlo ni Steve at Kenji. Buti na lang kasama namin siya sa grupo.

"Beb, magkasama naman tayo sa iisang bahay so okay lang 'yan." Pero umirap lang si Cherry at tiningnan ako ng masama.

Hey! Bestfriend?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon