Bestfriend 22 [Lunch Date]

55 2 0
                                    

Bestfriend 22 [Lunch Date]

Charm's POV

Tahimik ako buong biyahe. Bakit kasi kailangan kasama pa sila sa paglunch ko? Pwede naman si Steve na lang. Char!

Matapos ang ilang minuto ay nakarating na rin kami sa mall at pinili naming kumain sa Shakey's because why not? Charing!

"What do you want to eat, Cee?" Tanong sa akin ni Daryl habang nakatapat kami sa counter sa Shakey's.

"Gusto ko 'yung may pizza, chicken, at pati mojos." Request ko kay Daryl. Komportable na naman ako sa kanya kaya hindi na ako nahihiyang magsabi ng mga gusto ko.

Kahit sa sandali naming pagsasama ay naging mabilis ang pagkakaibigan namin. Mabait naman siya pati masayang kausap. Loko-loko nga lang.

Buti nga minsan nagtatagalog na siya kasi dati puro english lang.

"Eh, ano ioorder natin sa lovers?" Nginusuan ni Daryl doon sa pwesto kung saan ang table namin.

Ayon, naghaharutan sila doon. Che! Sana masita sila ng guard dito. Char!

"Pakainin mo ng lason." Pagtataray ko. Pero joke lang 'to siyempre, hindi naman ako masamang tao.

"Easy, Cee!" Tapos tunawa siya.

Hunarap na siya doon sa girl sa counter na kanina pang nagpapacute dito kay Daryl. Nakita ko siyang hinawi ang bangs niya at kumidat kay Daryl.

Ano 'to? Working hours pa, diba? Isumbong ko 'to sa manager niya eh. Kaloka, sakit sa ulo.

Sinabi na lahat ni Daryl lahat ng order para sa amin. Siya na rin nagisip para doon sa "lovers".

"Let's sit." Aya nito sa akin.

"Tara."

Naglakad kami papunta sa table kung nasaan sila at nang marating na namin 'yon. "Seat." Utos niya sa akin.

Ayaw ko sana pumasok kaso baka may makahalata naman na ayaw ko sa tapat ni Cherry. Kaya pinili kong umupo na lang.

Bale ganito ang arrangement ng seat.

Cherry | Steve
Ako | Daryl

Talaga namang dito pa ako ipinaupo ni Daryl. Nangaasar ba 'tong lalaking 'to? Napakabastos eh.

"Charm, ano na mga kailangan natin sa project natin?" Pagbubukas biya ulit sa topic tungkol sa project namin.

"May napili na kaming method or 'yung medyo gagayahan. Tapos bibili na nga ng materials sina Diane kasama sina Kenji at Louie." Sabi ko kay Steve.

Medyo gulat 'yung mukha niya ng konti. "Ah, talaga kasama din si Louie?"

"Oo. Bakit?" Tanong ko.

Eksakto namang dumating na 'yung pizza at iba pang dish na inorder ni Daryl.

Inabot kaagad ni Daryl sa akin ang pagkain ko. Napa-wow naman kaagad ako kasi nagugutom na ako.

Napatingin ako kina Steve. Nakita ko na prineprepare din ni Steve 'yung pagkain niya.

Kahit na bestfriends kami, kahit munsan hindi niya ako ginanyan kahit na mas matagal na kami magkasama.

Siguro 'yung mga ginagawa niya ay pang-girlfriend lang. Sabagay, bestfriend nga ako, diba? Isang dakilang bestfriend na nagpapakamartyr sa bestfriend niya.

Gusto ko na itigil 'yung pagkakagusto ko sa kanya pero hindi ko talaga mapigilan.

Napaiwas ako ng tingin nang biglang tumingin si Cherry sa akin. Napahawak ako kaagad sa fork at spoon ko at nagsimulang kumain.

Hey! Bestfriend?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon