Chapter 17 : Crying Baby

7.1K 163 1
                                    

- LEO'S POV -

"What?!" Halos napatayo ako sa aking kinauupan dahil sa gulat kahit nasa kalagitnaan ako ng meeting kaya lahat ng mga investors and businessmen na kasama ko ay nadistract nang dahil sa akin. "Alright, I'll be right there in five minutes!" I ended the call and I looked at them. "I'm sorry if I distracted our meeting. Something emergency came up so I have to leave first, my apologize."

Tumango-tango naman sila at pinahintulutan akong umalis. Si William ang naiwan doon. Si Mr.Chan naman ay pinagdrive ako patungong BellRose Academy, at halos paliparin na niya ang sasakyan sa sobrang bilis. Ako naman ay halos hindi mapakali, sino naman ang ama na sobra-sobra ang pag-aalala sa anak?!


Pagdating ko sa BellRose agad kong tinakbo ang kahabaan ng hallway at saktong makasalubong kami ng Adviser ni Nisha.


"Mr.Monticello, good you came your daughter--"

"Where's my daughter?!" Natataranta na ko sa pag-aalala.


"She's in the clinic, don't worry she's now in good condition."


Sinamahan niya agad ako sa clinic, pagpasok ko ay agad napalingon sa akin si Tanya. Kunot-noo lang akong tumingin sa kaniya.


"L-Leo--I mean Mr.Monticello.." Agad siyang tumayo sa kianuupuan niya malapit sa kama ni Nisha.


Agad kong nilapitan ang anak ko tsaka ko hinaplos-haplos ang noo nito. Maya-maya ay unti-unti ng dumilat ang mga mata ni Nisha.


"Daddy?" Hirap pero mahina niyang sabi.


"Yes. Daddy is here now, baby.."


Then all of sudden, she cried. Kaya naman agad ko siyang niyakap at pinatahan. Ngayon na lang ulit humagulgol ng ganito ang anak ko.



- TANYA'S POV -

Binulungan agad ako ni Teacher Maxine na babalik siya sa room ng Grade3 para pagsabihan ang mga bata kaya tumango na lamang ako sa kaniya.


Binalik ko ang tingin ko sa ama. Bahagya akong nagulat nang magising na si Nisha tapos ay humagulgol na lamang bigla ito kaya agad niyakap ni Leo ang anak. Hindi maaalis sa mukha ni Leo ang sobrang pag-aalala niya sa anak. Napakagat-labi ako at bahagyang napayuko dahil naawa ako sa bata, masyadong mababa ang luha ko sa mga ganitong iyakan.


Lumapit ang nurse sa kanila. "You can bring her home now para makapagpahinga na po ang anak niyo. Meron po ba siyang hika or something?" Tanong niya kay Leo.


"Nothing.. But I have a nebulizer in our house for just in case. Thank you, anyway.." Ng maging okay na si Nisha ay nagulat ako nang malamig siyang tumingin sa akin. "Before we go home, I need to know first everything what happened."


Napalingon ako sa pinto at pumasok dito sa clinic ang tatlong bata na sina Crystal, Syrone at Liam kasama si Teacher Maxine. Eh? Bat kasama si Liam dito?


"Sinama ko sila dito para maliwanagan ang lahat." Panimula ni Teacher Maxine. "Sige magsalita kayo."


Base sa reaksyon nila ay mukhang ngayon palang nila nakita ang Daddy ni Nisha, habang walang ekspresyong nakatitig sa kanila si Leo.


"Hmm.. Mga f-friends po kami ni Nisha." Panimula ni Crystal at sabay sulyap kay Nisha na nakabalikwas na ngayon sa kama.


"Opo.." Sagot pa ni Syrone, habang si Liam ay tahimik na nakahalukipkip lang. "Akala niya po kasi nasa cr si Crystal kaya pinuntahan niya dun."


Nagtanong naman si Teacher Maxine kay Nisha. "Nisha? Sino nagsabi na nasa cr si Crystal?"


Matagal bago magsalita si Nisha. "Baby, tell us who told you that." Nakatitig na sabi ni Leo sa anak.


"When I tell the truth, they will bully me again." Malungkot na sabi ng bata at dahil doon sa sinabi nia ay bahagya kaming nagulat.


"What?" Hindi makapaniwalang tanong ni Leo sa anak. "Bakit hindi ka nagsusumbong sa akin?"


Ewan ko, pero pakiramdam ko ay gusto niyang pagalitan si Nisha.


"Kapag hindi mo sinabi sa akin, magagalit ako sayo, Nisha. You know that I don't like lying and hiding secrets to me. At kailan ka pa binubully, huh?"


Napalunok naman ako dahil gusto kong awatin si Leo dahil iiyak na naman ang anak niya.


"I'm sorry, Daddy.." Nangingiyak na namang sabi ni Nisha habang pinupunasan niya ang kaniyang mga luha.


"Nisha, gusto mo suntukin namin ni Kuya ang may gawa nun sayo?" Mayabang na sabi ni Syrone.


"Tss.. Wag mo nga kong dinadamay!" Kunot-noong sabi ni Liam sa kambal niya. Agad naman silang sinaway ni Teacher Maxine.


Haaay~ ano ba pwede kong maitulong?


"Ahm.. Mr.Monticello, wag mo ng pagalitan si Nisha. Iuwi mo muna siya sa inyo para makapagpahinga. Natakot na nga tatakutin mo pa." Palihim akong napairap. "Aalamin namin kung sino nambubully sa kaniya para mapagsabihan na rin namin."


Sumabat naman si Teacher Maxine. "She's right, Mr. Monticello. Kapag nalaman namin kung sino nambully sa anak niyo ipapatawag ulit namin kayo."


Tumango naman si Leo. "Alright.."


Nagpaalam na muna si Teacher Maxine at kasama na niyang lumabas ang tatlong bata dito sa clinic, ang nurse naman ay sandaling lumabas din kaya kaming tatlo ang natira dito.


Tumayo si Leo at bahagyang lumapit sa akin, saka may kinuha siyang kung ano sa loob ng suit niya at inabot sa akin. Nalaman kong calling card pala ito.


"Tawagan mo ko kapag may nalaman ka na." Sabi niya at agad na niyang binuhat si Nisha.


Napatango naman agad ako. "Oo.. Sige.."





#ChaTara08

You're My First and Only [TGKS#1]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon