- TANYA'S POV -
Hindi ko alam kung saang lugar kami dinala ng mga lalaking ito, pero mukhang nasa isang abandonang at lumang warehouse ito. Karga nila ang bata habang umiiyak, habang ako ay nasa isang lalaking na hila-hila ako papasok sa loob.
Pagdating ko sa loob ay may ilang armadong lalaki ang sumalubong sa amin na may hawak-hawak na malalaking baril. Jusko, ano ba 'to? Hindi ko maiwasang matakot sa kanila. Pagkatapos ay bigla akong tinulak sa isang sulok kaya natumba ako, pati ang bata pero mabuti na lang ay kaagad ko siyang nasalo.
"Pwede ba magdahan-dahan kayo? Ano bang kailangan nyo sa bata?" Inis kong sigaw sa kanila.
Ngumisi ang balbas-saradong lalaki sa akin. Takot na takot naman si Nisha kaya napayakap sa akin. "Hintayin mong dumating si Boss para malaman mo." Pagkatapos ay pinagbilinan niya ang kaniyang mga kasamahan na bantayan kaming mabuti.
Umangat ang tingin sa akin ni Nisha kaya napatingin ako sa kaniya. "Ayos ka lang ba? May masakit ba sayo?" Pag-aalala kong tanong sa kaniya, saka ko hinaplos ang mukha niya na may bakas ng luha.
"W-Wala po.. I'm thinking about Daddy, I hope he could save us."
Mabilis ko namang hinalikan ang kaniyang ulo. "Don't worry, I know he can do that. Mahal ka nun, eh.."
Bahagya siyang ngumiti. "Mahal ka rin po niya.."
Napangiti ako tumango. "I know.." Saka ko siya niyakap ulit, pero bigla rin kumalas si Nisha dahil sa gulat, nagtaka naman ako kung ano iyon.
"Bitiwan niyo ko!" Sigaw ng pamilyar na boses sa akin. At nanlaki ang mga mata kung sino iyon, pati siya ay nagulat nang magtama ang aming mga mata.
"Uncle!!"
"T-Tanya?!" Aniya na tila hindi siya makapaniwalang nandito ako.
"Napakawalang hiya niyo! Pati pamangkin ko dinadamay niyo rito!" Sigaw niya sa isang lalaking mestizo, at kahit kalbo ay gwapo rin, pero walang pa ring tatalo sa kagwapuhan ni Leo!
"Itali niyo banda roon ang matandang iyan." Utos nito sa mga lalaki, saka ito tumingin sa aming gawi.
"U-Uncle Jeff?" Mahinang sambit ni Nisha sa lalaking kalbo.
Napakunot-noo ako, totoo ba ang narinig ko? Tinawag niyang Jeff? Ibig sabihin ito si Jeff Crawford na half brother ni Brynne? Sh*t! Mukha siyang demonyo!
Ngumisi naman si Jeff kay Nisha. "Hi, Baby.." Naglakad ito papalapit sa amin, pero hindi ko hinayaang hawakan niya si Nisha dahil alam ko na kung anong pakay niya. Kukunin niya si Nisha!
"Hindi mo siya mahahawakan." Matapang kong sabi at matalim ko siyang tinitigan.
Gumilid ang sulok ng labi niya. "Tanya, right?" Humagikhik siya. "I'm Jefferson Crawf---"
"Sabi ko pa naman noon kapag nakaharap na kita kakalbuhin kita, kaso sayang kalbo ka na pala." Seryoso pero mapang-asar kong sabi.
Bumaling ang tingin niya kay Nisha saka niya ito nginitian. "Hey, are you hungry? Uncle brought you some cookies--"
"I don't like.." Nakasimangot na sagot ni Nisha habang nakayakap pa rin sa akin ng mahigpit. Good girl..
Pero feeling ko gusto ng cookies niya. Ako yata ang nagugutom, eh!
"So what do you want?" Umiling ang bata sa kaniya dahilan upang sumeryoso ang kaniyang tingin kay Nisha.
Ako naman ay napangisi. "Hindi mo siya madadala sa mga palusot mo para makuha siya."
"Let's see, Ms.Ferrell.." Aniya na may halong paghahamon. Tumayo siya ng matuwid at may sinenyas siya sa kaniyang mga tauhan.
Nagulat ako nang may lumapit na dalawang lalaki sa akin at pilit akong hinihila palayo kay Nisha, kaya naiyak ulit ang bata.
"Ano ba?! Bitawan niyo ko!! Nisha!" Sigaw ko ng umiyak si Nisha nang kunin siya ni Jeff.
"Huhuhu! Let me go!! Mommy, help me!!"
Sa pagtawag sa akin ni Nisha ng 'Mommy' tila may humaplos sa aking puso, hindi ko alam pero ang sarap marinig iyon mula sa kaniya at masakit na makitang nilalayo nila ang anak ko sa akin. Kahit hindi siya nanggaling sa akin ay pakiramdam ko ay anak ko na rin siya.
Dahil doon ay nagawa kong sikuhan ang isang lalaki at sabay suntok ko pa sa isa kaya nakatakbo at pilit kong inagaw kay Jeff ang bata. Hanggang sa may marinig kaming sunud-sunod ng putok ng baril.
"Talian niyo ang babaeng 'to at ipasok niyo sa kotse ko ang bata!" utos ni Jeff sa mga tauhan niya.
At tuluyan ng humiwalay sa akin si Nisha nang may humawak sa akin.
- - -
I need to re-edit this kasi magtatanggal ako ng isang character, which is KEN LESTER, kasi baka hindi ko na alam kung ano magiging story niya sa 4th series kaya 3series na lang ang gagawin ko. Paki-refresh nalang po ang story na 'to habang wala pa kayo sa Ending. Thank u! :)
#ChaTara08
BINABASA MO ANG
You're My First and Only [TGKS#1]
General FictionLeo has a nine years old daughter named Nisha. And Nisha have a teacher named Tanya. But what if malaman ni Leo na ang teacher ng anak niya ay kaniyang Ex Girlfriend niya noong highschool. Manunumbalik pa kaya ang pagtitinginan nilang dalawa?