Bestfriend 6 [Sweetest]

424 12 0
                                    

Bestfriend 6 [Sweetest]

Charm's POV

"Hoy, Steve. Bakit ka tulog ng tulog?" Tanong ko sa kanya.

Kanina pa 'tong si Steve nakapatong ang ulo sa kanyang arm chair simulang pagpasok nito.

Ano kaya nangyari sa kanya?

"Steeeeeve." Tawag ko ulit. Sinudot-sundot ko na ang tagiliran niya pero wala pa din.

Kaya kinulit ko ulit. "Steve." Tapos niyugyog ko na siya nang magising.

"Uhhh. Ano ba. Inaantok pa ako, Charm." Sagot nito sa akin.

"Ano ba kasi ginawa niyo kahapon at ganiyan ka kaantok?" Tanong ko.

"Nagkainuman lang ng konti." Sagot nito habang nakapatong pa din ang ulo sa arm chair niya.

"Nahkainuman ng konti? Sa tingin mo, konti ang nainom mo kung ganyan ka kaantok?" Sabi ko sa kanya.

"Parang hindi konti eh. Parang napakadami eh." Tuloy ko pa.

"Konti lang talaga, promise." Sabi pa nito sa akin.

"Sino ba kasama mo uminom?" Tanong ko sa kanya.

Wala ulit sumagot kaya naman lumapit pa ako sa kanya at niyugyog ko ulit siya.

Pinaupo ko siya ng tuwid para naman makapagsalita siya at maintindihan ko mga sinasabi niya.

"Sino nga kasama mo kagabi?" Tanong ko ulit.

"Kenji." Mabilis na sagot nito at bumalik ulit sa pagkakatulog.

Nako! Si Kenji talaga.

Hinayaan ko muna siya na makatulog at umupo na ako sa upuan ko sa tabi ni Diane.

"Girlfriend ka ba?" Biglang nagsalita si Diane kaya naman napatingin ako sa kanya.

"Huh? Sino kausap mo?" Tanong ko. 'Di ko gets bakit siya biglang nagsalita.

"Ikaw. Kung makatanong ka, akala mo girlfriend ka." Asar naman nito sa akin.

"Concerned lang ako bilang kaibigan." Sabi ko sa kanya at kinuha ko ang libro ko sa Calculus sa bag ko dahil ito ang unang subject namin.

"Kaibigan lang ba talaga?" Napatigil ako sa tanong niya.

Sasagot na sana ako kaso biglang dumatinh ang teacher namin sa Calculus.

"Good morning, class." Pagkatapos niya bumati ay kaagad naman niyanh sinimulan ang discussion.

Maya't maya akong tumitingin kay Steve para tingnan kung okay lang ba siya o baka mahuli siya ni Sir na tulog.

Pero ganon pa din si Steve na nakapatong ang ulo sa arm chair.

Natapos ang magkakasunod na subjects na tulog si Steve.

Grabe naman ang puyat nito. Buong araw yata nito balak matulog eh.

Matapos ang English class namin ay break na kaya naman napagdesisyunan ko na kausapin si Kenji sa nangyari kagabi dahil hindi ko makausap ng matino si Steve.

Hindi naman kasi malaks uminom si Steve eh. Kumabaga, tikim-tikim lang kaya imposible 'to.

O kaya naman may problema si Steve na hindi niya lang sinasabi sa akin.

"Kenjiiii!" Tawag ko kay Kenji bago siya makalabas ng classroom.

"Oy, kamusta, Charm?" Chill na tanong ni Kenji sa akin.

"Anong nangyari kay Steve? Bakit antok na antok? Anong ginawa mo sa kanya?" Sunod-sunod na tanong ko.

"Nagkainuman ng konti." Relax pa din siya.

Hey! Bestfriend?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon