- TANYA'S POV -
Palihim ko silang sinundan sa living room dahil doon sila nag-uusap mag-ina, pero hindi ko inaasahan na maririnig ko rin ang pag-uusapan nilang dalawa.
"Ang kapatid mo ang maghahatid sa akin sa airport bukas."
"Yeah.. He already told me."
"Hindi ko alam na hindi mo pa pala sinabi kay Tanya ang tungkol kay Brynne. Pero sana magkaayos ulit kayo."
Ngumisi naman si Leo. "I don't know if she can accept my apology. Okay na ang ganito na binibisita niya anak ko, masaya na ko ro'n dahil masaya rin ang anak ko sa kaniya."
Bumugtong hininga naman si Tita Maricel. "Eh hindi mo naman siya masisisi, pero sana may tamang panahon na mapatawad ka niya kasi nasaktan mo siya, anak."
Hinawi ko ang natitirang buhok ko at nilagay ko sa likod ng tenga ko. Nagiging chismosa na ko. Siguro nga may right time na mapapatawad ko si Leo, pero kailan? Kapag nalaman ko na ang isang nililihim niya sa akin? Kailan naman kaya niya sasabihin para maunawaan ko upang maging dahilan para mapatawad ko siya.
"Yeah. Yun lang naman ang gusto ko."
"But Nisha deserve to have a new mom.."
Napakunot-noo naman si Leo sa ina. "Sino naman?"
"Si Tanya.." Deretsyong sagot agad ni Tita Maricel na ikinagulat ko rin.
"Mom! Tanya have a boyfriend already. Hindi pa nga kami nagkakaayos, ganiyan na agad sinasabi niyo. Kahit sabihin kong mahal ko pa siya, hindi naman ako umaasa na magkakabalikan pa kaming dalawa. Malabo ng mangyari 'yon." Sabi niya habang nakapamewang siya, dahil doon ay pansin ko agad ang pagflex ng muscle niya sa likod fit ang suot niyang polo.
Pero tama bang narinig ko? Mahal niya pa rin ako?
Napalunok ako dahil naramdaman ko ang paghuhuramentado ng puso ko.
Napailing-iling na lamang si Tita Maricel, sandaling napahilot sa kaniyang sentido. "Puntahan ko muna ang apo ko para makapagpaalam na."
Nang makaalis na si Tita Maricel dito sa bahay nila Leo ay nilingon ko siya. "Gising na si Nisha?"
Tumango siya. "Yeah. She just watching TV in her room." Bored niyang sagot sa akin. Tatalikod na sana siya nang agad ko siyang pinigilan, kaya napalingon siya sa akin.
"Teka! May sasabihin ako tungkol sa mga nambully sa anak mo." Sabi ko at naging seryoso na ang mukha niya.
"Who are they?"
"They are the daughters of Mr.Tom Getonzo and Mr.Robin Yu.." Sabi ko. Si Peter ay nadamay lang dahil sa kaniya nagpatulong ang dalawang batang babae na ikulong si Nisha sa cr.
Mas lalong kumunot ang kaniyang noo. "What?!"
"Inutusan daw sila ng mga magulang nila i-bully ang anak mo dahil sayo ay pinatalsik mo raw ang mga tatay nila sa kumpanya mo. Totoo ba yun?"
Umiwas siya ng tingin at sinundan ko siyang naglakad papunta sa veranda. "It's true.. They are under the surveillance. I was wondering before where my files of confidential documents are going, then I discover them actually selling it into rival companies, so I fired them. They are no longer part of my company and I was about to take back they're 15% share to my company nang bigla mong sinabi na sila ang dahilan kaya nabubully ang anak ko. Ngayon nila ako subukan, hindi ko ibabalik sa kanila ang shares dahil sa ginawa nila sa anak ko." Lumingon siya sa akin at hinawakan ang balikat ko. "So, thanks to you."
He just smiled a bit, habang ako ay hindi makagalaw.
"Pero hindi tama na dinadamay ang mga bata rito, diba?"
"Yes. Nasa batas ang bully, and I will file a case because of what they did to my daughter. Hindi sa mga anak nila, kundi silang magulang ang malalagot sa akin."
Kita ko sa mga mata ni Leo na seryosong-seryoso siya gawin ang bagay na iyon. Lahat gagawin niya para sa kaniyang anak. Kung dati ay ako ang pinagtatanggol at pinoprotektahan niya, ngayon ay anak na niya. Sabagay, ganun siguro ang pakiramdam kapag magulang ka na.
Bahagya akong napangiti dahil may naalala ako noong kami pa.
"Why are you smiling?"
Umiling ako. "Wala. Iniisip ko kung gaano ka swerte si Nisha sayo."
Ngumisi naman siya. "No. I'm the the one who is lucky here because Nisha is my big blessing to me. Iba na talaga kapag may anak na. You gonna feel what I am feeling right now kapag may nagkaanak ka na."
Napaiwas ako ng tingin sa kaniya at bahagyang napatango pero bumalik din ang tingin ko sa kaniya. "Pero minahal mo rin ba noon si Brynne?"
Ewan ko kung bakit ganun na lang ang lumabas sa bibig ko.
Bumugtong hininga siya at tumango. "Oo. Pinilit kong mahalin siya hindi dahil sa batang dinadala niya, kundi dahil gusto na rin kitang kalimutan noon." This time, hinawakan na niya ang magkabilang braso ko at mas lumapit pa siya sa akin dahilan para maramdaman ko ang kaniyang hininga kaya nanigas ako sa aking kinatatayuna. He became closer and closer to me, and the way he stares at me, pakiramdam ko ay matutunaw ako. Sh*t! Kumakabog ang dibdib ko. "But unfortunately, you're still my first and only I couldn't forget..here." Turo niya sa kaniyang left chest where his heart is.
Papalapit ang mukha niya sa akin at parang naduduling na ko. Hahalikan niya ba ako? Sh*t! Inches na lang mahahalikan na niya ko nang bigla kaming nagulat ng tumunog ang phone ko. At mukhang ngayon lang natauhan si Leo.
"Sorry.." Sabi niya.
Hindi kaagad ako nakapagsalita nang hinugot ko sa bulsa ng miniskirt ko ang phone ko. At nanlaki ang mata ko kung sino ang tumatawag.
Si Rio!
#ChaTara08
BINABASA MO ANG
You're My First and Only [TGKS#1]
Tiểu Thuyết ChungLeo has a nine years old daughter named Nisha. And Nisha have a teacher named Tanya. But what if malaman ni Leo na ang teacher ng anak niya ay kaniyang Ex Girlfriend niya noong highschool. Manunumbalik pa kaya ang pagtitinginan nilang dalawa?