Chapter 33 : Last Wish

8.5K 174 7
                                    

- TANYA'S POV -

Okay na ang lahat, nakulong sina Jeff at Rio. Nalaman ng mga pulis na nagte-take ng drugs si Rio kaya ganun na lang ang pansin ko sa mga mata niyang medyo hindi normal. Si Uncle Benjz naman ay maayos na rin ang kalagayan dahil niligtas siya nila Raven at William kaya laking pasasalamat ko sa kanila, kaya napagdesisyunan na munang bumalik ni Uncle sa Singapore. Si William naman ay nakatanaw lang sa may maliit na bintana ng pinto kung saang kwarto ngayon binabantayan ni Leo ang kaniyang anak na si Nisha.

Pangalawang araw na namin dito sa ospital. Malungkot pa rin hanggang ngayon dahil hindi pa nagigising ang bata. Ngayong araw din malalaman ng doktor kung ano talaga ang tunay na sakit ni Nisha dahil sa over fatigue ito.

Sinamahan ko si Leo sa pagbabantay kay Nisha. Hinayaan ko namang matulog si Leo sa lap ko habang hawak niya ang kamay ng kaniyang anak. After an hour ay ginising ko si Leo dahil nakita kong gumalaw ang isang daliri ni Nisha, ako naman ay agad kong tinawag ang doktor.

"Mr.Monticello.." Mahinahong tawag ng doktor kay Leo.

"How's my daughter, doc?"

Ako naman ay hinaphaplos ko ang noo ni Nisha na tahimik lang at naghihintay din sa resulta. Bumugtong-hininga na muna ang doktor pagkatapos niyang binasa ang hawak niyang folder.

"Your daughter is need to diagnose, because your daughter is suffering now from leukemia that's why she's got fever, fatigue, and nosebleeding." Siwalat ng doktor. "Mukhang namana niya ito kaniyang ina, hindi ba't iyon ang ikinamatay ng misis mo?"

Natulala ako sa sinabi ng doktor, at napansin ko ang biglang pamumutla ni Leo na kahit siya ay tila hindi makapaniwala sa sinabi nito sa kaniya.

"P-Please, tell me you're just kidding, right?" Nauutal niyang sabi.

"Leo, this is a serious matter, bakit ako magbibiro? Huling packeck up ko sa anak mo four years ago and the last I checked her ay maayos ang kundisyon niya. At ngayong lumabas na ang sintomas ng leukemia, she needs to undergo physical tests."

Hindi ko alam, pero bigla ko na lang hinalikan ang noo ni Nisha, at tuluyang bumagsak ang luha ko nang makita kong umagos sa gilid ng mata ni Nisha ang kaniyang luha. Sigurado ako na mas masakit kay Leo na matanggap ang kaniyang mga narinig.

Lumipas ulit ang ilang araw, nagresign na ko sa pagiging teacher dahil mas kailangan kong pagtuunan ng pansin at alagaan si Nisha kapag wala si Leo. Araw-araw kong pinaparamdam kay Nisha na inaalagaan ko siya na parang tunay kong anak at napapangiti ako kapag tinatawag niya kong mommy.

Sa di ko alam ang kadahilanan ay bigla na lang akong nahihilo, at kapag nakakaamoy ako ng malansang amoy ay nasusuka ako kaya iniiwasan kong magluto ng isda.

"Mommy, are you okay?" Matamlay niyang tanong sa akin, nginitian ko naman siya para hindi siya mag-alala.

"Don't worry about me, I'm okay.. Mamaya pala bibisita sina Crystal, Symone at Liam."

Pilit niyang pinalawak ang kaniyang ngiti. "Really? I can't wait to see them, and I missed them so much.."

Pinagmasdan ko ang maputlang niyang mukha. Sinabi ni Leo na kung kinakailangan niyang doblehin ang pambayad ng operasyon na gagawin kay Nisha ay gagawin niya gumaling lang ang anak niya.

Hindi ko alam na nakatulog ako at sa paggising ko ay nasa couch na ko nakahiga. Napabalikwas ako nang makita ko si Leo nakaupo sa tabi ko.

"I'm sorry, I know your feel tired so I put you here." He said.

Bahagya naman akong napangiti. "Ayos lang ako." Habang tulog si Nisha ay ako ang inasikaso ni Leo. "Bakit ako? Hindi naman ako pasyente. Doon ka lang sa tabi ni Nisha at baka bigla kang hanapin---Leo, hmmp!!" Napapikit ako nang dampian niya ko ng maraming halik sa buong mukha ko.

"I just missed you."

Haaay~ hindi na ko nagsalita at bigla ko na lang siyang niyakap. Alam ko na kahit ganito siya ay tinatago niya ang kaniyang nararamdaman at kahinaan. Pero natahimik ako nang marinig ko ang mahinang hikbi niya habang yakap niya ko ng mahigpit. Napakagat ko ang aking labi upang mapigilan ang aking emosyon kaya hinilod ko na lamang ang kaniyang likod.

"Don't worry, everything's will be fine. I know Nisha can survive this. Tiwala lang. Mahal ko rin ang anak mo at tulad mo, hindi ko rin kayang mawala siya dahil napamahal na ako sa anak mo. Handa kong maging mommy sa kaniya."

"Thank you.. Thank you that you're here. I love you both and you two are my everything that I can't ever lose."

After Nisha's chemotherapy. She said that she have a wish that she wanted to be grand, kaya naman hindi na kami nagdalawang isip ni Leo na tuparin ang simpleng hiling niya. Ang makapanuod ng dolphin show na gustong-gusto niya at magbonding bilang isang buong pamilya.

Kahit matalay siya ay pinilit niyang maging masigla dahil sa saya at tuwa ng makapanuod siya ng dolphin show dito sa Ocean Adventure, mas natuwa ang bata nang first time niyang makakita ng Seahorse.

Then we stayed in one of the beach resort here in subic, dahil dito namin planong magpicnic.

In-Enjoy ko ang pagiging hands-on mommy kay Nisha. Nakaupo kami ngayon sa sand habang nakasandal siya sa akin, ang daddy niya kasi ay may kinuha saglit sa cottage.

"Baby, I have something to tell you.. Pero secret muna, okay? Hindi pa alam ng daddy mo 'to.."

"Hmm.. What is it po, Mommy?"

"I'm...pregnant."

Hindi niya magawang magreact at pero marahan niyang hinaplos ang aking tiyan. "How I wish I can see my little sister or brother before I'm gone.."

"No, don't say that. Gagaling ka pa at maabutan pa ang kapatid mo."

Umangat ang tingin niya sa akin at lumuha. "It will never happen, but I'm happy that you said it to me and I know daddy will love you more."

Agad kong pinunasan ang kaniyang luha dahil parating na si Leo at ganun din ako. Nakangiting lumapit si Leo sa amin habang may dalang camera.

"C'mon, let's have a family picture, baby.." He said then kinandong niya si Nisha sa kaniyang lap, and we smiled when he front the camera on us.

We decide to walk on the beach while his daughter is in his back. Habang ako ay nakasunod sa kanila at habang pinagmamasdan ko sila ay hindi ko maiwasang mapaluha lalo na kapag naalala ko na may taning na ang buhay ni Nisha.

Bakit ba nangyayari ang ganito?

"Daddy.."

"Yes, baby?"

"I love you.."

"I..I love you more and more, baby, always remember that."

"I'm so lucky to have you, daddy.."

"Me, too. You are my best blessing I received. A beautiful and a loving daughter. I'm so happy you came into my life, my princess. Hindi ko kakayanin namawala ka, anak.."

Bigla naman akong napatakbo sa kanilang harapan. "Wait! Let me take you a picture." Sabi ko at bahagya akong napangiti kahit alam kong lumalabo na ang mga mata ko dahil sa nagbabadya kong luha. "Okay, smile..baby."

Kasabay ng paglubog ng araw, ay tuluyuan ng namaalam sa amin si Nisha that makes our hearts break.



- - -

I'm sorry... T_T this will be the last chapter. Epilogue next!

#ChaTara08

You're My First and Only [TGKS#1]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon