Bestfriend 8 [Date?]

342 9 2
                                        

Bestfriend 8 [Date?]

Steve's POV

"How are you, Che?" Tanong ko sa kanya.

While I am talking to Cherry, I texted Charm dahil naiwan ko siya magisa doon. Alam ko namang maiintindihan niya ako.

To: Taba

Iuwi mo na lang  pagkain ko. Hindi ko pa naman masyadong nagalaw eh. Bigay mo na lang kay Tita. Kain ka na at ingat paguwi.

Sent!

"I'm fine. How about you?" Tanong niya sa akin.

"I'm fine too." Ang pormal masyado.

"Is it okay kay Charm kung naiwan mo siya doon magisa?"

"Uhh." Napaisip ako tapos tiningnan ko ang phone ko kung nagreply na siya. "Oo naman." Sana nga, okay lang.

Ay, hindi. Magiging okay lang sa kanya. Maiintindihan niya ako kasi bestfriend niya ako.

"Buti naman. So where will we eat?" Patuloy lang kaming naglalakad.

"Ay, may alam akong kainan dito na masarap." Kaya pumunta kami sa favorite restaurant ng kapatid ko.

"So this is your sister's favorite restau?" Tanong niya sa akin.

Yes, nakarating na kami dito sa Bon Chon. Favorite kasi ni Shai ang chicken dito.

"Yes, she loves Bon Chon's chicken." I said habang nakapila kami.

"Oh. I trust your sister's taste." Nakasmile niyang sabi sa akin. Napakaganda niya grabe.

"Kuha ka na ng chair natin, ako na bahala dito." Sabi ko naman at kumuha na siya ng chair naming dalawa.

***

Matapos ang 3 minutong paghahantay ko ay ako na ang magoorder. Sa wakas.

"Good evening, Sir. Welcome to Bon Chon. What is your order?" Tanong sa akin ng girl dito.

Sinabi ko sa girl na 'yon ang order namin at mabilis naman niyang naiserve sa akin ito.

Pagkatapos kong makuha ito ay dumiretso na ako kung saan nakaupo si Cherry.

"I'm excited to eat!" Masayang sabi ni Cherry.

Kaya napangiti na din ako. At naalala ko si Charm bigla.

To: Taba

Text mo ako kapag nakauwi ka na.

Hindi pa siya nagrereply sa una kong text. I hope she's okay.

"Kain na, Steve." Sabi naman nito ni Cherry.

Kaya sinimulan ko na ding kumain.

"I love their chicken. Super sarap." Kumento naman ni Cherry habang kumakain.

"Next time, kain ulit tayo dito." Tumatawa kong sabi sa kanya.

Para siyang bata sa paraan kung paano niya sabihin ang mga 'yon.

Matapos namin kumain ay nagkwentuhan muna kami ng kaunti.

"Saan mo next gustong pumunta?" Tanong ko sa kanya.

"Ay, may alam akong masayang puntahan." Tapos hinila niya ako palabas ng Bon Chon.

"Saan tayo pupunta?" Tanong ko sa kanya.

"Basta. Sumama ka na lang." Patuloy niya akong hinihila.

Hanggang mapunta kami sa isang arcade.

Hey! Bestfriend?Mga kuwentong kahuhumalingan mo. Tumuklas ngayon