- LEO'S POV -
When someone calls her on the phone ay nagpaalam na siya sa akin. Napabugtong hininga na lamang ako at napailing sa panghihinayang na hindi siya nahalikan. Pabalik na ko sa living room ng matigilan ako na makita ko si Nisha sa nakatayo sa hagdan.
"Baby?"
"Hindi ko na po naabutan si Teacher Tanya." Then she smiled. "Lola says that your still in love with her. Isn't true?"
Lumapit naman ako sa kaniya at binuhat siya. Hindi ko na rin maiwasang mapangiti. "Lola mo talaga ang daldal. Well, what if I still in love with your Teacher Tanya? Can you accept her?"
"Maybe yes if she loves you too.. Kaso may boyfriend na po siya, di ba?" Ngumuso naman ang anak ko and found it cute kaya hinalikan ko agad siya sa pisngi. Ramdam ko na may sinat pa siya.
Hindi ko alam pero ayokong mawalan ng pag-asa.
- TANYA'S POV -
Hindi ko alam kung anong dapat kong maramdaman kanina pero sinasabi ng utak ko 'Sayang! Nandoon na! Malapit na!' Kaso...ah! I forgot my boyfriend na pala ako. Huhu!
Pero hindi ko pa rin maalis sa isip ko na mahal niya pa rin ako.
Haaay~ Sa totoo lang, hindi ko rin alam kung mahal ko pa ba siya o hindi na. Siguro ay masyado lang ako nadala sa sinabi niya, hindi dapat ako magpaapekto dahil may boyfriend na ko.
Pagbaba ko sa taxi. Agad ko ng nakita ang kotse ni Rio sa tapat ng condominium building na tinutuluyan ko.
Pero bakit ganun? Dati-rati ay masaya ako kapag nakikita siya noon, ngayon para hindi na ko gaano masaya. Parang naging plain na lang.
"Rio!"
Medyo nabigla ako dahil hindi ko siya tinawag na 'Bebelabs', anyare sa akin?
Paglingon niya ay agad gumuhit ang ngiti sa kaniyang labi. Lumapit naman kami sa isa't isa, agad niya kong hinalikan sa pisngi at niyakap ng mahigpit.
"I missed you.."
"G-Ganun din ako. Ako na humihingi ng sorry sa mga sinabi ni Uncle sayo."
Kumalas na siya at humarap sa akin. "Alam ko naman na ako ang pipiliin mo. Kung ano man nalaman mo wag mong paniwalaan. Mali ang sinasabi ng uncle mo, hindi niya lang ako gusto para sayo kaya sinisiraan niya ko. Tayo!"
Magulo. Masyadong magulo at hindi ako makapagdecide. "Eh wala naman ako pinapanigan. Ang gusto ko lang malaman kung totoo ba ang lahat o hindi. Sino ba kasi 'yang Jeff Crawford na 'yan?" Kunot-noo kong tanong sa kaniya.
Umiwas naman siya ng tingin sa akin natawa ng bahagya. "I don't know who is Jeff Crawford, okay? Sinisiraan lang tayo ng Uncle mo. Nandito ako para makipag-ayos, pero heto ka na naman sa mga nonsense mong sinasabi na wala naman akong alam."
Natigilan ako. Hindi niya kilala si Jeff Crawford? Pero bakit sinabi ni Uncle na kasama siya sa mga masasamang balak nung Jeff Crawford na yun? Ang tatay daw kasi ni Jeff Crawford ang pumatay sa mga magulang ko, kaya nalaman ni Uncle na kaibigan ni Rio ang lalaking iyon.
"Okay, fine. I'm sorry! Kakausapin ko ulit si Uncle." Nakanguso kong sabi sabay hawak ko sa braso niya. Umiinit na naman kasi ang ulo niya.
Pinapasok ko muna siya sa unit ko at agad naman kaming kumain nang dumating ang order naming pizza.
"Anyways, you said na nasa bahay ka ng estudyante mo kanina?"
Napahinto ako sa nguya nang sulyapan ko siya saglit.
"Oo. Binisita ko lang kasi nagkasakit siya after niyang mabully sa school. Kawawa naman eh." Casual kong pagkakasabi sa kaniya.
"Wala kang dinadalang lalaki rito?" Seryosong tanong niya kaya napataas ang kilay ko.
"Wala. Bakit naman ako magpapasok ng ibang lalaki?"
Habang nanunuod ay naramdaman kong pinalupot niya ang kamay niya sa aking bewang. Kunwari akong nagfocus sa TV pero sa totoo niyan ay pinapakiramdaman ko siya. Ayokong humantong kami sa gusto niyang mangyari ngayong gabi.
Bahagya akong nakiliti nang bigla niyang dampian ng halik ang batok ko.
"Malapit na 3rd anniversary natin, what do you want to do? Do you want to go for a travel?" Husky niyang pagkakatanong habang patuloy akong hinahalikan sa batok at balikat papunta sa aking leeg.
"R-Rio.."
I was about to stop him nang bigla niyang binaba ang manggas ng T-shirt ko para masilayan niya ang balikat ko at doon niya ko hinalikhalikan at iba ang naging apekto sa akin. Sh*t! Hindi pa siya tumigil nang imasahe niya bigla ang legs ko gamit ang left hand niya, pataas sa aking dibdib.
"I want you now, Tanya.. I'm craving for this, you know that? Kaso lagi mo kong binibitin, sana naman ngayon wag ka ng umangal."
Bago pa ko makasagot ay siniil na niya ang halik. Ang right hand niya ay nasa batol ko. Napapikit lang ako at habang naghahalikan kami at minamasahe na niya ngayon ang dibdib ko, hindi ko nga lang maintindihan kung bakit si Leo ang nasa isip kong kahalikan ko ngayon.
Sh*t!
Napaungol ako at bahagya siyang tinulak.
"I-I'm sorry, I'm not still ready for this, Rio." Sabi ko na agad kong inayos ang sarili ko.
"What?!" Maktol niya. "You always make me hanging like this, Tanya! Tell me, mahal mo ba ako kaya ayaw mo pang isuko ang sarili mo sa akin?"
Napangiwi naman ako. "Mahal kita kaso saka na lang natin gawin ang gusto mo kapag asawa na kita. Hindi naman minamadali yan eh! Intindihin mo naman ako!"
Tatayo na sana ako para tumungo na sa kwarto nang bigla niya kong pigilan.
"Then marry me, Tanya."
Napairap ako. "Ano ka ba?! Feeling mo naman may kaagaw ka sa akin para magmadali ka ng ganiyan. Wag kang ngang excited! At kung sex lang pala gusto mo sa akin, mabuti pa..."
"Mabuting ano?" Biglang nalungkot ang tono ng boses niya.
"Mabuting maghiwalay na muna tayo. Umalis ka na."
Mabilis ko inagaw ang kamay ko sa kaniya at mabilis siyang pinagtutulakan palabas ng unit ko kahit panay ang pakiusap niya na wag siyang hiwalayin.
I slam the door and I started to cry.
#ChaTara08
BINABASA MO ANG
You're My First and Only [TGKS#1]
Fiksi UmumLeo has a nine years old daughter named Nisha. And Nisha have a teacher named Tanya. But what if malaman ni Leo na ang teacher ng anak niya ay kaniyang Ex Girlfriend niya noong highschool. Manunumbalik pa kaya ang pagtitinginan nilang dalawa?