Chapter 1 : First Meet

15.3K 296 4
                                    

- TANYA'S POV -

Nagpasya na kong magresign sa Northcliffe's Academy dahil tapos na ang kontrata ko roon at lilipat na ko sa BellRose Academy. Mamimiss ko ang mga students ko roon, pero ganun talaga, eh!

Nagpunta na ko sa BellRose Academy para mag-apply as a Grade School Teacher. Marami namang nagsasabi na maganda rin daw dito tulad sa Northcliffe's.

Pagdating ko sa BellRose, deretsyo agad ako sa Principal's Office, kaso bago ako makarating ay may biglang sumulpot na batang babae kaya nabangga niya ako.

"Oops! Sorry.."

Ngumiti naman ako. "Nah.. Its okay.."

Agad na siyang umalis at tumakbo na tila nagmamadali, pero hindi ko alam kung bakit sinundan ko pa siya ng tingin. Dahil ba sa nagandahan ako sa mukha ng batang iyon? "Ang ganda siguro ng lahi nila." Sabi ko pa sa aking sarili.

Pagdating ko sa Principal's Office ay agad niya akong pinatuloy. And she started the interview.

"Three years ka palang nagturo sa Northcliffe's?" Tanong ni Madam Principal.

Sandali naman akong napakamot sa aking ulo. "Opo.. Kasi after ko pong grumaduate sa college, nagsideline muna po ako as a Tutor sa ibang bansa, almost two years din po ako roon.."

"Ohh.. Really? Anong grade ang tinuturo mo noon sa Northcliffe's?"

Malapad ko naman siyang nginitian with self-confident. "Grade 3 po at naging advisory ko na rin po sila."

After the interview ay lumabas na ako at nakahinga na ng maluwang. Wala pang final kung hired na ba ako o hindi pa, basta they will call me na lang daw. Haaay.. Sana lang talaga ay tanggapin nila ako.

Maglalakad na sana ako nang may natanaw akong ilang bata na tila pinagtatawanan nila ang isang umiiyak na batang babae.

"Haha! Kawawa na late siya!"

"Buti nga! Belat!"

Mapang-asar na sabi ng mga bata sa batang babae.

Teka! Parang pamilyar yung batang babae na yun, ah?! Ay, Tama! Siya yung batang nakabangga sa akin kanina. At anong ginagawa nila? Binubully ba nila ang batang babae? OMG!

Hindi na ko napagpigil pa kaya nilapitan ko na sila habang patuloy nilang inaasar ang batang babae na gusto ng umalis sa kinatatayuan niya, kaso hindi siya makaalis kasi hinaharangan siya ng nambubully sa kaniya.

Sandali akong kumalma at tumikhim sa kanilang likuran. Very good, natigilan sila at sabay umangat ang tingin nila sa akin.

Ngitian ko sila sabay ayos sa suot kong eyeglass. "Why are you bullying your classmate? Alam niyo bang bawal yan dito?" Mahinahon kong sabi. "The Principal Office is over there, gusto niyo ipatawag ko kayo ro'n?" Pananakot ko sa kanila, sabay iling nila. Pagkatapos nagsitakbuhan na sila palayo sa amin.

Napailing na lang ako saka ko binaling ang tingin ko kay Pretty Girl na nagpupunas na ng luha niya using her hands.

"Hey.." Nilapitan ko siya at pinaupo ko siya sa bench. Sakto namang may hawak akong handkerchief kaya inabot ko na sa kaniya. "Here, take this.. Don't cry na." I said sabay hawi ko sa mahaba at makulut-kulot niyang hair pero maganda. Bagay na bagay lang sa kaniya.

"T-Thank you po.." She said when she accepted my handkerchief.

"Aww.. Its okay.. At saka, bawal yun, eh." Natigilan ako nang umangat ang tingin niya sa akin, at tila bahagya pa siyang nagulat. Bakit? Kilala ba niya ako? "Why?"

"W-Wala po.. Ngayon ko lang po kayo nakita rito sa school."

Muli naman akong napangiti. "Ahh.. Oo, may pinuntahan lang ako rito. Haay.. Ang ganda-ganda mo, you have an angelic face pero bakit ka nila binubully?"

Nagkibit-balikat siya. "I don't know.. I want to be friends with them kaso ayaw nila. I don't have still friends yet kasi transferee ako. And I really don't know why they like to bully me."

Grabe sila.. Pero hindi ko akalain na tumatanggap pa pala ang BellRose ng late transferees.

"Bakit at kailan ka pa na-transfer dito?"

"Last two weeks po. Lumipat na po kasi kami ng new house and daddy wants to transfer me here para malapit lang sa subdivision."

"Ahh.." Napatango-tango na lamang ako, tapos ay tumayo na ko. "O siya, kailangan ko ng umalis. Kapag binully ka pa nila, lumaban ka rin because big girl don't cry." Sabay cup ko sa face niya.

Huhu! Ang cute niya talaga, sana ganito maging anak namin ni Rio.

"I try po. And thank you for saving me."

"Wala yun. Anyway, call me Ate Tanya." Sabi ko sabay lahad ko ng kamay ko sa kaniya.

Ngumiti na siya ng malapad. "Hihi! Okay, Ate Tanya.. My name is Nisha." Aniya saka tinanggap ang kamay ko at nagkamayan kaming dalawa.

"Oh.. Glad to meet you, hope we meet each other again. Ang bata mo pa, pero ang sarap mong kausap. I need to go. Bye, Nisha!" I gently tapped her head and waved at her.

"Bye, Ate Tanya!"

Ngumiti ako muli sa kaniya dahil todo ang pagkaway niya sa akin habang papalayo ako sa kaniya.

Nang makalabas na ako ng gate ng BellRose, saktong tumunog ang phone ko, kaya agad kong kinuha sa hand bag ko at agad kong sinagot nang si Rio ang tumatawag.

"Hello, Bebelabs ~..... Sure, saan?"

Haayy~ Ako na ang kinikilig. Yiie~




#ChaTara08

You're My First and Only [TGKS#1]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon