Chapter 26 : On The Call

6.9K 141 0
                                    

- TANYA'S POV -

Sandaling sumulyap sa akin si Nisha at ngumiti. "My soon to be mommy..."


"What?" Gulat niya na tila hindi makaniwala.


Pumamewang ako at tinaasan ko siya ng kilay sabay ngiti ng nakakaasar. "Wala akong sinasabi, pero ang bata na mismo ang nagsabi. Pwede mo rin itanong kay Leo baka um-oo rin iyon."


Sumimangot naman siya sa akin at tila umuusok ang ilong niya sa galit.


"Sino ka ba?" Inis niyang tanong sa akin.


Nilahad ko naman ang kamay ko sa kaniya. "I am Tanya Celestine Ferrell, and you are?" Sabi ko at biglang nagbago ang facial expression niya.


"T-Tanya? You mean ikaw ang ex-lover ni Wesley noon?"


I nodded. "Yes. Why did you know that I'm his Ex-Lover? Alam mo bang nagkabalikan na kami ng Daddy niya ngayon?" Pagmamayabang kong sabi na ikinagulat ni Nisha.


Napailing-iling ang babaeng ito sa akin. "No! Hindi maaari! I came back here for our preparation wedding." Tumingin siya kay Nisha. "Baby, you're daddy is going to marry me this year, hindi niya ba nakwento sayo na nagpropose na siya sa akin bago kayo bumalik dito sa pilipinas?" Saka siya tumingin sa akin na sobrang talim.


Ako naman ay hindi makareact, hindi ko alam kung maniniwala ako o hindi. Para kasing gumagawa lang ito ng kwento.


"Hindi ko alam kung sino ka. Kahit yung bata tila hindi naniniwala sayo."


Tumayo ang babae ng maayos at taas-noong humarap sa akin. "Don't worry, I will prove it to you. I'll be back." She said then she flipped her hair to me.




- LEO'S POV -

After my appointment with my other new investors, my phone rang so I answered it.


"Hello?"


"How are you, Wesley?"


Napakunot-noo ako sa lalaking boses na nasa kabilang linya. "Who are you?"


"Ano ba 'yan! Nakalimutan mo na agad ako? Kumusta pamangkin ko?" Natatawang sabi niya.


Natigilan ako nang makilala ko na ang boses niya. Agad naman akong nilapitan ni Mr.Chan.


"What wrong?" Mahinang tanong ni Mr.Chan pero hindi ko siya sinagot.


Mas lalong napadiin ang hawak ko sa phone kasabay ng pag-igting ng aking panga. "Jeff Crawford.."


"Yeah! Its me! Gusto ko lang kamustahin ang pamangkin ko. So, how is she?"


Sumunod agad sa akin si Mr.Chan nang pumasok ako sa opisina ko. "She's fine with me. I know your planing to get my daughter, at subukan mo kong simulan, papatayin kita, Crawford!!" Galit kong pasigaw sa kabilang linya..


Napansin ko na may tinawagan si Mr.Chan sa kaniyang phone.


Humalakhak bigla ang nasa kabilang linya. "Hanggang ngayon ganiyan pa rin ang iniisip mo? Ipasyal mo naman si Nisha rito, namimiss na ng pinsan niya eh.."


"I'm not stupid to bring my daughter in your house again."


"Talaga? O sige, pero may taong gustong kumausap sayo. Saglit lang.."


Nanlaki ang mga mata ko sa narinig kong sumisigaw and his voice is so familiar. Biglang kumabog ang dibdib ko sa kaba. Sh*t!


"Leo! Leo! Let me---"


"Tito Benjz!!" Napasigaw ako when he shouted my name for help.


"Leo, ingatan mo si Tanya!!" Sigaw niya, kaya mas lalo akong napangiwi sa sinabi niya.


No.. Hindi nila pwedeng idamay dito si Tanya! Sh*t!!


Nawala na bigla ang boses ni Tito Benjz na tila ungol na lang na mahina ang marinig ko, saka bumalik ang boses ni Crawford sa telepono.


"Don't worry, hindi namin sasaktan si Mr.Fernandez but in one condition."


"Then tell me!" Naiinis na ko, gusto ko ng basagin ngayon ang bungo niya. Si Mr.Chan ay tahimik lang na nakatingin sa akin na mukhang nag-aalala na.


"I will never get your daughter from you if you're going to breaking up with Tanya again. So, you choose, I'll kill Tanya and his uncle in front of you, or you're going to marry Heirsly?"


Tila nagdilim ang paningin ko sa galit sa mga sinabi niya. "I swear, when I see you I'll gonna kill you, bastard!"


Hindi ko alam kung paano nasama rito si Heirsly. Pero kung kasabwat siya ay humanda rin ang babaeng iyon sa akin.


"Damay na kung damay, matakot ka kung bigla na lamang mawala anak mo tabi mo kung hindi ka susunod sa kondisyon ko. I'll give five days to decide, Wes. Haha!" Then he ended the call.


Mabigat kong binagsak ang mga kamay ko sa mesa at malakas kong hinampas ito ng kamay ko dahil sa sobrang galit.


"Leo, calm down. Tinawagan ko na si Aling Rusing na wag hahayaang lumabas ng bahay si Nisha. Your daughter is with Tanya right now. Sinabihan ko na rin ang mga security sa bahay na pag-igtingin pa ang pagbabantay." Siwalat niya sa akin.


"I need to do some something, hindi yung ganito. Hindi ko susundin ang kondisyon niya."


"But how Mr.Fernandez?"


Seryoso akong tumingin ulit kay Mr.Chan. "Ako ng bahala.."






#ChaTara08

You're My First and Only [TGKS#1]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon