Chapter 25 : Nanny or Mommy?

7.6K 192 2
                                    

- LEO'S POV -

Until now I still can get over what happened between me and Tanya last night. A memorable night I won't ever forget.


"Daddy!" Nabigla naman ako nang sigawan ako ni Nisha na parang siya pa nagulat. "Waaah!! Why are you smiling? And what's with that in your lips? A wound?"


She said while she examining my face. "Even I have this, your daddy still handsome, right?"


"Yup!"


"Let's not talk about this. Finish your food."


She just nodded and she continued eating her food. After we ate our breakfast I prepared myself because I still have an appointment in my office this Saturday. Tomorrow will be my time with Nisha.


Pagdating ko sa company ay sinalubong ako ni William. "Hey! What the fvck!" Bati niya sa akin.


I gave him a death glare because he ruin my mood. "Could you shut up?! Panira ka ng mood." Inis kong sabi sa kaniya.


"Eh kasi naman ngumingiti-ngiti ka diyan? Para kang naka-score. Hahaha! Wag mo ng i-deny, nakita ko kayo ni Tanya sa CB. Gago yung Rio na yun para suntukin ka ng ganun? Pero yung totoo?" Mas lalo siyang lumapit sa mesa ko nang makaupo na ko sa swivel chair ko. "Naka-score ka ba kay Tanya kagabi? Huh?" Tanong niya sabay ngiti niya ng nakakaloko sa akin.


Umayos ako upo at binuksan ang laptop ko. "All I could say that she's mine again." I looked at him.


"Woah! Well, naka-score ka nga! Hahaha!!" Halakhak niya. "So, hindi lang pala si Nisha ang dapat mong protektahan ngayon. Ingat-ingat baka agawin ni Rio yan."

"I'll kill him if he do that."



- TANYA'S POV -

"Hi Nisha!!!" Masayang bati ko sa bata nang makapasok ako sa bahay nila.


"Kyaah! Tita Tanya!!" Nagtatalon naman siyang tumakbo sa akin at saka niya ko niyakap. She just call me 'Tita' kapag wala kami sa school. Weekend ngayon kaya maaga akong bumisita, wala naman kasi akong masyadong gagawin ngayon.


Hinila naman niya ko agad papunta sa veranda. "Bakit tayo nandito?"


"Sabi po kasi ni Aling Rusing kapag 10 o'clock na pwede na raw po ako magswimming."


"Ohh! Marunong ka magswim?" Amaze kong sabi.


"Yes po! Daddy taught me. Hihi! Wait me here, Tita!"


"Sure!"


Dumating naman si Aling Rusing na may dalang tray ng pagkain. "Sakto naman po pala ang dating niyo dito, Ma'am."


Ngumiti ako. "Si Leo po?"


"Pumasok na po sa opisina kanina pa. Bukas po day off ko at si Sir Leo ang nag-aalaga kay Nisha kapag wala rin siyang pasok."


"Ganun po ba?"


"Pero sigurado maaga rin uuwi si Sir kasi kapag ganitong sabado eh maaga niya kong pinapauwi. O siya, maiwan na muna po kita ma'am at maglilinis lang muna ako ng salas."


"Sige po."


Di nagtagal ay dumating na si Nisha na nakaswimwear with gaggles pa sa mata niya.


"Tita Tanya, tuturuan niyo po ako ulit sa Math mamaya?"


"Oo pero bukas rest day."


Bigla naman siyang nagpout. "Pwede po bang pass muna? Hehe!"


"Sure ka? O sige.."


Nagtatalon naman siya sa tuwa at napasinghap ako sa gulat nang bigla siyang tumalon sa pool. Tapos ay agad din siyang umahon.


"Don't worry, I'm okay!"


I sighed in relief. May kakulitan din pala ang batang ito, pero pagdating sa klase ang tahimik.


"Wag masyadong malikot, Nisha."


"Magswim ka na rin po, Tita."


Napataas naman ang kilay ko. Actually, I don't know how to swim. "I prefer to eat than to swim. I will watch you na lang over here." Sabi ko sabay kagat ko sa donut.


After niyang magswim ay nanuod na muna siya ng cartoons sa living room. Nagprisinta naman ako kay Aling Rusing na ako na muna magluluto ng lunch namin kaya tumulong na lamang siya sa paghihiwa ng ilang sangkap.


"Ma'am, alam niyo po? Bagay po kayong maging mommy ni Nisha?" Ngiting-ngiti na sabi niya.


Napangiti ako. "Talaga po?" Ang sabi ko noon hindi pa ko ready magkaanak, pero ano 'tong ginagawa ko ngayon? Mukhang nagiging hands on mommy na ko kay Nisha. Nabigla naman kami nang may marinig kaming tili mula sa living room, hindi boses ni Nisha iyon.


Sinilip agad ni Aling Rusing kung sino iyon. Ilang saglit lang ay bumalik siya.


"Sino po iyon?" Tanong ko.


Sumimangot naman siya. "Si Ma'am Heirsly po. Ang maarteng ninang ni Nisha, bumalik na naman. Naku! Nag request na magluto raw ako ng carbonara. Jusko!" Reklamo niya.


Pinaiwan ko na muna kay Aling Rusing ang niluluto ko para makita kung sino ang Ninang ni Nisha. I saw Nisha na parang hindi masaya habang katabi niya sa couch ang Ninang niya na kausap siya. Hindi pamilyar sa akin ang ninang niyang blonde hair at mistisa. Maputi lang siya pero mas proud morena ako.


"Excuse me.." I said at sabay naman silang napalingon sa akin. "Hindi na makakapagluto ng carbonara si Aling Rusing kasi nagluluto na ko ng mas healthy food na White Beans in Piquant Sauce." I said sabay fake smile sa kaniya.


Tinaasan naman niya ko ng isang kilay saka siya tumingin kay Nisha.


"Who is she, Baby? Your new Nanny?" Sabay maarteng turo nito sa akin.


Ano daw? Nanny? At anong tawag niya kay Nisha? Baby? What the!!

Umiling naman ang bata sa kaniya. "Nope. She's not my Nanny, Ninang."


"Then what?"


Sandaling sumulyap sa akin si Nisha at ngumiti. "My soon to be mommy..."





#ChaTara08

You're My First and Only [TGKS#1]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon