- TANYA'S POV -
Hapon na nang umuwi si Leo at maaga nga niyang pina-dayoff si Aling Rusing.
"May problema ba?" Tanong ko kay Leo nang umupo siya sa couch, mukha kasi siyang stress, eh..
Lumapit naman ang anak niya sa kaniya. "Do you want to massage you, Daddy?"
Pilit namang napangiti si Leo. "Sure, I love to.."
Hinilot naman siya ni Nisha sa noo, ang sweet lang nilang tignan. "Baka mapagod anak mo, ako na lang hihilot sayo." Sabi ko.
Tumingin naman siya sa akin. "I want you to stay here, dito ka na muna matulog. Hindi ako mapapalagay kung mag-isa ka lang sa unit mo." Bakas sa tono niya na seryoso siya sa kaniyang sinabi.
"Bakit naman?" Pagtataka ko.
"Basta.. I will tell you later.." Tapos tumingin siya kay Nisha at nanghingi ng halik sa anak kaya binigyan naman ni Nisha ng smacked kiss ang Daddy niya.
Napanguso tuloy ako. "Pwede pakiss din?" Nahihiya kong sabi.
Natawa naman si Nisha pero kita ko na kinikilig siya.
"Daddy, kiss Tita Tanya na! Hihi!"
Bumalik ang tingin ni Leo sa akin saka ito ngumisi sa akin. "Later.." Sabay kindat niya.
Gabi na at tapos na kaming magdinner at ako na naghugas sa pinagkainan namin. Hanggang ngayon iniisip ko pa rin ang kwento ni Nisha kung paano nila nakilala ang Heirsly na 'yon, naging classmate pala ni Leo ang babaeng iyon noong college sa England. Hindi naman kagustuhan ni Leo na maging Ninang iyon ni Nisha dahil naiirita siya kapag lumalapit sa kaniya kahit noong buhay pa si Brynne. Nagkataon pa na kaibigan pala ng Uncle Jeff niya, at ang uncle niyang iyon ay walang iba kundi si Jeff Crawford na half brother ni Brynne.
"Teka! Hindi kaya may alam si Leo tungkol sa Jeff Crawford na 'yun?" Mahinang sabi ko sa sarili ko. Nag-alis ako ng apron at akmang lalabas na ko ng kusina nang makasalubong ko si Leo. "Tamang-tama may itatanong ako sayo." Sabi ko sa kaniya.
"Me too.." Sabi niya habang nakapamulsa sa pants niyang pampabahay. "Follow me."
Sumunod naman ako. "Si Nisha?"
"Tulog na.." He replied.
Naggulat naman ako na dito niya ko dinala sa master bedroom niya. "B-Bakit dito?" Kabado kong tanong.
Napangisi naman siya, saka niya ko kinorner sa pintuan. "After we talk, you're going to sleep with me. Don't worry, I already brought you some clothes just in case you want to stay with me here all night." Bago pa ko makasagot ay bigla niya kong marahang pinaupo sa malambot niyang kama, ganun din naman siya pero magkaharap kami sa isa't isa. "So what do want to ask?"
Sandali naman akong napakamot sa aking ulo. "Si Uncle Benjz, may binanggit siyang Jeff Crawford ang pangalan na ang tatay ni Jeff ang pumatay sa mga magulang ko. Tapos kanina nalaman ko kay Nisha na half brother iyon ni Brynne. Totoo ba? Kilala mo ba ang lalaking iyon?" Kunot-noo kong tanong sa kaniya.
Seryoso lang siyang nakatingin sa akin. "Yes, its all true. That's my second reason why I can't tell it to you for your safety. Well, i think, mukhang kailangan mo ng malaman tungkol sa lalaking iyon."
"Anong meron sa lalaking iyon? Totoo bang kasamahan niya si Rio?" Tanong ko ulit.
"Mamaya na ang tungkol sa ex-boyfriend mo. Let's talk about Jeff Crawford first." He sighed, then he held my hands at hinaplos-haplos niya mga ito. "Jeff Crawford, is the evil half brother of Brynne sa ina. He's the one why I need to breaking up with you para gawin ang responsibilidad ko kay Brynne, kapag tinalikuran ko si Brynne papatayin ka niya."
Nanlaki ang mga mata ko sa sinabi niya. Hindi agad ako nakasagot dahil nagpatuloy siya sa kaniyang kwento.
"Ngayong wala na si Brynne, si Nisha naman ngayon ang gusto niyang kunin sa akin."
"Si Nisha? Pero bakit?"
Pati ba naman ang bata dinadamay?!
"Gusto niyang kunin si Nisha para maging susi upang makuha ang pamana ni Brynne na nakapangalan bata. Makukuha lang niya ang mana kapag naadopt na niya ang bata. Ayokong makuha nila ang anak ko sa akin at kayong dalawa ngayon ang iniingatan at pinoprotektahan ko." Hinaplos niya ang pisngi ko. "Jeff's Dad is also the one who killed to my dad kaya gusto niya ring makapaghigati sa akin. And about Rio.. He's one of the closest friend of Jeff, I investigated him that he's working with Jeff. Rio is using you for Jeff's Plan para makuha ang bata. He just loved you because he has something to get from you."
Natulala ako. Hindi ko alam kung ano ang irereact ko matapos kong marinig ang tunay na papel ni Rio sa buhay ko. "Pero never pa niyang nakita ang bata, eh."
"Tss.. Kahit hindi niya pa nakita ng personal ang anak ko, alam naman niyang estudyante mo si Nisha."
"Pero paano mo nalaman ang lahat ng ito tingkol kay Rio?" Naguguluhan kong tanong.
"William is the one who following him."
Bigla tuloy akong nabahala. "Eh paano niyan? Malalaman nung Jeff Crawford na tayo na ulit." Nangangambang sabi ko.
Sigurado ako na ang Jeff Crawford na iyon ang tumawag sa akin para takutin ako at muntikan na kaming pagbabarilin noon.
"Actually, he already knew about us kaya tumawag ulit siya sa akin para manakot. And I have a plan, so please.. Sakyan mo kung anong gusto kong mangyari dahil ayokong madamay ka rito at para hindi nila makuha si Nisha sa akin."
"A-Ano naman ang dapat kong sakyan?"
He cupped my face and he gave me a quick kiss.
"Let's act and pretend that we broke up. 'Yon na lang ang naisip ko para maligtas ang uncle mo sa kamay ni Jeff ngayon."
Sa sinabi niyang iyon ay napasinghap ako sa gulat sabay takip sa aking bibig.
#ChaTara08
BINABASA MO ANG
You're My First and Only [TGKS#1]
Ficción GeneralLeo has a nine years old daughter named Nisha. And Nisha have a teacher named Tanya. But what if malaman ni Leo na ang teacher ng anak niya ay kaniyang Ex Girlfriend niya noong highschool. Manunumbalik pa kaya ang pagtitinginan nilang dalawa?