Chapter 23 : Walang Nagbago

7.1K 167 0
                                    

- TANYA'S POV -

Dinala niya ako sa CB at doon ay pinanuod niya lang akong uminom.


"Wag mo nga kong titigan ng ganiyan!" Kasimangot kong sabi sa kaniya.


"Ano ba kasing problema mo?"


Sandali akong sumimsim sa alak ko bago ako nagsalita. "Gusto mo ba talagang malaman? Ako kasi ang nakipaghiwalay, pakiramdam ko kasi hindi na ko masaya sa kaniya at saka wala na rin sparks eh.. Alam mo yun? Naguguluhan ako sa nararamdaman ko."


Dahil sa 'yo, kaya nanunumbalik na naman ang nararamdaman ko sa'yo Leo.


Gusto kong sabihin iyon sa kaniya kaso wag muna, gusto ko manigurado muna kung totoo ba 'tong nararamdaman ko.


Nakalimang shot na ko ng alak, pinigilan na niya ako kung sakaling pag-anim na. "Anuba?!"


"I'll take you home. Tinamaan ka na agad."


Umiling-iling ako. Pero oo, mukhang lasing na nga ako kaya napangiti pa ako sa kaniya. "No. I like to dance! Kung gusto mong umuwi, go!"


"You're really such a hardheaded, you know?" Rinig kong sabi niya pero hindi ko pinansin.


"Alam mo, kung ayaw mong umuwi sumayaw na muna tayo. Okay?" Sabi ko sabay hila ko sa kaniya.


Sa buong buhay ko ngayon lang ako nalasing ng ganito at first time palang din akong makita ni Leo na ganito.


Agad kong pinalupot ang mga kamay ko sa batok niya at nagsimula akong gumiling sa harap niya. Pero hindi siya sumasayaw at nakatitig lang sa akin.


"Sinong naturo sayong uminom ng ganiyan?"


Natawa naman ako sa pagiging seryoso niya. "Haha! Ako lang!"


Huminto ako sapagsasayaw nang alisin niya ang mga kamay ko sa batok niya. "C'mom, I'll take you home now. I just can't seeing you like this. I want the old Tanya."


"Baliw! We're not teens anymore, Leo! Kung nagbago ka, nagbago na rin ako! Lahat nagbabago!" Sigaw ko sa kaniya.


Napangiwi na siya this time. "Alam mo lasing ka na! Iuuwi na talaga kita!"


Hinatak na ko ni Leo papalayo sa dancefloor kaso bigla ding may humatak sa isa kong kamay kaya natigilan kaming dalawa.


"Tanya!"


Naningkit ang mga mata ko dahil nahihilo na ko sa alak at lumalabo na rin ang paningin ko. "Rio?"


Damnit!! Is it true?!


"Pare, bitawan mo girlfriend ko."


"No. I won't do that."


"Nakaroon kami ng misunderstanding kaya nakipaghiwalay siya sa akin. I'll take her home."


"Hep!!" Tigil ko sa kanila. Tumingin ako kay Rio. "Pwede wag ngayon!"



"Tanya, please.. Hindi mauulit iyon. At bakit kasama mo ang lalaking 'to?"


Natawa naman ako. "Eh kasi sinamahan ako ng ex ko! Si Leo, yung ex ko noon, mahal ko na ulit ngayon! Tara na!" Seryoso kong sabi at hinila na si Leo.


Kaso may humatak sa akin kaya nabitawan ako ni Leo. Napasinghap ako sa gulat nang sinugod ni Rio ng suntok si Leo.


"Tangina! Ikaw wala pa yun?!" Gigil na sabi ni Rio na muli niyang sinuntok si Leo sa mukha kaya muntik ng na out of balance ito.


"Rio! Tumigil ka!" Sigaw ko pero hindi ako makaalis dahil may lalaking nakahawak sa akin mula sa likuran ko.


Sa sumunod na suntok ni Rio ay nakailag na si Leo at siya naman ang sumuntok dito sa kay Rio ng malakas sa tiyan, saka niya pa tinuhod at sinuntok sa mukha kaya natumaba si Rio.


Agad akong nilapitan ni Leo at mabilis niya kong inagaw sa lalaking may hawak sa akin. Pero bago kami makaalis ay sinamaan niya ng tingin si Rio.


"I won't ever let this asshole touch you, Tanya! I swear, I'm gonna kill him!"


Bago pa ko mareact sa sinabi niya ay hinatak na niya ko papalabas ng CB. Pinagdrive niya ko pauwi sa unit ko. Pagdating namin ay hindi agad ako bumaba ng kotse niya, at pinagmasdan ko lang siya.


"Leo.." Pakiramdam ko ay natauhan ako sa mga pangyayari kanina. "Dumudugo ang gilid ng labi mo."


"Don't mind it--"


"Hindi. Gagamutin ko yan."


Pinapasok ko siya sa unit ko at pinaupo sa couch. Agad kong kinuha ang first aid kit ko malapit sa cr. Then umupo ako sa tabi niya at sinimulan ng gamutin ang sugat sa gilid ng labi niya.


Sandali siyang napangiwi nang pinapahiran ko na ng ointment ang kaniyang sugat. "Nadiinan ko ba? Sorry.."


"Nah.. I'm okay now." Sabi niya at dahan-dahan na niyang binaba ang kamay ko. "Are you alright?" Pag-aalalang tanong niya.


Tumango ako. "Yes. And I'm sorry for he did to you." Napaawang labi ako habang nakatitig kami sa isa't isa.


"Yung sinabi mo kanina. Is that true na mahal mo ulit ako o dala ng kalasingan mo?"


Pinatitigan ko muna siya bago ako nagsalita. Mukhang alam ko na ang sagot.


"Hindi dahil sa kalasingan. Mukha kasing natauhan na ko. Hindi pa rin pala nagbabago ang nararamdaman ko sayo matapos ang mga kasalanang nilihim mo sa akin, Leo. Ikaw pa rin talaga at walang nagbago.. Mahal pa rin kita." I said to him and I started to cry.





#ChaTara08

You're My First and Only [TGKS#1]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon