Chapter 12 : Real Reason

7.6K 183 1
                                    

- TANYA'S POV -

Napanganga naman ako nang makarating na kami malaking bahay nila with many bodyguards pa all around. Sila lang bang mag-ama ang nakatira rito?

"Teacher, welcome to our home!" Masiglang sabi ni Nisha sa akin kaya napangiti ako ng pilit sa kaniya.

Hindi ako makatingin kay Leo, natigilan kasi siya pagkatapos kong banggitin ang hiwalayan naming dalawa noon. Well, wala na kong pakealam kung ano man ang naramdaman niya sa sinabi ko.

"Aling Rusing, pakibihisan muna si Nisha sa kwarto niya." Rinig kong utos Leo sa isang Ale na itsurang nasa mid'40's na.

"Sige po, sir. Nisha, halika na.." Sabi ng katulong agad kinuha ang bag ni Nisha na nasa likod nito, at masunuring sumunod naman ang bata sa kaniya.

Sinundan ko lang sila ng tingin paakyat sa mahabang hagdan. Maganda ang bahay nila, malaki at moderno ang dating lalo na ang dating ng kulay na kayumanggi. Ang mga furniture ay mga classic na pangmayaman talaga.

"Tanya.." Mahinahon niyang tawag sa akin pero pilit pa rin wag pansinin siya. "I think you need to change your clothes first, then ipa-laundry na lang kay Aling Rusing yang uniform mo."

Hindi ko alam ang isasagot ko dahil nagdadalawang isip pa ko.

"Hindi.. Konting punas lang 'to maalis na." Sabi ko na lang. Saka hindi naman ako magtatagal dito, aalis agad ako kapag tumila na ang ulan.

In the end ay hindi ko na rin kinaya kaya tumingin na ako sa kaniya. Maybe this is now the right time to know everything about Nisha, kung anak niya ba talaga o adopted lang.

"Leo, adopted mo ba si Nisha?" Tanong ko at mukhang nabigla siya. "Naguguluhan kasi ako at curious na rin. So how come na nagkaroon ka ng nine years old na anak? Hindi ba ten years ago lang tayo naghiwalay?"

Hindi ko alam kung bakit kinakabahan ako ng ganito. Seryoso lang naman siyang nakatitig sa akin, pagkatapos ay hinawakan niya ang magkabila kong braso.

"I think this is now the right time to tell you my real reason why I breaking up with you."

"A-Ano?"

Real reason? Anong ibig niyang sabihin doon?

Ramdam ko agad ang paghuhurumentado ng puso ko. Jusko!

Hinawakan niya ang wrist ko at hinila niya ko kung saan. Deretsyo lang kami hanggang sa pumasok kami sa isang silid, napagtanto ko na isa itong office room. Binitawan na niya, nagtungo siya sa mesa may isang drawer siyang binuksan roon, at inabot niya sa akin ang isang brown envelope.

"Read it first before I explain to you everything." Aniya.

Napalunok naman ako at dahan-dahan kong binuksan ang brown envelop, saka ko dahan-dahang nilabas ang isang papel. Tila hindi ako makapaniwal na isang DNA RESULT itong binabasa ko. Binasa ko ang buong detalye, at 100%  positive na tunay nga niyang anak si Nisha. Agad umangat ang tingin ko kay Leo.

"What's the meaning of this?"

Lumapit siya sa akin, kinuha niya mula sa akin ang papel at envelope upang ilapag sa mesa, pagkatapos ay marahan niyang hinawakan ang aking mga kamay and he took a deep breathe before he speak.

"Sana pagkatapos kong sabihin sayo ang lahat, sana mapatawad mo ko, Tanya.." Hindi ako nagsalita, hinintay ko na lamang kasunod niyang sasabihin. "While we're in senior high. Naalala mo noong nagkaroon tayo ng hindi pagkakaunawaan before the day I broke up with you?"

Naalala ko nga yun. Yung araw na nakaroon kami ng LQ, nainis siya sa akin that time kasi hindi ko sinasagot ang mga tawag niya kaya sa sobrang pag-aalala niya sa akin at kung bakit naging malamig ang pakikitungo ko sa kaniya. May dahilan rin ako, pero natatakot lang akong sabihin sa kaniya. Someone stranger calls me at tinatakot niya ko.

"Dahil sa pag-aaway natin naglasing ako. Hindi kasi kita maintindihan kung bakit ganun ka na lang ang pakikitungo mo sa akin. Pero kahit na ganun, na kahit lunod ako sa kalasingain.. Ikaw pa rin iniisip ko dahil mahal kita. That night, I didn't know that Brynne came to fetch me, akala ko ikaw dahil sa kalasingan akala ko ang dinial kong number ay sayo pero kay Brynne pala. Then an accident came.."

Lalong kumunot ang noo ko sa huling sinabi niya. "A-Anong aksidente?"

Ilang segundong katahimikan ang namigitan sa amin. Jusko! Ang lakas ng kabog ng dibdib ko dahil sa kaba. Anong nangyari sa kanila ni Brynne?

"May nangyari sa amin ni Brynne that night, and its just an accident. Nadala ako sa kalasingan ko, na habang hinahalikan ko siya ay ikaw ang iniisip kong kahalikan ko, hindi si Brynne."

Bigla akong napatakip ng bibig sa gulat.

"Jusko.. I-Ibig sabihin na...nabuntis mo si Brynne habang nasa highschool pa tayo at aksidente niyo lang nabuo si Nisha?"

Tumango siya.. "That's why I broke up with you kahit masakit ginawa ko dahil kapag nalaman mo, alam kong hindi mo ko mapapatawad at si Brynne."

Hindi ako makapaniwala. Napayuko ako at napahawak sa aking dibdib sa sakit na parang kailan lang ay naramdaman ko naman ngayon. Sakit na hindi lubos matanggap ng puso ko. Hindi ko na tuloy napigilan ang maiyak.

"I'm sorry, Tanya.."

Akmang hahawakan niya ko pero umatras ako. "Don't touch me!" Naiiyak kong sigaw sa kaniya. "Hiniwalayan mo ko dahil sa responsibilidad mo kay Brynne? Ni hindi mo ko tinanong kung papayagan ba kitang gawin ang responsibilidad mo sa kaniya? Sana sinabi mo sa akin ang totoo para ako na nakipagbreak sayo! Kaso hindi eh! Sinaktan mo na ko noon, tapos mas lalo mo pa kong sinaktan ngayon! Nakakainis ka! Na saan si Brynne?"


"Tanya, wait!"

Nagmadali akong lumabas ng office room at wala akong pakealam kung nandito ngayon sa living room nila si Nisha, gusto kong makausap ngayon ang Mommy niya!

"Brynne! Lumabas ka!"

"Tanya!"

Agad hinigit ni Leo ang braso ko kaya napaharap ako sa kaniya.

"Ano? Na saan si Brynne?"

"Wala na si Brynne.. Patay na siya."

Natigilan ako. Sa sinabing iyon ni Leo ay direktang napunta ang tingin ko sa bata, kay Nisha. Mas lalo akong naiyak sa awa para sa bata at galit kay Leo.

Kinuha ko na ang gamit ko at patakbo na kong lumabas ng bahay nila.





#ChaTara08

You're My First and Only [TGKS#1]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon