Chapter 15 : Panira ng Moment

7.1K 159 0
                                    

- TANYA'S POV -

Halos magtatalon ako sa tuwa nang mayakap ko ang aking miss na miss na boyfriend. Huhu! Ang tagal niya ring nagtampo sa akin.

"Sorry, bati na tayo! Pinakilala na kita kay Uncle at next time na magvideo call kami dapat kasama ka na upang makilatis ka niya daw. Hehe! But don't be scared, my uncle is kind. I know he can accept you." Sabi ko sa kaniya na ngiti sa labi.

Bumugtong-hininga naman siya habang nakayap pa rin sa akin. "Okay. Sorry din sa inasta ko. Nabigla kasi ako nadala ako sa selos."

"I know that's why I want to say sorry to you. Babawi ako, gusto mo ipagluto kita?"

"Really? So what are you going to cook for me?"

Sandali akong napaisip. "Secret! Pero sisiguraduhin ko na masasarapan ka."

Bigla naman siyang ngumisi. "Hmm.. Pwedeng ikaw na lang?"

Naningkit ang mga mata ko sa kaniya. "Pervert!" Sabi ko kaya natawa siya. "Just wait for me there."

Habang nagluluto ako ay nalalanghap ko na ang mabangong amoy ng pasta. Napatalon naman ako sa gulat nang may yumakap mula sa aking likuran, at paglingon ko ay sandaling dinampian ni Rio ang aking balikat.

"I can't wait for you to be my wife.." He said husky.

Natawa naman ako. "Darating din tayo diyan, okay?"

"Yes I know and I love you, Future Mrs.Javier.."

Napangiti ako ng malapad dahil sa kilig. Yiie ~ "I love--"

Pareho kaming natigilan nang magbuzzer ulit ang doorbell ko. Nagtaka naman ako kung sino iyon.

"Are you expecting for visitor?" Tanong niya.

Umiling ako. "Wala naman, Bebelabs. Wait lang, ah! Titignan ko kung sino iyon."

Haist! Istorbo ah! Alam na nagmomoment kami ni Bebelabs, eh! Pinindot ko agad ang intercom at napasinghap ako sa gulat kung sino ang lumitaw sa screen, kaya madali kong binuksan ang pinto.

"Uncle?!"

Bigla siyang tumawa. "Hahaha!! Surprise!!!" Then agad niya akong sinalubong ng yakap, tapos kumalas din siya agad sa akin pero kunot-noo na siya ngayon na nakatingin sa likuran. "Why are you with this man here in your unit, Tanya?" Nagulat ako dahil sa pagalit niyang tanong sa akin.

Paglingon ko sa aking likuran ay nandoon si Rio.

"Good Evening po, Sir--"

"Stay away from my niece!" Pasigaw niyang sabi kay Rio while he's pointing his finger to my boyfriend.

"Uncle, bakit ganiyan kayo makapagsalita kay Rio? He's my boyfriend."

Inis na lumingon sa akin si Uncle Benjz. "I know! I already investigated his personal background because I want you to be safe. And I knew about him, that's why I don't like him for you, Tanya! Nagbago na isip ko!"

Hindi ako nakapaniwala na sinasabi niya ang mga ganitong bagay sa boyfriend ko.

"Ano bang nalaman niyo sa kaniya? Why don't you tell? And why I need to stay away from him?" Inis kong tanong na halos papalit-palit na ang tingin ko sa kanila.

Biglang nagsalita si Rio. "Why did you investigated my personal background? Are you thinking na sasaktan ko ang pamangkin niyo? I won't do that, sir, because I love your niece..so much!"

Kita ko ang sinsiridad sa mga mata ni Rio na nagsasabi siya ng totoo.

Napailing-iling si Uncle sa kaniya. I don't know why is he thinking that Rio might hurt me. Kilala ko na si Rio, and he's not like that. He won't hurt me because he loves me, siya na nagsabi, eh!

"Siguraduhin mo lang, Rio Javier! But once na may malaman ako na ikapapahamak ng pamangkin ko, I swear hindi lang ako papatay sayo." Natigilan kami ni Rio, then Uncle looked at me. "Hindi maganda ang pagsurpresa ko sayo, dahil ako ang nasurpresa. I'll be back tomorrow afternoon because I want to talk to you."

Tumalikod na siya sa amin at lumabas na siya sa unit ko. Napalingon naman ako kay Rio na nakakunot-noo na ngayon.

"Alam mo? Dahil diyan sa uncle mo kaya tayo nag-aaway, eh! Una dun sa pagbanggit niya sa ex mo, tapos sa pangingialam sa buhay na may buhay! Personal kong buhay pinaimbestiga niya? T@ng*na!"

"Rio, please.." Akmang lalayas na rin siya nang bigla ko rin siyang pinigilan.

"Ano? Kakampi ka don sa uncle mo? Panira siya ng gabi!" Iritado niyang sabi sabay tabig sa kamay ko at tuluyan na siyang lumabas ng unit ko.

Unti-unti akong napayuko at tuluyan ng tumulo ang luha ko. Kaaayos lang namin ni Rio, tapos ganito na naman. Pero bakit naman ganun si Uncle Benjz kay Rio? Akala ko ba okay na? Bakit biglang nag-iba ang timpla niya.

Ano bang natuklasan niya kay Rio na hindi niya nagustuhan?






#ChaTara08

You're My First and Only [TGKS#1]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon