- TANYA'S POV -
Pagkatapos kong ayusin ang gamit ko dito sa faculty room ay bigla akong napalingon sa labas ng bintana dahil biglang bumuhos ang malakas na ulan.
"Naku.. Umuulan.." Napabalik ang tingin ko sa bag ko at hinalungkat ko sa loob kung may folded umbrella ba akong nadala and I sighed in relief. "Mabuti naman."
Nagpaalam na ko sa mga co-teachers ko na mauuna ko sa kanila sa pag-uwi. Paglabas ko ay naglakad na ko sa hallway, ngunit sandali akong huminto sa paglalakad nang makita ko si Nisha na nakatayo lang at mukhang hinihintay na tumila ang ulan.
Napakagat ko ang ibabang labi ko dahil sa inasta ko sa kaniya. Hindi ko naman sinasadya 'yon, bad trip lang kasi ako at nagwoworried na rin kay Rio dahil sa pagiging seloso niya. Tsk!
Humugot ako ng hininga.. I need to apologize to this kid. Mababa na naman ang nakuha niya sa seatwork kanina, wala ba talagang time na turuan siya ni Daddy niya?
Papalapit na ko nang tawagin ko ang pangalan niya. "Nisha?" Agad naman siyang lumingon sa akin saka ko siya nginitian. "Dapat kanina ka pa nakauwi, ah?"
"Wala pa po si Mr.Chan, eh.." Matamlay niyang sabi, pero sa tingin ko ay naiilang siya dahil sa nangyari kanina. Haaay~ I feel so guilty tuloy.
Pero tama bang narinig ko? Mr.Chan?
Bigla kong naalala noong highschool, may naghahatid-sundo kina Leo at William noon. Noong kami na ay pinakilala niya ko sa isang half Chinese na mukhang nasa Mid'30s pa noon, si Mr.Chan na personal Butler—slash—secretary nila. So ngayon, si Nisha na ang naghahatid-sundo ngayon ni Mr.Chan? Nice..
Bigla kong naalala na may hawak pala akong folded umbrella. "G-Gusto mo hintayin natin sa may waiting shed ang sundo mo?"
Ilang segundo niya kong tinitigan habang nakanguso siya, ang cute lang niya talaga. "Hindi na po kayo galit?"
"H-Huh?" Sandali akong natawa, at saka ako umiling-iling. "No and I'm sorry hindi ko sinasadya 'yun. Medyo nawoworried lang kasi ako sa boyfriend ko, syempre kalasanan ko kaya I feel so guilty."
"May boyfriend na po pala kayo?"
Napakamot ako sa aking ulo. "Ehehe.. O-Oo.. So okay na tayo?"
Ngumiti naman siya agad sa akin sabay tango niya. "Yes po, Teacher.."
"Ano? Gusto mo doon tayo sa waiting shed?"
Tumango ulit siya kaya binuksan ko na ang payong ko. Maingat ko siyang inakbayan para hindi siya mabasa ng ulan. Medyo nababasa na ang kaliwang balikat ko pero ayos lang, wag lang ang bata ang basa.
Sinabi ko sa school guard na doon na lamang kami maghihintay sa waiting shed, kaso nagulat kami nang marami na palang nagsisiksikan doong mga tao. Bumaba ang tingin ko kay Nisha.
"Mukhang dito na lang tayo, but don't worry hindi naman kita iiwan hangga't wala pa ang sundo mo." Sabi ko sabay ngiti ko sa kaniya.
"Okay po, thank you, teacher!" Malambing niyang sabi pero bigla nagulat nang yakapin niya ako ng mahigpit. Hala!
Napansin ko na may mabilis na kotse ang paparating. "Nisha sa tabi tayo--Ayy!!"
Walang hiyang kotse! Tinalsikan ang ako ng putik! Bakit kasi may putik sa tabi namin?! Argh!
"T-Teacher, naputikan po!"
Oo grabe sa likod pa ng miniskirt ko. Argh!!
"O-Okay lang yan, kesa naman ikaw ang maputikan."
Napatalon naman ako sa gulat nang may bumisina sa likuran ko kaya napalingon ako. At natulala ako nang makita ko kung sino ang nasa driver seat, its Leo.
Damn! Akala ko ba si Mr.Chan?
"Daddy!!" Masayang tawag ni Nisha.
Agad akong tumalikod upang humarap doon sa sasakyan at para hindi niya makita ang putikan kong miniskirt. Grr!
"Get in!" Sigaw ni Leo mula sa loob. Pinayungan ko naman si Nisha papunta sa sasakyan, agad namang binuksan ni Nisha ang pinto ng front seat at agad siyang nakasakay sa loob.
"Sige mauna na kayo--"
"Sumabay ka na! Lumalakas na ang ulan."
Nakababa kasi ang window sa tabi ni Nisha kaya doon kami nag-uusap.
"Sige na po, Teacher.." Pagpipilit din ni Nisha sa akin.
Haay~ nako! Kung hindi lang ako giniginaw ngayon ay mag-aabang pa rin ako ng taxi dito. Kaso iniisip ko yung putikang miniskirt ko.
"O sige na! Sasabay na ko." Sabi ko at agad ko ng binuksan ang back seat.
Ilang minutong nakalipas, tahimik lang ako habang nag-uusap ang mag-ama na nasa harapan. Pansin ko ang pagiging malambing ni Nisha kung paano niya kausapin si Leo. Mukhang hindi niya pinaliking spoiled ang bata.
Tumikhim ako kaya napabaling agad ang tingin sa akin ni Nisha.
"Ahm.." Paano ko ba tatawagin ng pormal si Leo? Mr.Montecillo ba? Haay~ Di ako sanay. "M-Mr.Monticello, hindi to ang daan patungong unit ko?"
Pansin ko kasi na iba na ang dinaraanan namin.
"I know but there's a flood in the intersection, hindi pwede ang kotse ko roon." Aniya na habang tutok lang siya sa pagdadrive.
Napakunot-noo naman ako. Hindi ko alam yun, ah? How come there's a flood? "Edi magbubus na lang ako--"
"Stay in our house first, I just wanna talk to you about Nisha."
Ahh.. Ganun? Napa-irap tuloy ako. "Bakit hindi na lang natin ngayon pag-usapan, then ibaba mo na ko malapit sa sakayan ng bus, siguro naman makakadaan ang bus sa baha." Sarkatiskong sabi.
Napansin ko naman ang ngisi niya kahit hindi tumitingin sa akin.
"Why are you talking to me so bitter, Tanya?"
Natigilan naman ako at natahimik. Masyado bang obvious? Gusto niya bang mabara?
"FYI! Hindi ako magiging bitter kung kausap ko ang ex kong--nevermind.."
Ayoko ng makipagtalo. Pero naalala ko naman kung paano niya ko hiwalayin noon.
Ang sakit pa rin pala..
#ChaTara08
BINABASA MO ANG
You're My First and Only [TGKS#1]
Narrativa generaleLeo has a nine years old daughter named Nisha. And Nisha have a teacher named Tanya. But what if malaman ni Leo na ang teacher ng anak niya ay kaniyang Ex Girlfriend niya noong highschool. Manunumbalik pa kaya ang pagtitinginan nilang dalawa?