Chapter 30 : Help

6.3K 149 0
                                    

- LEO'S POV -

Nakahalukipkip ako habang panay ang lakad ko ng pabalik-balik dahil hindi ako mapakali sa pag-aalala para sa kina Tanya at Nisha.

"Leo, magrelax ka lang.." Mahinahong sabi sa akin ni Mr.Chan.. "Don't worry, may pinasunod na kong ilang security sa kanilang biyahe."

I nodded to him "Thanks, Mr.Chan.."

Hindi ko na matiis pa kaya dinial ko na ang contact number ni Nisha. She has a phone for just in case of emergency. And thank God, she answered my call.

"Hello, daddy?"

"Baby, how are you?"

"I'm okay, I'm sitting beside my classmate."

Nagtaka ako. I thought katabi niya si Tanya. "Where's your Tita Tanya?"

"She's in the front seat with Teacher Maxine. Don't worry, Daddy, behave naman po ako and Tita Tanya always checking me here."

I sighed. "Okay.. Just eat if you're hungry."

"Okay po." She said in a sweet voice.

"I love you.."

"I love you, too, daddy! Muah!"

Ngingiti na sana ako nang biglang bumukas ang pinto kaya napalingon ako roon at nakunot-noo kung sino ang dumating, pati si Mr.Chan ay napatayo bigla.

"William?"

"Leo.." Medyo hinihingal pa siya. "Come with me! Kailangan nating sundan ang bus nila Nisha!"

Napakunot-noo ako. "But why?"

"Ngayon ko lang nalaman mula roon sa Rio Javier na susundan nila Crawford ang bus at kukunin nila anak mo!"

I frowned when he said that kaya madali kong kinuha sa loob ng locker ang baril ko at mabilis sinuksok sa likuran ko.

"Magtatawag na ko pulis--" ani Mr.Chan at agad ko siyang pinigilan.

"Don't! Just wait if I say, magiging komplikado ang lahat." I said then umalis na kami ni William.

William told me that Raven did a track to trace Rio that's why he can also hear what Rio is talking with Jeff and his planning to kidnap my daughter. Damnit!

Agad kong dinial ang number ni Tanya at mabuti na lang agad niyang sinagot. "Hello?"

"Tanya, where are you now?"

"Ahh.. Nasa highway, malapit na sa NLEX Toll Gate. Medyo matagal pa kami makakarating sa---Ay!" Gulat niya bigla at tuluyan ng naputol ang linya..

Napamura agad ako sa kaba. "Tanya! Tanya! Sh*t!" Nagsimula na kong mataranta.

"What's the problem?" He said while driving.

"Naputol ang linya, bilisan mo ang pagdadrive!!" I yelled at him.


- TANYA'S POV -

Habang katawag ko si Leo ay nakatayo ako sa tabi ng upuan nila Nisha at Crystal, si Nisha ang nasa tabi ng bintana. Tapos biglang pumreno ang bus kaya nalaglag ko ang phone ko. Pupulutin ko sana nang lahat kami ay napasigaw sa gulat nang may marinig kaming putok ng baril kaya napaupo ako at nagtakip ng tainga.

Napatayo ako para i-check ang ilang mga bata lalo na si Nisha. Nagulat ulit ako ng may di kilalang lalaki ang pumasok dito sa bus at nakaramdam ako ng takot na may hawak itong baril.

"Jusko! Sino ho kayo? Maawa po kayo sa mga bata!" Pagmamakaawa ni Teacher Maxine dahil kami lang ang teacher na nandito sa bus para bantayan ang mga bata. May nakita pa kong isang lalaki at mabilis niyang tinutok ang baril sa driver ng bus.

Nagulat si Teacher Maxine ng bigla siyang sinakal ng lalaki at tinutok ang baril nito sa kaniyang sentido.

"Ikaw!" Napatalon ako sa gulat nang ako ang tinawag ng lalaki. "Walang mapapahamak kung ibibigay niyo ang bata sa amin. Ang anak ng Monticello! Ibigay mo kung ayaw mong pasabugin ko ang babaeng 'to!" Sigaw niya at tuluyang naiyak ang mga bata sa takot sa kaniya pati na rin si Teacher Tanya.

Nanginig akong sumulyap kay Nisha at kita ko sa bata naumiiyak na rin sa takot habang nakayuko siya, ganun din si Crystal. Binalik ko ang tingin ko sa lalaki.

"W-Wala ang batang sinasabi mo---"

"Anong wala?! Alam naming nandito!" Mabilis niyang tinulak si Teacher Maxine at mabilis tinutok niya ang baril sa akin, saka siya naglakad papalapit sa akin. "Wag mong tinatago ang bata!" Aniya sabay tingin niya kaliwang upuan at doon napasinghap si Nisha sa gulat.

Tumawa ng nakakaloko ang lalaking ito. Hindi ako makalapit dahil nakatutok ang baril niya sa akin. Sh*t!

"Hahaha! Nakita ko na ang kayamanan!!" Sigaw ng lalaki, saka niya kinaladkad ang bata.

"Waaah!! Don't touch me!" Humagulgol na sa iyak si Nisha.

"Wag mong saktan ang bata!" Sigaw ko sa lalaki. Naiiyak na rin ako dahil hindi ko maipagtanggol ang bata dahil nakatutok pa rin ang baril sa akin. Nagulat ako nang ipasa ng lalaking ito si Nisha sa isa pang niyang kasamahan at kinarga nito si Nisha. "Nisha!!"

"Teacher Tanya, help me!! Help me!!"

Aalis na rin ang lalaki para sumunod nang bigla ko siyang pinigilan. "Kung kukunin niyo ang bata, isama niyo na rin ako!" Buong tapang kong sabi kaya humalakhak ang lalaki.

"Ahh.. Ikaw pala si Tanya.. Haha! No problem!" Aniya habang nakangisi, sabay hatak sa akin palabas ng bus.

Pinasok nila kami sa isang van at agad kong niyakap ni Nisha ng mahigpit. Hindi ko alam, pero siguradi akong kidnap itong nangyayari ngayon.




#ChaTara08

You're My First and Only [TGKS#1]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon