Chapter 16 : Worried

7K 158 0
                                    

- TANYA'S POV -

Heto na naman kaming dalawa ni Rio, hindi niya ulit sinasagot ang mga tawag ko sa kaniya mula kaninang umaga paggising ko.

"Teacher Tanya?"

Napaangat ang tingin ko kay Teacher Maxine na adviser nila Nisha, kaya agad akong napangiti. "Yes, Teacher Maxine? Do you need something?"

Katatapos ko lang magturo ng Math kaya recess time na ng mga bata, at ako naman heto nandito sa faculty nagchecheck ng quizzes ng mga papers ng Grade3.

"Tinawagan ka na ba ni Teacher Joan na ikaw muna magsub sa kaniya ngayon?"

Tumango ako. "Oo. Tumawag siya kagabi and she told me about her lesson plan about her subject in English. Don't worry, I know what to do."

Tama kayo ng rinig--I mean ng basa. Ako na naman ang substitute teacher ng Grade3 sa subject nilang English.

"Ay sige. Mabuti naman kung ganun." Ngumiti siya "O siya, nagtuturo muna ako ng Science sa mga Grade4."

"Sige.." Sabi ko sabay ngiti.

I'm just pretending to be good. Iniiwasan ko na wag dalhin sa trabaho ang problema ko. Napatingin ako sa wristwatch ko, and its already time. I'm sure tapos na silang magrecess.

Agad ko ng kinuha ang mga gamit ko at agad ng nagtungo sa Grade3 classroom. Pagpasok ko ay nagtaka sila kung bakit nandito ako ulit, pansin ko naman konti palang ang mga estudyante rito.

"Where's the others?" Tanong ko sa dalawang batang babae na nagkukwentuhan.

Pero bago sila sumagot ay bigla ng nagsipasukan na dito sa loob ang mga bata at umupo na kani-kanilang upuan.

"Okay, class.. Sit properly. For now, I'm your English teacher for today only dahil absent si Teacher Joan niyo ngayon." Pagpapaliwanag ko sa kanila. Napadapo na naman ang tingin ko sa pwesto ni Crystal Lei at wala sa tabi niya si Nisha. "By the way, Miss Crystal?"

Nabigla pa si Crystal ng tawagin ko siya. "Yes po, teacher?"

"Where's Nisha?"

Sandali siyang tumingin sa katabing upuan niya, at muling bumalik sa akin. "I don't know po, Teacher."

Then biglang nagsalita si Syrone the chubby cute. "May nagsabi raw sa kaniya na nasa CR ka daw kaya pinuntahan ka niya dun." Aniya habang tahimik lang ang kambal niyang si Liam.

"Huh? Hindi naman ako nagpunta sa CR, ah? Pumunta ako sa library, hiniram ko kasi yung book na gusto ko." Sagot ni Crystal. Papalit-palit lang ang tingin ko skanila ni Syrone, ang classmates naman nila ay tahimik na nakikinig at nakatingin sa kanila.

Nabigla naman ako nang magsalita si Liam. "Why don't you check her out if she's there?" Bagot na suwestyon ni Liam.

Napaisip ako dun ah.. "Ahm, Liam's right. Could you check her if she's there, Crystal?"

"Okay po, Teacher!" Agad na siyang tumayo at lumabas na ng classroom.

Bumaling na ang atensyon sa buong klase. "Okay class.. Open your books now on page27. I will discuss this topic first then answer the following questions, is that clear?"

"Yes, teacher!!!" They said in chorus.

Sisimulan ko na sana ang discussion nang sumigaw si Crystal na kadarating lang at hingal na hingal siya sa may pintuan.

"Teacher, naka-lock po yung ladies' cr!"

"Ano?" Pagtataka ko. Bakit ila-lock yun? Ang alam ko hindi pwedeng i-lock ang cr hangga't may class hour pa.

Hindi na ko nagdalawang-isip pa dahil nakaramdam na ko agad ng kaba kaya agad na kong lumabas ng classroom kasama si Crystal. Patakbo ang ginawa namin at pagdating namin sa tapat ng ladies' cr ay naaputan namin itong nakapadlock. How come?

Sakto namang may dalawang janitor ang lumapit sa amin. "Madam? O bakit nakalock ang pinto ng cr?"

Napakunot-noo akong napalingon sa kanila. "Bakit nakalock ang cr?"

"Huh? Hindi po namin alam, madam. Hindi po namin maaaring i-lock ang cr hangga't alam naming may klase pa ng oras madam." Siwalat ng ni Janitor1.

"Opo, Madam. Tama po siya." Sabat naman ni Janitor2.

"O sige. Buksan niyo na agad itong pinto dahil may kailangan kaming i-check. Dalian niyo!" Pasigaw ko sa kanila kaya aligaga ni Janitor1 na buksan ang pinto. Sinubukan niya ang ilang susi pero hindi match sa padlock. Sinubukan ding buksan ni Janitor2 pero ganun din, kaya no choice kundi sirain nila ang padlock gamit ang kanilang pamukpok at doon nasira ang padlock.

Agad nilang binukas ang pinto at agad naman akong pumasok para hanapin si Nisha.

"Nisha?"

"Teacher, n-nandito po si Nisha!!" Gulat ni Crystal kaya napalingon ako sa aking likuran at nandoon si Nisha nakasandal at nakaupo sa tile na walang malay.

"Oh my ghad! Nisha!!!" Agad ko siyang nilapitan at nagsimula na akong magpanic! Hinawakan ko si Nisha at sinadal ko siya sa aking bisig. "Nisha!! Please wake up! Nisha! Jusko, dalhin natin siya sa clinic!"

Agad naman akong tinulungan ni Janitor2 para buhatin ang bata. Kahit sila ay nagtaka at nagulat na may bata sa loob ng cr.

Pagdating namin sa clinic ay agad sinabi sa akin ng nurse na hindi nakahinga sa loob ng cr si Nisha, mabuti nalang ay may emergency oxygen sila dito kaya magiging stable na ang paghinga ni Nisha.

Hindi ko tuloy maiwasan mapaluha sa sobrang pag-aalala. Hindi ko kasi alam ang gagawin ko kung may masamang mangyari sa batang 'to dahil anak 'to ni Leo at lalo na, napalapit na ang loob ng bata sa akin.

Agad tinawag ni Teacher Maxine ang parent ni Nisha upang sabihin ang nangyari. Sh*t! Siguradong lilipad kaagad dito si Leo kapag nalaman niya. Pero bago ko isipin si Leo, kailangan ko munang malaman ang lahat kung bakit nakulong sa cr si Nisha.



- - -

A/N: Sorry if 2Chaps lang UD ko kasi medyo busy na sa work.. ^^ Thanks for waiting, 'til next update! :)

#ChaTara08

You're My First and Only [TGKS#1]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon