- TANYA'S POV -
Katatapos ko lang sa Math subject, at heto na naman ako papasok ulit sa Grade3 bilang substitute teacher nila ng PE. Haaay~ Hindi ko expect to, ah? Medyo puyat pa ako, pero keri ko pa naman.
Sandali ko munang kinalimutan ang mga nangyari kagabi, lalo na sa pagligtas at sa paghatid akin ni Leo sa akin. Hindi na bago sa akin kung paano siya sumuntok, dahil noong hindi pa kami magkarelasyon ni Leo ay madalas ko na siyang nakikitang napapaaway sa school. Feeling ko tuloy na grupo sila ng gangster pero hindi naman daw.
"Hi!" Magiliw kong bati sa kanila kaya nagulat sila at nagtaka kung bakit ako bumalik. Pumasok na ko at kita ko na mukhang excited na silang mag-PE suot ang kanilang PE uniform. "Absent ang Teacher Ann niyo kaya ako na muna papalit sa kaniya, ayos lang ba?"
"Yes, Teacher!!"
"Okay. Thank you.. Sinabi na ni Teacher Ann about sa activities kaya ready na ba kayong mag-PE sa labas?"
"Yes!!" Naghiyawan naman sila with matching talon-talon pa dahil sa excite.
Nag-fall in line na muna sila paglabas ng classroom, nakapila silang naglakad papunta sa covered court. This will be there last subject.
Una kong pinagawa sa kanila ang basic na stretching. "Ayan! Very good!". Napatingin ako kay Nisha na masaya ng nakikipaghalubilo kina Crystal at Syrone.
At nang matapos na ang activity ay natigilan ako ng makita ko si Nisha tumakbo palayo kina Crystal.
"Daddy kooo!!" Sigaw niya sa lalaking nakatayo sa labas ng covered court. At tila natulala ako nang makilala ko kung sino ang tinawag niyang daddy. Saka siya kinarga nito.
Oh...my...ghad! Is this real o nahahallucinate lang ako?
"L-Leo?"
Anak niya si Nisha?!
Sinabihan ko na ang mga bata na pwede na silang umuwi kaya nagsitakbuhan na sila palabas ng covered court. Tila gusto kong umakbang paatras pero hindi ko magawa, mukhang napako ang aking mga paa. Naglalakad na si Leo papalapit sa akin habang karga niya pa rin si Nisha sa kaniyang mga bisig.
Muling humurentado ang puso ko sa kaba na hindi ko maintindihan. At nangmakalapit na sila ay nakatitig lang ako ng diretsyo kay Leo.
How come na nagkaroon siya ng nine year old daughter? Adopted niya ba? Kaso parang hindi, magkatulad sila ng mata ni Nisha na kulay chestnut brown.
"Teacher, he's my Daddy. Daddy, she's my Teacher Tanya. She's my favorite teacher!" Masayang sabi ni Nisha sa amin.
"Hi.."
Napalunok ako nang batiin ako nila Leo, tila hindi rin siya makapaniwala na teacher ako ng...anak niya.
"H-Hello.." Nautal kong sabi at bumaba ang tingin sa kaniyang kamay. I don't have choice kaya nakipagshakehands ako sa kaniya. Muli ko ulit siyang tinignan at pilit na ngumiti sa kaniya. "Nice to meet you." Naaalangan kong sabi. Napansin ko ang higpit ng pagkakahawak niya sa kamay ko na para bang ayaw niyang bitawan.
"Oh! Sorry.." Agad niyang bitaw sa kamay ko.
"Ahm, I think I should go back now to the faculty room. Bye, Nisha.."
"Bye, Teacher!" She waves at me kaya nginitian ko lang siya at tumalikod na ko.
May isa pa akong napansin kay Nisha, kaya bigla akong huminto sa paglalakad at muli ko silang nilingon. Naglalakad na rin sila palabas ng covered court, nakita ko pa kung paano mabilis na hinalikan ni Nisha ang Daddy niya sa pisngi nito.
Bakit ganun? Bakit ngayon ko lang napansin na may hawig si Nisha kay Davina Brynne?
Jusko! Naguguluhan na ako, curiosity kills me right now.
Maghapon lang akong nasa unit habang tulalang nakatutok sa TV. Hindi ko alam kung nanunuod ba ko o sadyang lutang lang isip ko? Hindi kasi sila maalis sa isip ko..sina Nisha at Leo.
"Baka naman adopted lang si Nisha?" Tanong ko sa sarili ko.
Lumipas ang isang linggo. As usual, patuloy pa rin ako sa pagtuturo ng math hindi na rin ako substitute. Pero napansin ko na mahina si Nisha sa Math siya lang kasi mababa sa Quiz last friday at minsan din kapag may seatworks.
Pasimple ko siyang sinulyapan, masaya silang nagcocolor ni Crystal sa iisang book. Anak siya ni Leo, pero hindi niya namana ang katalinuhan ng Daddy niya pagdating sa Math?
Recess time, I got a chance to talk with Nisha kaya masaya siyang lumapit sa akin. Natutuwa naman ako dahil favorite teacher niya raw ako.
"Nisha? Can I ask you, mahina ka ba sa math?"
Biglang napawi ang ngiti niya, saka siya tumango. "Opo.." Nakanguso niyang sabi.
"Hmm.. I see. Wala bang nagtututor sayo?"
Umiling siya. "Wala po."
"Ang daddy mo?" Matalino si Leo, bat di ka niya turuan?
"Nahihiya po ako. Sometimes he's busy and tired from work so that's why I don't want him to be disturb."
Bahagya akong napatango. "Ganun ba? How about your mommy?"
Bigla siyang natahimik, pero di rin nagtagal ay nagsalita rin siya.
"I...I don't have mommy."
"Wala kang mommy?" Pagtataka ko.
"She's gone.."
Napakunot-noo ako. Hindi ko siya gets. Anong ibig niyang sabihin doon?
"Ahm.. I'm sorry, medyo personal na yata."
"Nope. Its okay.. Pero why are you acting na hindi mo po kilala si Daddy ko?"
Natigilan naman ako. Siya naman ngayon ang nagtatanong sa akin. Teka? Paano niya nalaman iyon?
"I don't get you.."
Tapos, may kung ano siyang kinuha sa bulsa ng uniform niya, saka niya pinakita sa akin. At napasinghap ako sa gulat na ako ang nasa picture noong nasa senior high pa ko. OH MY GHAD!
Agad kong kinuha sa kaniya ang picture ko at tinitigan ng mariin ito. Bumalik ang tingin ko sa bata. "W-Where did you get this?"
Bigla siyang ngumiti. "At my Daddy's Cabinet, I accidentally saw it there. So, are you my Daddy's First Love?" She asked sabay beautiful eyes niya pa sa akin.
#ChaTara08
BINABASA MO ANG
You're My First and Only [TGKS#1]
Aktuelle LiteraturLeo has a nine years old daughter named Nisha. And Nisha have a teacher named Tanya. But what if malaman ni Leo na ang teacher ng anak niya ay kaniyang Ex Girlfriend niya noong highschool. Manunumbalik pa kaya ang pagtitinginan nilang dalawa?