Bestfriend 10 [Hospital]

326 7 0
                                    

Bestfriend 10 [Hospital]

Charm's POV

Pagkatapos ng call namin ni Diane ay kaagad naman ako nagprepare para umalis.

Nagsuot lang ako ng white shirt na v-neck at leggings na black. Mas komportable kasi ako sa leggings kay sa sa jeans.

Sa jeans kasi parang naiipit 'yung legs ko. Kaya naman leggings palagi suot ko.

Bumaba naman kaagad ako pagkatapos ko magpalit ng damit.

Kahit na masama pa ang pakiramdam ko pinilit ko para naman makapasok na ako kinabukasan.

"Oh, anak. Nakabangon ka na pala. Dapat nagpapahinga ka pa din. Huwag ka sanang tatayo muna kaagad." Sabi sa akin ni Mama habang nagwawalis siya.

"Ma, punta lang po ako sa clinic diyan. Para po makapasok na ako bukas." Pagpipilit ko naman kay Mama.

Pumunta muna ako sa dining table para makita ang pagkain doon.

Gusto kong kumain pero hindi ko gusto kumain ngayon. Para bang wala akong panlasa.

"Sige, Ma. Una na po ako." Pagpaalam ko.

"Kailangan mo ako kasama, anak. Masama pa ang pakiramdam mo. Magbibihis lang ako." Aakmain sana ni Mama na tumigil sa pagwawalis pero nagsalita na ako.

"Mama, huwag na po. Kaya ko na po. Malakas po ako." Sana maniwala si Mama.

Ayaw ko lang naman siya maistorbo sa ginagawa niya. At saka, alam ko namang pagod si Mama. Ayaw ko naman magpabigat pa lalo sa kanya.

"Mukhang hindi naman kita mapipihilan sa gusto mo, anak. Sige, basta magtext ka sa akin ha." Sabi niya sa akin.

Paalis na sana ako ngunit nagsalita oa siya. "Anak, magdala ka nga pala ng pera."

Oo nga, kulang pala ang pera na meron ako.

Siyempre ayaw ko umasa kay Mama kaya naman namasukan ako sa coffee shop sa Tita ni Steve para hindi puro si Mama ang gunagastos.

Minsan sa mga projects ko din ay nakakatulong ang kinikita ko doon sa coffee shop.

Nagabot sa akin si mama ng 1000 pesos. "Napakalaki naman, Ma. May pera pa naman po ako dito galing sa sweldo ko sa coffee shop." Akma kong ibabalik sa kanya ang pera dahil napakalaki ng halaga nito.

"Tama lang 'yan, anak." Ibinalik niya sa akin ang pera. "Siyempre bibili ka pa ng gamot. Ibalik mo na lang sa akin kapag may sobra pa."

At ngumit si Mama sa akin at binalik ko din ang ngiting 'yon.

"Thank you, Ma. Bye po." Pagpaalalam ko sa kanya.

"Osige, ingat ka ha. Itext mo ako ha." Dagdag na paalala naman sa akin ni Mama habang pabalas na ako ng gate namin.

Bago ako sumakay ng tricyle ay kumaway muna ako sa kanya.

Napakaswerte ko talaga kay Mama. Mamaya ay siguro pupunta na siya sa bahay nila Steve upang maglinis.

Napakaswerte ko sa kanya dahil kahit siya lang magisa at iniwan kami ni Papa ay kinakaya niya lahat at ginagawa niya ang lahat para sa akin, upang matustusan ang mga pangangailangan ko at namin.

Swerte ko din ay dahil kina Steve siya nagtratrabaho. At nagkaroon ako ng isang matalik na kaibigan.

Habang nasa tricycle ako ay 'di ko maiwasan ang mahilo. Napakapit kaagad ako sa hawakan doon sa tricycle.

"Manong, bayad po." Iniabot ko sa driver nang makarating kami sa terminal ng jeep.

Medyo nahihilo pa ako kaya biglang napagewang-gewang ang lakad ko.

Hey! Bestfriend?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon