- TANYA'S POV -
Tuwang-tuwa ako dahil tumawag ang principal ng BellRose last friday para ipaalam na hired na ako, syempre I'm willing to undergo training.
Now is Monday, and I know that being a teacher needs more patience. Haaay~ Mapapasabak ulit ako, hindi naman maiiwasan ang makukulit na bata, eh!
Pagdating ko sa BellRose Faculty Room ay malugod akong winelcome ng mga co-teachers ko, willing naman silang tumulong if I need a help.
In-assign ako ng Head Teacher na magturo sa Grade3 pupils. Oh, well.. Here we go. Pagdating ko sa tapat ng classroom ng grade3 ay marahan ko ng binuksan ang pinto. And I was surprised na nagkakagulo sila rito, ni hindi nga nila napansin na bumukas ang pinto dahil busy sila sa kani-kanilang laro.
May naghahabulan, may mga naglalaro ng toys, at may nagpapalipad ng paper plane. Ang gulo tuloy ng classroom nila.
"Ehem!" Tumikhim ako ng malakas at doon sila tumigil ng marinig nila ako. Saka ako ngumiti at kumaway sa kanila. "Hi! I'm your new teacher in Mathematics. So kindly, go back to your proper seats." Mahinahon kong sabi at agad naman silang sumunod.
"Good Morning, Teacher!" They greeted back.
"Good Morning. Masunurin naman pala kayo." Nakangiting sabi ko habang nililibot ko ang aking paningin sa kanilang lahat. Hanggang sa tumigil ang mata ko sa isang pamilyar na batang babae na todo ang ngiti sa akin.
OMG! Si Pretty Girl, student ko pala!
Kinindatan ko naman siya agad, nakaupo siya third row malapit sa bintana. Tapos ay binaling niya ang kaniyang tingin sa kaniyang seatmate na girl din, mukhang may kaibigan na siya.
"Before I start our new lesson in mathematics. I want to introduce myself first." Kumuha ako ng chalk at sinulat ko sa blackboard ang fullname ko. After I wrote my name ay humarap ulit ako sa kanila. "My name is Tanya Celestine Ferrell. So, you must call me Teacher Tanya." Tahimik lang sila habang nagsasalita ako. "Siguro naman mababait kayong lahat dito, hope you all will be nice to me."
Pagkatapos ay may nagsalita nang makaupo na ako sa tapat ng table ko.
"Si Peter po, bully! Haha!" Sabi ni Chubby Boy habang dinuduro yung Peter na nasa Second Row.
Sumama ang tingin nung Peter kay Chubby Boy habang nagtatawanan ang iba.
"That's enough. Bully is a bad thing at pinagbabawal iyon sa lahat ng schools. Kaya nga kayo nandito sa school para mag-aral, at hindi para mambully. Do you understand?" Mahinahon kong pagsisiwalat sa kanila.
"Yes, Teacher!" They said in chorus, saka ako tumingin kay Pretty Girl na nakangiti lang sa akin.
I started to check the attendance at isa-isa ko binanggit ang kanilang names.
"Gregorio, Liam Alexis?"
Hinanap ko kung sino iyon, but he didn't speak he just raised his right hand na parang tinatamad pa.
"Gregorio, Syrone Jervy?"
"Present, Teacher!" Ah! Si Chubby Boy. Kahit chubby ay may pagkanerd din, pero cute siya.
"Magkapatid kayo?" Tanong ko kay Chubby Boy na seatmate niya si Lazy Boy.
"Maniniwala po ba kayo kung sasabihin kong...kambal kami? Kuya Twin ko po siya." Sagot niya.
Natatawa naman ang ibang classmates niya sa kaniya because he looks funny naman at masayahing bata. Pero...seriously? Kambal sila? Hindi halata..
"Okay sige, naniniwala na ko." Natatawang sabi ko.
"Hanston, Crystal Lei?"
"Present po!" She said jolly when she raised her right hand. Katabi niya si Pretty Girl, pero pretty naman silang dalawa.
Pagktapos kong banggitin ang surnames ng four letters, natigilan ako nang mabasa ko sa class record ang isang pamilyar na apilyido. Hanggang dito ba naman may kapareha siyang surname? Haay~
"M-Monticello, Nisha Genevieve?" Na-utal pa ko.
At natulala ako nang tinaas ni Pretty Girl ang right hand niya. "Present!"
Bigla kong naalala ang sinabi ni Leo noon na may susunduin siya, daughter niya raw. Posible bang siya ang anak ni Leo? Oh my.. How come na nagkaroon ng anak si Leo ng nine years old? Eh ten years lang kami nagkahiwalay.
"Ahm.. Nisha? H-How old are you now?"
"Nine po.."
Tumango-tango naman ako. "Ahh.. Sige.."
Bumalik ulit ako sa pagchecheck ng attendance.
Baka naman hindi si Nisha at same surname lang sila ni Leo. I know may kapatid pa si Leo, pero imposible pa rin, eh..
After checking the attendance, sinimulan ko na ang pagtuturo ng Math. I'm not their advisory, Math Teacher lang nila ako and after this second subject ay recess time na nila.
After one hour, the bell rang..
"Class, you can take now your recess.."
Agaran naman silang lumabas ng classroom, kaya naman binura ko na muna mga nakasulat sa blackboard.
"Teacher Tanya?"
Tumigil ako sa pagbubura at nilingon kung sino iyon. Its Nisha..
"H-Hi, Nisha.."
Siya na lang ang natirang bata rito. Is this the time na malaman ko kung sino ang parents niya? Malay natin baka Uncle niya pala si Leo.
--
A/N: LIAM, SYRONE and CRYSTAL from the 'Epilogue' of Starnet Warriors: Next Generation (Season2). Lakas maka-extra ng tatlong half-alien kiddos. Pfft! ^^ Pero hindi sila maglalabas ng superpowers dito dahil hindi Sci-Fic ang genre nitong story, extra lang sila.
Sana mabasa niyo ang iba ko pang stories. :)
#ChaTara08
BINABASA MO ANG
You're My First and Only [TGKS#1]
Ficción GeneralLeo has a nine years old daughter named Nisha. And Nisha have a teacher named Tanya. But what if malaman ni Leo na ang teacher ng anak niya ay kaniyang Ex Girlfriend niya noong highschool. Manunumbalik pa kaya ang pagtitinginan nilang dalawa?