Chapter 18 : The Way They Bully

7.2K 172 0
                                    

- TANYA'S POV -

Maggagabi nang bisitahin ako ni Uncle dito sa unit ko. Like what he said, we were going to talk. Heto ako ngayon nakahalukipkip habang nakapoker face akong nakaharap sa kawalan. Medyo naiinis pa ko kaya ayaw ko siyang lingunin.

"I came back here because I already got a news about the investigation to your parents death, Tanya, and I want to tell it to you."

Pinilit kong hindi lumingon sa kaniya. Hindi ko kasi alam kung ano mas matimbang ang dapat kong malaman. Ang tungkol sa pagimbistiga sa pagkamatay ng mga magulang ko o yung natuklasan niyang hindi maganda tungkol kay Rio?

Narinig ko siyang bumugtong-hininga. "I know masama ang loob mo sa akin dahil sa inasta ko sa boyfriend mo, pero hindi magiging ganun ang trato ko kung wala akong nalaman tungkol sa buhay niya. And if I tell to you, I don't know you're going to believe me. All I want is to stay away from that man. Nababahala ako na may gawin siyang masama sayo." Pagsisiwalat niya sa kung ano ang nararamdaman niya ngayon. He just thinking for my safety...for what?

Lumingon ako sa kaniya. "Why? Isa ba siya sa pumatay sa mga magulang ko?" Hindi ko na maitago ang inis sa aking tono.

"No, but..."

Padabog akong tumayo at pangiwi akong tumitig sa kaniya. "Ano ba talaga, uncle? Bakit di niyo na lang ako deretsuhin?"

"Fine! Fine! But please calm down yourself, I'll tell you everything.."

Before I sleep.. Umiyak na naman ako all night.. Hindi ko lang kasi matanggap ang mga sinabi ni Uncle tungkol sa nalaman niya kay Rio. Ayokong maniwala kasi mahal ko ang taong 'yon, at ayoko na pati siya dinadamay dito.

Kinabukasan. Absent si Nisha, nalaman ko na lang kay Teacher Maxine na nilagnat daw ang bata. Nag-alala tuloy ako, hindi ako sanay hindi makita ang presensya niya dito sa classroom. Pero sino naman kasi may kagagawan na ikulong siya sa cr? Tsk! Kids nowadays, marunong ng magsinungaling talaga.

After recess time.. Naglalakad ako dito sa pathway patungo sa grade2 classroom nang may pamilyar na dalawang batang babae ang nakita kong nag-uusap, hindi nila ako nakikita dahil nakatalikod sila sa akin pero dinig ko ang pinag-uusapan nila. Malinaw kasing nadinig kong binanggit nila ang pangalan ni Nisha.

"Paano kung malaman nila?"

"Hindi nila malalaman kung walang magsusumbong."

"Pati si Peter madadamay?"

"Oo. Sa kaniya tayo nagpatulong na ikulong si Nisha sa cr."

Sabay apir pa nilang dalawa. Tumikhim naman ako kaya dahan-dahan nila akong nilingon, and they gasped when they saw me habang masama ang tingin ko sa kanila.

"Well.. Kung ganun kayo pala. Follow me in Principal's Office now!" Mariin kong utos sa kanila.

Pagdating namin sa Principal's Office, sumunod namang dumating sina Teacher Maxine kasama si Peter na sigang estudyante sa kanilang klase.

Hindi ko na lang tatawagin si Leo, ako na lang kakausap sa mga batang nambully sa anak.

"Is that true that you bullied your classmate yesterday?" Panimulang tanong ni Madam Principal. Kaso hindi makasagot ang tatlong bata dahil sa takot.

"Amali, Joreen, Peter, sumagot kayo.." Sabi ni Teacher Maxine sa kanila. Adviser siya ng mga ito at hindi niya hahayaan ang ganitong pagbubully, ako naman ay para kay Nisha.

"Y-Yes, teacher.." Naalangang sagot ni Amali habang hawak kamay sila ni Joreen, si Peter naman ay nayuko lang at tahimik.

Napakunot-noo naman ako. Kung hindi ako nagkakamali, sila rin ang nambully kay Nisha noong una kaming nagkakilala.

"But why did you that? You know that bullying is not good? I need to talk to your parents today. Teacher Maxine, call their parents or guardian right now---"

"No!!" Pagpigil nila sa principal.

"Napag-utusan lang naman din po kami na i-bully si Nisha." Nakangusong sabi ni Joreen.

"Ano? At sino naman?" Tanong ko.

Nagkatinginan naman silang tatlo. "Our parents.." Sagot nila.

Nanlaki ang mga mata ko, sina Teacher Maxine at Madam Principal ay napasinghap sa gulat. Pero bakit?

"Our parents have a reason. They want us bully Nisha, so in that way nakakapaghiganti ang mga parents namin dahil inalis na ng Daddy ni Nisha ang mga Daddy namin in his investors list." Pasiwalat ni Amali.

Bahagya akong napanganga. Kung ganun, may kinalaman pa rin kina Leo?

Ang madam principal na ulit ang nagsalita. "Pero hindi pa rin tama iyon! Its a school policy that no bullying in this school. Its a business thing, hindi dapat nila kayo dinadamay sa ganito dahil ang babata niyo pa. Hindi nila dapat kayo inuutusan at tinuturuan ng masamang pag-uugali."

Hindi ko alam kung anong pag-uugali ang meron sa mga magulang nila, pero kailangan ko pa rin malaman kay Leo kung nga ba dahilan kung bakit niya inalis sa investors list ang mga magulang ng mga batang ito.

"Pero kahit na ganun hindi pa rin tama ang ginawa niyo. Kapag pumasok na si Nisha humingi kayo ng tawad, dahil sisiguraduhin ko na hindi niyo na siya mabubully ulit dahil ako na makakaharap niyo. Sasabihin ko na sa inyo ang totoo.." Sandali akong bumugtong-hininga. "Tita ako ni Nisha."

Nabigla naman sila, pero kunwari lang na sinabi iyon.. I just said that para hindi na nila i-bully ulit si Nisha. And I won't that happen again dahil minsan na rin akong nabully noong highschool.

And Leo is the one who saves me out when someone locked me inside the cr.






#ChaTara08

You're My First and Only [TGKS#1]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon