Chapter 13 : Safety

7.4K 174 0
                                    

- TANYA'S POV -

Humagulgol lang ako buong gabi sa unit ko. Hindi maglalasing si Leo ng ganun at wala sanang mangyayari sa kanila ni Brynne, kung hindi lang naging ganun ang trato ko kay Leo noon. Nainis siya sa akin kaya feeling ko ay kasalanan ko na naman.

Biglang nagflashback ang mga pangyayari noon.

"Hello?" I said in the line, someone stranger calls me on the phone.

"Wow! You have a beautiful voice, Miss Tanya.."

Napakunot-noo naman ako. "Sino 'to?"

Humalakhak naman sa tawa ang lalaking nasa kabilang linya. "Really? You don't know me? Okay, my name is...rain. Hahaha!! Kidding!"

"Pwede ba? Wala akong panahon makipaglokohan sayo? Sino ka ba?"

Humahalakhak pa rin ang nasa kabilang linya at nakakaloko ang tawa niya. "Nakakapagtaka. Hindi pa pala ako pinapakilala ni Leo sa 'yo? I'm his frenemy, you know? Hahaha!!"

Frenemy?

"Kilala mo boyfriend ko?"

"Boyfriend? Oo, kilala ko ang walanghiya at gago mong boyfriend. Babalaan lang kita, masamang tao ang boyfriend mo. Sigurado akong hindi mo pa alam ang sikreto niya, pero kung ayaw mong madamay dito ay mas maiging makipaghiwalay ka na sa kaniya kung ayaw mong sumunod sa mga magulang mo."

Oh God! How does this man knows about my parents?!

"H-How did you know?!"

"Simple.. I'm stalking you. Haha! My brother likes you a lot, and he has a favor to me to stalk you. I already know about your background kaya wala ka ng takas."

Natahimik ako sa gulat. Kinilabutan pa ko because it sounds creepy. Goddanmit!

"Kung sino ka man, hindi ko gagawin ang gusto mo!"

"Okay fine. Desperado ka talagang sumunod sa mga magulang mo. Hahaha! Papatayin ka rin namin para maramdaman naman ni Leo ang sakit ng pagluluksa."

Then he ended the call.

Nanginig ang aking labi sa sobrang pangamba. Sa tatlong taon relasyon namin ni Leo ay tila hindi ko pa rin siya lubos na kilala, ni hindi ko alam na may mga sikreto siyang tinatago sa akin. Pero bakit kailangan niyang ilihim?

Napatakip ako ng tenga dahil feeling umecho ang sunud-sunod na putok ng baril noong nasa parking lot kami ni Uncle Benjz with her daughter Jean.

"Tanya! Jean! Yuko!!"

Napasigaw na lamang kami ni Jean dahil sa sobrang takot sa tunog ng baril at sa bawat pagtama nito sa aming sasakyan. Sandaling inangat ko ang aking tingin kay Uncle, and I was shocked when I saw him using a gun. I didn't know that he has a gun.

Mabilis siyang yumuko at nagtago kung saan kami ngayon ni Jean. Muli lang siyang tumayo nang wala na ang mga putok ng mga baril, samantalang kami ni Jean ay nanginginig pa rin sa takot.

Hindi alam ni Uncle kung sino ang mga lalaking iyon dahil nakasuot ng black mask ang mga iyon, pero pakiramdam niya raw ay kinalaman pa rin iyon sa pagkamatay ng aking mga magulang. Pero para sa akin, banta siguro iyon sa aking ng lalaking tumawag noong nakaraan.

Kaya dahil doon ay hindi ko na sinagot ang mga tawag ni Leo at naging malamig ang pakikitungo ko sa kaniya. Hindi ko masabi sa kaniya ang totoo dahil natatakot ako. Kahit labag sa kalooban ko ay kinailangan ko ng makipaghiwalay kay Leo, kaso naunahan na niya ko.

Ilang araw ang lumipas na malamig ang pakikitungo ko kay Nisha. Tatawagin ko lang siya kapag participation na, kaso natatakot siyang sumagot sa blackboard kapag hindi niya alam ang isasagot.

Next day, ganun pa rin ang routin ng pagtuturo ko. Huling nagpasa ng assignment sa akin si Nisha nang wala na ang mga kaklase niya dahil recess time na, pero hindi ko ineexpect na kakausapin niya ko.

"T-Teacher? I know you're still mad to my Daddy, but please give him another chance. I heard everything from Daddy and he explain everything to me. It hurts me when I heard that I'm just an accident. Pero kahit na ganun he still take care of me, and he said that I'm a blessing."

Ngumiti ako ng pilit sa kaniya. "Hindi kasi madali ang magpatawad lalo kapag masyado kang nasaktan."

"He just broke up with you because he just want your safety. I don't know what is he pointing out, pero sabi ni Daddy na masyado pa raw akong bata para unawain ang lahat. But I hope you can accept my daddy's apology."

Pagkatapos ay tumalikod na siya at lumabas na ng kwarto.

Napaisip ako.. Akala ko ba nakipaghiwalay sa akin si Leo dahil nabuntis niya si Brynne, tapos malalaman ko kay Nisha na Leo wants me to be safe.

May dahilan pa ba siya maliban sa aksidente nangyari sa kanila ni Brynne?

Isa pa ang hindi ko lubos na malaman. Paano namatay si Brynne?




#ChaTara08

You're My First and Only [TGKS#1]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon