Chapter 1

37.4K 177 46
                                    

CHAPTER 1

Simula na ng klase for the school year 2001-2002 at as usual magkaklase na naman sina Kim, Xian, Mateo at Maja. Nasa graduating level na sila for this year. 

"Ate, gising na! Baka ma-late na tayo sa school nyan!" ani Eda sa ate nyang si Kim na mahimbing pa din ang tulog.

"Ate!!! Anu ba!? Andyan na si Kuya Xian oh!" pang-gising ni Eda kahit wala pa si Xian sa kanila. Kasi alam nya na kapag andyan na si Xian eh bumibilis ang kilos ng kanyang ate kaya lagi nya itong niloloko. Crush kasi ito ni Kim simula nun magkakilala na sila. Tinatago lang nya ito kasi baka layuan sya ni Xian. Kaya lahat ng ginagawa ni Xian eh ginagawa na din ni Kim para mapalapit pa lalo sa kanya.

Dali-daling bumangon si Kim at walang sabi sabing tumungo sa banyo para maligo. Di na nya napansin na tawa ng tawa si Eda sa isang tabi. 

After 15 minutes lumabas na si Kim sa banyo at dali-daling nagbihis. Pagbaba nya sa sala, hinanap nya agad si Xian. 

"Nay, nasan na po si Xian?" tanong ni Kim sa nanay na na naghahanda ng kanilang almusal.

"Ha? Bakit mo hinahanap si Xian? Sabay ba kayo ngayon papasok sa school?" tanong ni Nay Zheny.

"Eh kasi po sabi ni Eda andito na daw po si Xian eh! Hmmm.. Mukhang naisahan na naman ako nung kapatid ko na yun ah!" Sabi ni kim na kumunot na ang noo sa inis.

"Hay naku anak, pabayaan mo na yun si Eda! Di ka pa nasanay sa kanya. Maigi nga at nagising ka na at di kayo mahuhuli sa unang araw nyo sa school." wika ng nanay na nangingiti na lang.

"Si Tay po umalis na ba?" tanong ni Kim. Maaga kasing umaalis ang kanilang ama para pumasok sa opisina. Tapat kasing kawani ng Gobyerno ang kanilang ama kaya malimit na napropromote ito. Kasabay nun eh madami ang naiinggit dito.

"Ah oo anak! Alam mo naman ang tatay mo maagap pumasok. O hala kain ka na para makaalis na kayo ni Eda." wika ng kanyang ina.

"Nasan na po ba si Eda? Tapos na po ba syang kumain?" tanong ni Kim sa ina.

"Oo, kanina pa sya kumain. Excited pumasok. Siguro nasa kwarto pa nya at ngbibihis na. Teka tawagin ko na para makaalis na kayo." wika ni Nay Zheny.

"Sige po Nay nang mabatukan ko na din yan sa panloloko nya!" inis na sabi ni Kim.

Biglang may kumatok sa kanilang gate.

"Good morning po! Pards nandyan ka pa ba? Si Xian ito!" Sigaw ni Xian sa labas ng gate nila. yun ang tawagan nila palibhasa one of the boys si Kim.

"Uy Pards! Halika pasok ka muna! Kumain ka na ba?" alok ni Kim kay Xian.

"Oo tapos na akong kumain. Tara na baka mahuli na tayo sa flag ceremony." Yaya ni Xian.

"Sandali lang tawagin ko lang si Eda." sabi ni Kim.

Matapos tawagin si Eda, nagpaalam na silang tatlo kay Nay Zheny.

"Nay, alis na po kaming tatlo." paalam ni Kim sabay mano at halik sa pisngi ng kanyang ina. Ganun din ang ginawa ni Eda. Si Xian naman ay nag-mano lang.

"O sige mag-iingat kayong tatlo ha." Paala-ala ng kanilang ina.

Parehong scholar si Kim at Eda sa Manila Science High School kaya sila nakakapag-aral sa ganito kaganda at kamahal na paaralan.  Si Xian naman ay kayang tustusan ng magulang at pag-aaral kaya khit matalino sya ay hindi sya kumuha ng scholarship. May pagkamayabang din ng konti itong si Xian eh. Si Kim at Xian ay graduating na samantalang si Eda ay 1st year high school pa lang pero matured na kung mag-isip.

Reunion of  Hearts (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon