Chapter 32 : Saving

7K 152 0
                                    

- TANYA'S POV -

Halos mapasigaw ako sa gulat dahil sa mga putok ng baril kaya napasandal ako sa balikat ni Uncle Benjz.

"Don't be scared, Tanya.. Makakalaya tayo.."

Tumango na lamang ako sa sinabi ni Uncle habang nakapikit, iyon na lang ang magagawa ko dahil nakatali pareho ang mga kamay ko ganun din kay Uncle. Hindi pa rin maalis sa akin ang trauma, natatakot pa rin ako sa tunog ng baril and at the same time naiiyak din ako.

"Tanya!"

Agad kaming napalingon sa tumawag sa akin, at nanlaki ang mga mata ko nang makita ko si Rio and he's holding a gun. Then, lumapit siya sa akin.

"Rio--"

"Pakakawalan kita, itatakas kita, basta sumama ka sa akin." Seryoso niyang sabi.

Napangiwi ako sa sinabi niya. "Salamat na lang pero hindi ako sasama sayo! Hihintayin ko na lang si Leo na magliligtas sa amin!" Inis kong bulyaw sa kaniya.

Napakunot-noo siya. "Ano? Di ba ako mahal mo?"

Ay, tanga!

Haaay~ paano ko ba sasabihin sa kaniya ang totoo kung nasa ganito kaming sitwasyon. Ay teka! May naiisip akong plano para makatakas.

- LEO'S POV -

Natila mapunit ang puso ko nang makita ko sa malayo ang isang lalaking karga-karga ang anak ko at dinig ko ang iyak niya habang pilit niyang kumakawala ang sarili sa lalaki hanggang sa ipasok siya sa isang itim na kotse.

Tangina! Mapapatay ko talaga ang Crawford na yan!

Naghiwalay-hiwalay kaming tatlo at sisiguraduhin nilang naliligtas nila sina Tito Benjz at Tanya, ako ng bahala sa anak ko.

Agad akong nagtago sa likod ng isang sasakyan dahil may nagpatama ng baril sa akin, good thing hindi ako natamaan kaya ako naman ang bumaril sa kanila. Muli akong sumilip at luminga-linga sa paligid.

Akmang tatakbo na sana ako sa sasakyan kung na saan ang anak ko nang may humarang sa akin na hindi ko inaasahan at makakaharap ko ngayon.

"Do you think I'm going to let you save your daughter?"

"I will kill you first before I get my daughter from you." Napangiwi ako habang tutok pa rin ang mga baril namin sa isa't-isa.

- TANYA'S POV -

Mamaya na ko hihingi ng tawad kay Uncle Benjz kung bakit sumasama ngayon kay Rio. Medyo liblib na at hindi ko alam kung saan ang kalalabasan nito.

"Sigurado kang shortcut 'to?" Paninigurado ko habang nakasunod ako sa kaniyang likuran, at kanina pa ko nakatingin sa baril na nakasuksok sa gilid ng bewang niya. Kanina pa ko napapalunok kung paano ko mahuhugot ang baril niya para makatakas sa kaniya.

"Yes--Hey!!" Nagulat siya nang makuha ko ang baril mula sa kaniya at nanginig akong itinutok sa kaniya ito. "Tanya, put it down--"

"Akala mo ba sasama ako sa tulad mong traydor? Hindi na kita mahal, pero kung mahal mo ko magagawa mo kong pakawalan." Sabi ko kahit kabado dahil sa baril na hawak ko.

Umiling siya. "No and I won't do that. Mahal kita, Tanya! Bakit ka nagkakaganyan? Dahil ba sa Leo na 'yon? Tangina! Hihigitan ko pa ang pagmamahal na binibigay niya sayo, mapatawad mo lang ako. Please--"

"Hindi.. Si Leo na ang mahal ko. Ginagamit mo lang ako at nagsusunud-sunuran kay Jeff." Mas tinututok ko ang baril sa kaniya nang akmang lalapit siya sa akin. "Wag kang lalapit! Aahh!!" Sigaw ko at mabitawan ko ang baril dahil nagulat ako nang may nagpaputok ng baril. At napasinghap ako nang makita kong napangiwi sa sakit si Rio dahil may tama siya sa kaniyang binti.

"Tanya!"

Napalingon ako kung sino iyon. "Raven?"

"Tumakbo ka na, ako ng bahala rito." Aniya habang nakatutok ang kaniyang baril kay Rio.

Tumango na lamang ako at tumakbo na ko pababalik sa warehouse para balikan si Uncle. Ngunit sa pagbalik ko ay wala na siya, pero may namataan akong pamilyar na babae na deretsyong nagtungo sa isang itim na kotse.

"Hoy!!" Sigaw ko at tumakbo ako papunta roon. Nagulat siya nang hilain ko ang buhok niya dahil balak niyang sumakay sa driver seat at doon ko nakita si Nisha loob sa may backseat na nakahiga. Teka anong nangyari sa bata? "Nisha!" Tawag ko pero hindi siya nagigising. "Aahh!" Nagulat nang sabunutan ako ng babae palayo sa kotse, si Heirsly.

"Hindi mo makukuha ang bata!" She said while she's pointing her gun to me. Sh*t! She was about to hit when someone shot her from her back until she lied flowing with her blood. Paglingon ko kung sino iyon.

"L-Leo.."

"I will kill who wants trying to kill my someone I love."

Agad akong napayakap sa kaniya ng mahigpit pero saglit lang iyon dahil nakita ko si Nisha mula sa loob ng sasakyan. "Ang anak mo. Nisha!"

Mabilis naming binukas ang pinto ng backseat at agad nilabas ni Leo ang bata mula sa loob. Nagsimula na kaming magpanic nang maramdaman naming mainit ang katawa ng bata at tila inaapoy ng lagnat.

"Baby! Wake up, daddy's here! Nisha, please!" Nag-aalalang aniya sa bata hanggang sa may lumabas na dugo mula sa ilong ng bata. "Sh*t! She's bleeding!"

"Leo, dalhin na natin siya sa ospital!" Natataranta kong sabi sa kaniya.

Mabilis ng kinarga ni Leo ang anak niya, at akmang tatakbo na kami nang may nagpaputok ng baril at napasinghap ako sa gulat nang tamaan sa likod si Leo.

"Oh my ghad, Leo!!!" Sigaw ko at napangiwi siyang binigay sa akin ang bata at kasabay ng hugot niya sa kaniya baril ay ang palingon niya sa kaniyang likuran at doon binaril niya ng dalawang beses si Jeff.




#ChaTara08

You're My First and Only [TGKS#1]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon